J. Dance

114 10 0
                                    

Neo's POV

Well, hanggang  ngayon palaisipan pa rin saakin yung history ng family ni Jasmine or Apple. Kasi hala, sino bang makakaintindi sa tatay ni Jasmine? Eh diba niloko sya at ng mommy nya? Iniwan sila pero bakit hindi sya nagagalit? May point naman talaga sya eh, what if nga kung hindi intensyon ng tatay nya na manloko? Pero andun na tayo, bakit papasok yung tatay nya sa isang relasyon na hindi naman nya kayang panindigan? Bakit papasok yung tatay nya sa isang relasyon na hindi sya sigurado? Aba, kung lolokohin lang din naman nya yung pamilya nya mas maganda siguro kung hiwalayan na ng mas maaga kesa hiwalayan kung kelan huli na. Ang hirap lang intindihan. Meron na nga syang asawa at magandang anak pero naghanap pa rin ng iba? Life is so unfair nga talaga. Hindi ko akalain na sa ganda ni Jasmine eh may ganun syang pamilya, hindi talaga sapat na husgahan ang tao noh?

Now watch me whip, whatch me nae nae.
What me whip whip--

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa kwarto ni Jasmine ng marinig ko ang kantang yun. Huminto ako sa harap ng pintuan kung saan nanggagaling ang tunog, sumilip ako sa siwang ng pinto. Lalim ng word.

Ano toh?

may malaki kasing salamin sa pader. Yung sakop ang lahat tapos meron dung parang radyo kung saan nanggagaling ang tunog. Tapks sa gitna nun, sumasayaw si Jasmine.

(A/N: napanood nyo yung video ng biguel? Sa fb page ni Ate Bianca merong video nun. Galing nila!)

Patuloy lang sya sa pagsayaw na parang kusang gumagalaw ang katawan nya. Yung parang napakaprofessional nyang sumayaw. Para syang dancer. Kahit simple lang yung steps parang kapagpinanood mo mahirap.

Patuloy lang ako sa panonood sakanya. Nakakatulala eh.

Ng magtama ang paningin namin sa repleksyon ng salamin. Bigla bigla ang pagkabog ng dibdib ko. Hala. Para akong nabingi. At lalo pa na tumigil ang mundo ko ng ngumiti sya saken. Tae ngumiti sya sakin! Pakiramdam ko namumula ako. Namumula ako. Namumula ako! Hala ano ba ito. >・<

Napalunok ako ng ilang beses ng galingan nya pa. OH GOD BAKIT GANITO AKO?!

Ang galing nya, gusto ko rin sumayaw. Wala feeling ko lang, bigla ko na lang nagustuhan yung pagsayaw kahit na hindi ako mahilig sumayaw. Lang ya, naiinggit ba ako o sadyang gusto ko lang sya kaya pati yung gusto nya nagugustuhan ko?

O sadyang gusto ko sya.

BAKIT BIGLANG PUMASOK SA ISIP KO YUN??!

Pumasok na ko ng tuluyan kaya napatigil sya sa pagsayaw. Tumingin sya sakin tsaka pinatay ang parang radyo. Hindi ko alam tawag dun kasi yung radyo namin sa Probinsya may mga pindutan tapos may nagsasalita na mga dj. Pero yung sakanya puro sayaw lang.

"What are you doing here?" Malamig na sambit ni Jasmine. Napabuntong hininga na lang ako. Minsan naguguluhan ako sakanya. Kasi minsan mag oopen up sya sakin tapos bigla namang magiging malamig ang pakikitungo sakin. Ang hirap nyang intindihin.

"A-ang galing mong sumayaw." Kinuha nya yung cellphone nya na touch screen na parang nagtatype. Nakasaksak yung phone nya dun sa parang radyo. Wow ang galing anong tawag dun?

"Kailangan para sa show ko." Balewala nyang sagot. Pero di maitago ang saya sa mata nya. Masaya talaga sya pag pinupuri sya. :)

Pamaya maya, tumugtug na naman ang radyo. Sumayaw na naman sya. Sa una medyo seductive. Pawisan pero maganda pa rin sya. Nakaleggings ito at T-shirt na maluwag. Seryosong seryoso sya sa pagsasayaw at hindi nya tinitignan ang sarili nya sa salamin. Parang natural lang na wala syang pakialam kung namamawis na sya.

If you gave me a chance
I would take it~

Nakakaindak.
Nakakahawa.
Nakakatulala.

N-n-no-no-no! No place I'd Rather be~

Nang matapos ang kanta. Kinuha nya ang tuwalya at ipinunas sa sarili.Uminom rin sya ng tubig. Tuluyan syang humarap sakin. Napalunok ako. Ipinikit ko ang mata ko ng mariin nag iisip kung sasabihin ko ba o hindi. Ngayong nalaman ko na, sasabihin ko ba o wag na? Ano bang mas nakakabuti?






"What?"

Artista sya, iniidolo ng lahat. Pinapangarap ng mga kalalakihan. Maraming nanliligaw sakanyang bigating artista. Pati na rin ang mga ibang Teen ager na Artista sa Ibang bansa. Eh ako, katulong nya lang. Utusan nya lang.  Tagapaglinis lang.

Pero malapit ka sakanya. Singit ng isang bahagi ng isip ko.

Tama! Pantay pantay naman ang Lahat ng tao sa Paningin ng Diyos. Walang mahirap walang mayaman sa Pag-ibig. Hindi naman pera ang ginagamit sa pagmamahal eh, puso. Atsaka, eh ano naman kung.. kung may gusto ako sakanya? Hindi naman masama ang magtapat ng damdamin. Hindi naman masama ang magmahal ng mas mataas sayo, kasi sa Pag-ibig hindi naman importante ang estado ng Buhay. Atsaka wala namang magandang maidudulot ang katorpehan ko kung sasabihin ko sakanya, walang mangyayari kung hindi ako magtatapat sakanya. Hindi pinanganak si Neo Sabastian Alcantara para maging Torpe. Sige na, sasabihin ko na.



Hingang malalim.

"Jasmine Fontereal, A.K.A Apple Of The Eye. Gusto na kita." Lakas loob kong sabi at titig na titig sakanya.






















Pero hindi ko alam, na sa pagtatapat ko ay hindi ko inisip ang susunod na mangyayari, hindi ko naisip yung consequence..





Hindi ko inisip na maaari nya akong iwasan.




------------
A/N:Short Update! Well may part 2 itong J chapter. Ano kayang mangyayari? Suggest naman ohhh! Char! Ang demanding ko. Advance Merry Christmas!

Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon