Kilabot sa mga Paaralan - Bangkay -

2.7K 41 9
                                    

Tagalog Horror Stories Collection 

Bangkay

Written by: PrinceRomance

(Mika's POV)

Minsan sa ating buhay, may mga bagay na nangyayari na napakahirap paniwalaan para sa ating mga isipan. Mga bagay na hindi malutas ng siyensiya na patuloy na bumabagabag sa ating pamumuhay sa pangaraw-araw. Mga bagay na kung tutuusin ay maaaring gawa-gawa lamang ng malikot nating mga isipan.

Multo. Aswang. Duwende. Tikbalang. Engkanto. Ilan lamang iyan sa mga bagay na mahirap paniwalaan sa makabagong panahon nating ito. Subalit, paano na lamang kung ikaw mismo ang nakaranas nito? Masasabi mo pa kayang "Isa lamang itong kababalaghan at napakalayo sa realidad?"

Ako si Mikaela Jimenez, at ito ang kwento ng  kababalaghang naganap sa aking buhay sa loob ng paaralang aking pinapasukan.

(March 21, 2014, 5:00 p.m.)

 "Mika, sasama ka ba sa amin mamaya? Alam mo namang Friday ngayon diba? And you know what we're going to do tonight, right?"

"Hahahahahaha! Kayo talaga. Di ko pa kasi sure kung anong oras ako matatapos dito sa ginagawa ko eh. Alam mo namang grade ng buong klase natin ang nakasalalay dito diba?"

"Ikaw talaga oh, sige na nga. Basta siguraduhin mo na next time makakasama ka na sa amin ha! Masyado ka nang nagpapakalunod sa mga school projects natin eh. Besides, graduating na tayo kaya enjoy-enjot din pag may time."

"Guys, pasensiya talaga, di ako makakasama ngayon eh. Babawi analng ako next time okay? By the way, I need to go na to the library. Kailangan ko pang matapos lahat ng 'to eh. See you guys!"

"Okay, kitakits nalang tomorrow, I think?"

Pagkatapos kong tumanggi sa alok sa akin ni Krissa, iniwan ko na sila sa room at dumiretso sa library. 

"Mika, susulitin mo nanaman ba ang paggamit sa library ngayon? Simula pa nung Monday, inaabot ka na ng 8:00pm dito eh," bungad sa akin ni Ms. Dela Cruz, ang namamahala sa aming library.

"Pasensiya na po kayo ma'am, kailangan ko na po kasing matapos 'to eh. Para maipasa na namin sa Monday."

"O siya, sige. mauna na ako sayo. Iiwan ko nalang dito sa counter yung susi, ikaw na ang bahala mag lock dito ha. At huwag kang masyadong magpagabi dito."

"Opo ma'am. Salamat po."


Agad akong pumunta sa table na lagi kong ginagamit dahil malapit iyon sa mga references na ginagamit ko para sa research namin.

Kakaunti na lamang yung mga tao na nasa library ng simulan ko yung ginagawa ko. Yung iba nagpapalamig lang dahil airconditioned kasi 'to, pero yung iba naman, talagang may tinatapos din tulad ko.

Subalit may isang estudyante ang pumukaw ng aking pansin. Nag-iisa lang kasi siya sa pinakadulong part ng library eh.

Pero dahil nga sa kailangan ko nang madaliin yung research anmin, di ko nalang siya pinansin. Baka kasi nag-eemote lang yun, since malapit na ang graduation at nauuso na ang mga break ups sa school dahil nga raw magkakahiwalay na sila.

Habang tumatakbo ang oras, napapansin ko na rin na pakaunti na nang pakaunti yung mga tao sa library. Kaya naisip ko na mas okay ito since magiging mas conducive para sa akin ang makapagresearch dahil nababawasan na yung ingay sa library.

Kilabot sa mga Paaralan (Horror Stories Collection) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon