Chapter 7 REVISED VERSION
*****
Kathryn's POV
Umabot ng 1 month ang pagpapanggap namin ni Blake and I don't know kung may nangyayari ba, hindi ko alam parang ang tagal.
Natatakot ako, ayoko na, gusto kong itigil na ang larong 'to dahil alam kong malapit na akong matalo.
Yes, In one month, I got to know more Blake, napakagentleman niya kaso kapag andiyan nga lang si Sofia, pero sa ibang babae, oo. May sense of humor siya, pero sobrang sungit lang talaga. Hindi ko pa man nakikilala yung parents niya, pero wala akong balak at wala rin siyang balak, kasi matatapos din naman kami.
And in that one month.. I fell inlove with a gangster. Sobrang hirap pala talaga pigilan ang nararamdaman, kahit ayaw ng isip mo, gusto naman ng puso mo. And I just want to end this everything, natatakot ako na mas lumala at kapag iniwan niya na ako.. masaktan ako
Masyado akong naattract sa mga simpleng ginagawa sa akin ni Blake kahit na alam kong dahil nandiyan si Sofia. Binigyan ko ng meaning lahat ng ginagawa niya sa akin, ofcourse siya palang nagpaparanas nito sa akin although nararanasan ko naman kay kuya ang mga 'to pero kay Blake, in a romantic way 'yon
"Hello! Earth to Kathryn Olivia!" agad na napatingin ako kay Miles dahil sa pagsigaw niya
"A-ano 'yon?" agad na sinamaan niya ako ng tingin
"Oh tingnan mo Juls! Sabog nga!" sabi naman niya kay Juls. Juls just giggled
"Baka may iniisip lang Miles," sabi niya naman kay Miles, agad na tumingin siya sa akin, "or do you have any problem?" nag-aalala niyang tanong. Hindi ako pwedeng mag-open up sa kanila dahil baka sila naman ang pagtuunan ng pansin ni Blake at ayoko, sa loob ng one month mas naging close kami at ayoko silang madamay pa. Kaya agad na bumuntomg hininga ako, at pinilit kong ngumiti
"No. I'm okay," sabi ko at ngumiti, "kulang lang ako sa tulog" sabi ko na lamang sa kanila. Nakakasatisfied naman yung reason ko diba? They just nodded. Agad na nakahinga ako ng maluwag
"Ay alam niyo ba girls!" napatingin kami agad kay Miles, I rolled my eyes magk-kwento na naman siya tungkol kay-- "binwisit na naman ako ni Lester kagabi! Bakit ko pa kasi naging kapit-bahay 'yon eh! At bakit mo ba kasi naging jowabels yung King nila?! Mas lalo tuloy niya akong ginulo!" nanggagalaiti niyang sabi, napatawa nalang ako
"C'mon Miles! Araw-araw mo siyang kin-kwento sa amin, baka gusto mo naman talaga ang ginagawa niya sa'yo?" agad namang napakunot ang noo ni Miles sa sinabi ni Juls, "baka naman kasi talaga.. crush mo siya" agad na napansin kong napatigil si Miles at namula. I giggled
"N-no, I'm not! Kadiri!!" defensive much siya. Tumawa nalang kami ni Juls, "sige, pagtulungan niyo ako! Ikaw Kath ha!" sabi niya at ngumuso, tumawa lang kami ni Julia at nag-appear.
"Ehem ehem" agad kaming napatingin sa likod ko, "Oy Jeroooooome!" sabi naman ni Miles at tiningnan ako ng nanunukso, agad namang kumunot ang noo ko
"Ito si Kath oh! Bakit? Anong kailangan mo sa kaniya?" sunod-sunod niyang tanong kaya't napakamot nalang sa ulo si Jerome
"A-ah.. oo, gusto ko sanang kausapin si Kath" nahihiya niyang sabi at sumulyap pa sa akin, agad na namula ako. Oo, crush ko 'to si Jerome noh!
"At bakit?" mataray na tanong ni Juls, "Ayan na naman si Madam Julia! Hayaan mo na sila, 'wag kang chismosa! Privacy na nila 'yon" agad namang sinamaan ng tingin ni Miles si Juls kaya't pinantayan ng tingin ni Miles si Juls
"A-ahm.. girls, s-sige usap nalang kami ni Jerome hehe" nagsalita na ako bago pa magkaroon ng away.
"Sige, go sis! Make balita to me huh?" sabi naman ni Miles, hindi na nagsalita si Juls kaya't nagpaalam nalang ulit ako.
*****
"So ba't mo nga pala ako gusto makausap?" tanong ko naman sa kaniya
"A-ano kasi.." sabi niya at hindi pa makatingin sa akin, "ano kasi Kath.." hinintay ko lang na magsalita siya
"Binibiro lang talaga kita hehe" agad na kumunot noo ko, "wala talaga akong sasabihin. Pinagti-tripan lang kita hehe" agad na sinamaan ko siya ng tingin. Sa loob ng one month, mas nakilala ko si Jerome, and we became close. Parang kuya ko narin siya, pero kuya na crush ko haha
"Ano ba naman 'to parang baliw" sabi ko at sinapak siya ng mahina sa braso. Napatingin ako sa kaniya, nakatingin siya sa akin
"Bakit?" ngumiti lang siya at umiling. Napangiti ako, gwapo niya talaga
"Kamusta na kayo ni Daniel? Masaya ka parin ba?" agad na ngumiti ako at tumango
"Masaya ako" sabi ko kahit na sa part ko nasasaktan ako dahil una palang alam ko na ginagamit lang ako ni Blake
"Ganon ba?" sabi niya nang hindi tumitingin sa akin, "masaya na rin ako" napatingin ako sa kaniya, what does he mean by that?
"Anong--" agad na napatigil ako sa pagsasalita nang nakita kong may sumapak agad sa kaniya
"Blake!" sigaw ko, at pinagsasasapak niya si Jerome, "BLAKE! Stop it!" sabi ko at pinipilit na pigilan siya pero hindi siya nagpapapigil
"Blake-- omygod" napatingin ako sa gawi ni Jerome, talagang napuruhan na siya. Napaluha na ako, I bit my lip
"DANIEL TUMIGIL KANA!" i shouted at the top of my lungs, napatigil naman siya. Napaluhod ako dahil nanghihina ako
"T-tumigil kana please?" bulong ko dahil hindi niya na ako narinig. Naaawa ako kay Jerome
"Come with me" he commanded kaya't agad na tumayo ako bago pa saktan niya si Jerome. Pinunasan ko ang luha ko
"J-jerome, I'm sorry" he just smiled kaya't napaluha ako lalo, buti nalang at nasa soccer field may mga tumulong sa kaniya na soccer player. Naiyukom ang kamao, agad na sinundan ko si Blake
"Blake! Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya, pero hindi niya man lang ako nililingon, "May problema ka ba kay Jerome?!" pero hindi parin siya sumagot, "Gago ka ba?!" sigaw ko sa kaniya kaya't napatingin siya sa akin
"Stop cussing Via" sabi niya nang may diin, napaluha ako dahil sa galit.
"Pwede ba kung may problema ka sabihin mo! hindi yung nananakit ka nalang kung sino ang mapag-tripan mo!" hinihingal kong sigaw sa kaniya dahil sobra sobra na yung nararamdaman kong galit
"Blake, gangster ka pero hindi yun sapat na rason para manakit ng ibang tao!" sigaw ko ulit sa kaniya, "Kaya ka siguro hiniwalayan ni Sofia dahil ganyan ang ugali mo! Dahil--" nagulat ako sa biglang pagsipa niya sa isang bato
"Pwede ba ha Olivia! Kung gusto mo lumandi dun sa lalaking 'yon gawin mo! 'Wag mong idadamay si Sofia dito! Hindi mo alam ang tunay na nangyari sa amin!" galit na galit niyang sabi sa akin, napaluha ako lalo
"Kung ikaw hindi ka pa nakukuntento sa akin, kung hindi ka nasasapatan na ako lang ang boyfriend mo sige pumapayag na ako na makipaglandian ka diyan sa iba--" I cutted him off dahil sobra sobra na ang salitang binibitawan niya
"Pasensya ha, pasensya. At first Blake, you're not really my boyfriend, and second kung ang pinopoint-out mo na nakikipaglandian ako kay Jerome go! just think whatever you want," napatigil ako dahil napaluha na naman ako "and third, wala ba akong karapatan maging masaya? you don't have the rights to say all that words to me Blake, kasi sa una palang wala na tayo para sa isat-isa. Isang laro lang tayo.." sabi ko at tuluyan nang lumuha ng lumuha
Hindi man lang siya nagsorry sa akin o pinatahan ako, he just stared to me, hindi ko mabasa ang nasa isip niya.. until he utter a word,
"We're not yet done Olive" and he left me again
BINABASA MO ANG
Im Inlove With A Gangster?!
RomanceHe is a Gangster. Im just a normal girl. One dare,and my life changed. And It's not right to fall inlove in a Gangster right? But yeah,I fell inlove. Such a dimwit. Because of that fucking dare. So Im Kathryn Olivia Perez,here's my story. ...