Tagalog Horror Stories Collection
Kababalaghan sa Headquarters
Written by: PrinceRomance
(Shane's POV)
"I never thought na makakaexperience ako ng ganung klaseng karanasan lalo pa at tanghali iyon nang maganap."
- Shane Jimenez
It was in mid-October nang maganap ang nakakapangilabot na karanasan ko sa Drama Guild headquarters.
Napagkasunduan kasi ng officials ng DG (short for Drama Guild) na magsimula nang magrehearsal para sa Stageplay presentation para sa darating na Christmas Season at dahil ako ang presidente ng DG, kinakailangan kong i-monitor ang lahat ng mga mapagkakasunduan about sa play.
At dahil doon, kahit Sunday, na araw dapat ng pagpapahinga namin sa bahay ay napilitan kaming pumasok dahil sa mapilit naming Adviser.
Labing-apat lang kaming umattend, kasama ang 8 na officer ng DG, directors at stage manager.
"Jeff, ano ba sabi ni ma'am? Ikaw dapat ang kumakausap kay ma'am about sa mga usapang ganito ehh, kanina pa tayo nandito pero hanggang ngayon wala pa rin siya!" singhal ko sa PIO namin dahil halos isang oras na kaming naghihintay sa wala.
"Shane, wag ka nga masyadong sumigaw at baka maistorbo mo yung mga multo dito sa school dahil sa lakas ng boses mo! Hahahahahaha!"
"Tama si Cris, kalma ka lang Shane, darating din yun si ma'm, tsaka wag na masyado mainit ulo mo."
"Sige na sige na, pero Jeff, paki-contact na si maam, pakitanong kung daratin pa ba talaga siya para naman makauwi na tayo, marami pa tayong isusubmit this week eh."
"Yes Boss!"
At dahil wala na nga kaming magagawa, tumunganga nalang muna kami sa headquarters.
Idinaan nalang ng iba naming kasama sa pag-idlip ang bagot na nararamdaman nila habang ang iba naman ay nagdadaldalan.
Dahil na rin sa sobrang inis at bagot ko, lumabas nalang ako ng headquarters at nagikut-ikot nalang muna sa campus. Alam ko kasi na hindi mawawala ang init ng ulo ko sa loob dahil sa ingay ng mga kasama ko.
Naisipan ko that time na magpunta nalang muna sa garden dahil alam kong doon ako mas makakapagrelax at makakapag tanggal ng init ng ulo.
Nang makalabas na ako ng building nagulat ako nang makasalubong ko si ma'am,
"Oh, Shane, bakit mukhang napaaga ang punta mo?"
"Ano ma'am? DIba po ang usapan po natin is 1 ng hapon ang start ng meeting natin? Eh 2pm na po ngayon eh."
"Oo nga, pero hindi ba sinabi sa iyo ni Jeff na pinagawa ko nang 2:30pm ang meeting natin?"
Nagulat ako nang marinig ko iyon sa aming adviser. Sa sinabi pa lang ng adviser namin, alam kong may hindi tama nang nangyayari.
"Ah, ganun po ba ma'am? Wala po kasi sa aking nabanggit si Jeff eh."
"Yun talagang batan iyon oh. Hala, tara na sa headquarters nang makapag-usap na tayo tungkol sa gagawin nating play. Ay siya nga pala, pakidala naman itong mga cartolina sa headquarters at naiwan ko pa sa office yung permit natin."
"Okay ma'am!"
Habang naglalakad ako pabalik sa headquarters, hindi maalis sa isip ko kung pinaglololoko ba ako nila Jeff at hindi sinabi sa akin na na-adjust pala yung oras ng meeting. Pero sa isa namang banda, alam kong hindi nila magagawang lokohin ako, lalo pa't kilala nila ako kung paano magalit.
"Humanda talaga sa akin yung mga ungas na iyon! Lalo na kapag nalaman kong pinagtripan ako ng mga yin!" Sabi ko sa sarili ko habang pabalik sa headquarters.
Nang mga oras na iyon, hindi ko alam sa sarili ko na may isa palang pangyayari ang magaganap na tunay na nakapagpangilabot sa akin at mukhang hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.
"HOI! Anong kaguluhan ang nagaganap dito?!" Bungad ko sa mga kasamahan kong nasa DG headquarters na kala mo ay mayroong rumble dahil sa ingay nila.
"Oh Jeff, yan na si boss. Sabihin mo na."
"Sabihin niyo na nga yan sa akin kaagad! Pinaghihintay niyo pa ako eh." Banas kong sabi sa kanila.
"Kalma lang Shane. Kasi kanina, habang wala ka, nagtext si maam, pinapasabi niya na hindi raw tuloy ang meeting ngayon kasi busy daw siya."
Matapos kong marinig iyon, nangilabot na ako ng tuluyan. Hidi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari.
Agad akong napaatras matapos niyang sabihin iyon. Ramdam ko na unti-unti akong nanghihina at ano mang oras ay babagsak ako.
"Teka Shane, anong nangyayari sayo at parang namumutla ka? At kanino nga pala yang mga dala mo?"
"A-ah, wala, maiwan ko muna kayo diyan ah."
Dahil alam kong may hindi na magandang nangyayari at alam kong may kababalaghan nang nagaganap ng mga oras na iyon sa headquarters. Tama nga ang hinala ko, una, dumating si maam at sinabinmamaya pa ang meetingat alam iyon ng mga kasamahan ko. Ikalawa, ang pagtext naman ni maam sa kanila na hindi raw makakarating si maam.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon, alam kong isa sa kanila ang nagsisinungaling, subalit sino ang paniniwalaan ko?
Dahil dito, nagdesisyon na lamang akong takasan ang pangyayaring ito at ibaon sa limot.
Subalit habang nagmamadali akong lumabas ng kuwarto, nabigla ako nang akma namang pumasok si maam.
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa akong mga kasamahan at sa abing adviser.
Nang mga oras na iyon, ramdam ko na binabalot ng takot ang buo kong katawan. Habang ang akong mga mata naman ay nangungusap na sabihin nilang isa lamang malaking JOKE ang nagaganap.
Habang nagpapalipat-lipat ang akong mga mata sa kanila, unti-unti namang bumigat angpakiramdam ko, na para bang kinakapos ako sa hininga. Lumamig din ang buong paligid na animoy punung-puno ng yelo ang buong kapaligiran.
Muli ko silang tinignan, umaasang pinagti-tripan lamang nila ako, subalit tanging malalamig lamang na ngiti ang isinukli nila sa akin.
Sinubukan kong tumakbo palabas subalit, tila hindi ako gunagalaw sa aking kinaroroonan.
Sinubukan kong sumigaw subalit wala namang lumalabas na tinig mula sa aking bibig.
Nang muli ko silang sulyapan, mas lalo akong nangilabot dahil kitang-kita ng dalawang mata ko ang unti-unting pagkaagnas ng ilang bahagi ng katawan ng aking mga kasamahan at ang unti-unti namang pagtulo ng dugo sa mukha ng aming adviser.
Tuluyan na akong humagulgol ng mga oras na iyon at pinilit kong makalabas sa kuwartonv iyon dahil alam kong anumang oras ngayon ay bibigay naang aking kataan.
At nang maramdaman kong hinawakan niya akong lahat, tuluyan nang bumigay ang katawan at aking isipan at tuluyan na akong nawalan ng ulirat.
Nang magkamalay ako, nakita kong naroroon na pala sa luwarto ang aming adviser.
Natakot pa ako noong una sa kaniya dahil muling bumalik sa aking alaala ang aking nasaksihan kanina lamang na ikinabigla naman ng aming adviser.
Agad naman akong pinakalma ng aming adviser at tinanong niya ako kung ano ba ang nangyari.
Dahil sa kailangan korin mailabas ang takot ko, isinalaysay ko sa kaniya ang mga nangyari kanina lamang n akaniya rin namang ikinabigla.
Matapos kong masabi sa aming adviser ang lahat-lahat, nagdesisyon kaming mag-alay ng dasal sa loob ng kuwarto.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng aming dasal ay matigil na ang panggagambala sa amin ng mga ligaw na kaluluwa.
Simula noon, hindi na muli akong nagpaiwan o maagang pumupunta sa mga meeting namin sa headquarters ng mag-isa lamang dahil napatunayan ko na "HINDI LAHAT NG ATING MGA NAKASASALAMUHA AY MGA BUHAY PA, ANG IBA SA KANILA AY MAAATING MGA LIGAW NA KALULUWA NA LAMANG NA NINANAIS KANG PAGLARUAN."
BINABASA MO ANG
Kilabot sa mga Paaralan (Horror Stories Collection) {ON-GOING}
HorrorAng dating isang istorya ng kababalaghan sa paaralan ay akin pang dadagdagan. Atin nang pasukin ang mundo ng kababalaghan sa mga paaralan sa... KILABOT SA MGA PAARALAN (A HORROR STORIES COLLECTION) Simula ngayon, this will be my compilation of every...