Kilabot sa mga Paaralan - Chapel -

606 11 4
                                    

(This story is based on a legend in one of the universities in Intramuros.)

Naniniwala ka ba sa kasabihang "be careful what you wish for it might become true?" 

Kung hindi, pwes, halika. Samahan mo ako at tuklasin natin ang hiwaga ng mga salitang iyan sa kwento ni Miggy, third year college student sa isang kilalang unibersidad sa Maynila.

(Miggy's POV)

(January 14, 2015 ; 8:47pm)

Sa buong tatlong taon kong pag-aaral rito sa unibersidad na 'to, dumating na ako sa point kung saan nagsasawa na ako sa mga nakikita ko. Halos araw-araw nalang kasi pare-parehong mga mukha nalang ang nakikita ko. Yung mga kaibigan ko, mga propesor, mga staff ng school, at yung mga estudyante. Hanggang sa minsang nag-uusap-usap kaming magbabarkada, nasabi ko sa kanilang, "Nakakasawa na kayong makita pre! Hahahaha! Halos araw-araw kayo nalang nakikita ko. Sana ibang mga mukha naman makita ko kahit isang araw lang!" Ayan na ata ang pinaka pinagsisisihan kong hiling na nagawa sa buong buhay ko.

(January 14, 2015 ; 6:53am)

"Migs! Sama ka sa amin mamaya ha. Gawin na natin yung problem set sa Physics. Ilang araw nang nakatengga eh tsaka pasahan na next week, mahirap na baka mag cram pa tayo. Hahahaha!" Bati sa akin ni Kris pagkapasok ko sa building namin.

Di kami magkaklase ni Kris dahil magkaiba kami ng block, though pareho naman kami ng course kaya kapag may mga problem set, sama-sama naming ginagawa since pareho lang naman ng prof.

"Oo na. Sunod nalang ako. Hanggang 9pm pa last class ko eh."

"Okay. See you mamaya. Oo nga pala! Hindi ka ba sasabay sa amin mag lunch mamaya?"

"Nakakasawa na kayong makita pre! Hahahaha! Halos araw-araw kayo nalang nakikita ko. Sana ibang mga mukha naman makita ko kahit isang araw lang! Hahahaha!"

"Hard neto sa amin oh! Nami-miss ka lang naman namin eh."

"Oo na! Alam ko namang miss na miss niyo na kagwapuhan ko eh."

"Pakyu! Umakyat ka na sa klase mo, malate ka pa. Tsaka pakihinaan ng kaunti yung electric fan mo ha! Masyadong mahangin eh. Hahahaha!"

Pagdating ko sa klase, saktong kararating lang ng prof namin kaya di pa nakapag-attendance. Pagkaupo ko sa upuan ko, which is sa third row, last seat, nakita kong may dalawa kaming kaklaseng babae  na ngayon ko lang nakita. Hindi familiar yung mukha nila sa akin, though yung lanyard nila is indicating that they are from College of Engineering. And ang medyo nakakaloko is parang di man lang sila aware na dumating na ang prof dahil pareho lang silang nakayuko at parang may sinusulat. Di ko nalang pinansin kasi marami-rami rin kasi ang irreg sa klase namin sa Calculus.

"Good morning class. Mag-iiwan nalang ako ng seat work niy for today. Nagpatawag kasi ng biglaang meeting ang dean ng College mamayang 7:30. Sean, pakipasa nalang sa office ko yung seat work on or before 10am Understood? "

"Yes sir."

After isulat sa board ni Sir Ramirez yung seat work namin,  ipinaaalala muli nito na on or before 10am ang submission at ang male-late mag submit ay di na niya tatanggapin ang mga papel.

"Migs, ikaw na gumawa ng second part! Kami na bahala sa first part ha!"

"Hoy Sean! Ang dali-dali nung first part tapos ang dami niyo pang magsasagot?! Lugi ako! Bigay niyo na sa akin first part, kayo sa second!"

"Di pwede! Nasagutan na namin number 1! Hahahaha!"

"Kingina niyo! Hahahaha!"

Since medyo maalam naman ako sa Calculus, nadalian lang ako i-solve yung part ko as well as yung first part. Kaya pagkatapos ko, binigay ko na kay Sean yung papel ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kilabot sa mga Paaralan (Horror Stories Collection) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon