Kathryn's POV
"Baby..." lumapit siya at niyakap ako,pero hindi ko siya niyakap.
"Ano pong ginagawa niyo dito,Mom?" Galit na tanong ko. Wow,after all these years naisipan nilang dalawin kami. For what?
"Para dalhin na naman ba kami ni kuya sa Paris? Para ipakilala na naman kami sa business partners niyo?" No. Don't cry Via. Ipakita mo sa kanila na matatag ka.
"Princess.." napatingin ako sa lalaking pababa ng hagdan
"No. Hindi na kami sasama sa inyo ni Kuya. We have a life in here. We have our own life now." At umakyat na ako at padabog na sinarado ang pinto ko
Yung luhang kanina ko pa pinipigilan ay lumabas na. Bakit pa nila kailangang magpakita? Masaya na ako. Hindi ko na sila kailangan pa,dahil simula pa lang hindi naman nila pinadama sa amin ni Kuya na kailangan namin sila.
Ayoko nang guluhin nila ang buhay ko. Doon na sila sa business nila.
Julian's POV
"Ano po bang ginagawa niyo dito Mom?" Tanong ko.
Kahit naman na ngayon lang sila umuwi ay naiintindihan ko parin naman sila. Si Kath lang talaga ng hindi,naiintindihan ko naman siya. Dahil simula nung bata si Kath ang mga yaya at kami lang ang nag-aalaga sa kanya. Masyadong busy sila Mom.
"Gusto lang namin kayong makasama....we've missed you so much,son. Sobra sobrang miss na namin kayo." Maluhang luha sabi ni mom.
"Mom...namiss din ko kayo ni Dad. Pero mom...alam kong may iba pang dahilan..alam ko na kahit na gustong gusto niyo kami makita ay hindi kayo pupunta dito basta basta. Mom,may iba pang dahilan diba?"
Bigla namang sumulpot si Dad. Napatingin naman ako at si Mom,nanatiling tahimik lang.
"Hindi mo dapat na malaman yun Julian. Hindi na" sabi niya sa akin nang seryoso
"Tungkol ba ito kay Kathryn?" Tumalikod lang si Dad at yumuko lang si Mom.
I knew it. Alam ko na ang dahilan kahit hindi nila sabihin. Maling mali ang balak nilang gawin maling mali.
Kathryn's POV
"Princess...gising na,may pasok ka pa" at yinugyog ako ni kuya
"Prince,maya na. Please?" He sighed.
"Sige. Sabihin ko nalang kay Nyel na una nalang siya." Agad naman akong napabangon
"S-seryoso?! Andiyan si Blake?!" Kuya chuckled.
"Syempre wala. Hindi ko na muna siya pinapunta,kasi andito sila Mom. Gusto ko ikaw ang magpakilala at perfect time,Kath." I sighed
"Kuya,tingin mo ba matatanggap nila si Blake? Lalo na si Dad?" He just shrugged.
"Basta tandaan mo,andito lang ako palagi para sayo. Susuportahan kita kung ano man ang mangyari.." yumuko nalang ako
BINABASA MO ANG
Im Inlove With A Gangster?!
RomantikHe is a Gangster. Im just a normal girl. One dare,and my life changed. And It's not right to fall inlove in a Gangster right? But yeah,I fell inlove. Such a dimwit. Because of that fucking dare. So Im Kathryn Olivia Perez,here's my story. ...