J. (Part 2)

96 9 0
                                    


Jasmine's POV




"A-ano?"







Punong puno ng pagtataka at pagkagulat sa boses ko.
Bakit biglang ganun? H-hindi ko naman sya tinanong ah?..
Hala, gusto nya ako? Oh my, oh my, oh my, oh my.. teka teka! Ano ba dapat maramdaman ko? Parang may ano sa tyan ko na di maexplain! Tapos! Tapos biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. MY GOD!! Bakit feeling ko nilalamig ako? Pero yung mukha ko naman init na init. Feeling ko nakikiliti ako sa leeg ko pati sa likod ko. Nanlalambot pati yung tuhod ko, tapos shet! Gustong gusto ko sumigaw dahil sa tuwa! And I don't even know kung bakit ako natutuwa? Or... kinikilig?

Ahhhh ano toh?

"I-I don't want you." Napagpasyahan ko syang sagutin. Bakit totoo naman ah? Hindi ko naman talaga sya gusto, baka yun lang talaga yung naramdaman ko kasi first time may nagtapat sakin. Yung iba kasi sasabihin kaagad, "may I court you?" Eh sya hindi! Deretsahan!





Bumahid sa mukha nya ang sakit at lungkot. Ngumiti sya ng malngkot tsaka umiwas ng tingin. Aww..

AWW?! Nasaktan ako nasaktan ako?! My Gosh naloloka na yung sarili ko!

"Don't worry, hindi naman kita liligawan eh." Sabi nya habang nakatingin parin sa paligid, dahil hindi sya makatingin sakin ng diretso.





Ouch.

Nakaramdam ako ng dissapointment at kalungkutan. Pero parang bumuhay sa dibdib ko ang galit at inis na malaman kong hindi nya ako liligawan.

"Bakit hindi mo ko liligawan?" Wala sa sarili kong tanong at puno pa ng panghihinayang ang boses ko. Napatingin sya sakin ng gulat.

Shit lang.


Omaygad. Nakakahiya.

Nanlaki ang mata nya at napaawang ang labi nya. Nakita ko sa mga mata nya ang kagalakan at syempre pagkagulat. Ako naman nanlaki rin ang mata ko dahil sa pagkagukat sa sinabi ko at namula ang buong mukha ko at nanigas sa pwesto ko. Magkalayo pa rin kami.



"I mean, ehem! Ganyan ba talaga kayong mga lalake? Manliligaw lang dahil alam nyong gusto kayo ng babaeng gusto nyo? "

"Syempre, manliligaw kami eh hindi nga kami gusto ng babae? Ede busted na kami nun." Napakunot ang noo ko sa naging opinyon nya.





"Eh kahit na!" Napapadyak pa ko.

Nanlaki ang mata ko, pero agad ko itong tinakpan, ano ba yan artista pa naman ako bakit ba hindi ako pwedeng umarte na kunyare pabor ako sakanya. Huh?

Ay! Back to reality.

"Ah-ah ang ibig kong sabihin uli, ay d-diba kaya nga manliligaw kayo para magustuhan kayo ng babae? Hindi yung manliligaw kayo dahil alam mong hindi kayo b-babustedin ng babaeng gusto nyo." Dahan dahan at mahinahon kong sabi para hindi na ako magkamali. Tuluyan na syang lumapit sakin.

"Oo alam namin yun, pero ano ba ang gamit nun kung alam naming babastedin kami? Sasayangin pa ba namin ang oras namin dun? " nagdedebate lang kami dito sa loob ng studio ko.

"EH ANG--- ang taas naman pala ng pride nyo eh. Hindi pwede yun." Muntikan na naman akong sumigaw,



"What if nga kung nagkagusto rin yung babae sainyo habang nanliligaw kayo hindi ba???? " para lang akong nag eexplain sa bata na hindi makaintindi.

"Eh paano kung hindi pa rin?" Nanghahamon nitong sabi.

"Hindi yun ang pinopoint ko!" Ang tigas pa rin ng ulo! Nakakainis!!




Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon