L. Joke!

106 3 0
                                    

Jasmine's POV

Tahimik lang kami sa sasakyan. I'm the one whose driving kasi di marunong si Grapes... Neo ok.

"D-dala mo ba yung tumbler ko?" Sinubukan kong magstart ng conversation.

"An dun oh." Sabay turo sa likod.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo alam? Hindi mo alam kung nasaan?! " tinaasan nya ako ng kilay.

Ohh di nya nagets.

Tumaas ang isang sulok ng labi nya, "corny ah." Atlis napangiti ko sya! Kanina pa kasi sya tulala. Baka nagsisisi na syang niligawan nya ako.

"Ang ganda ng patilya mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Nakangiti sya labas ngipin pero hindi naman nakatingin saakin.
Nilingon ko syang saglit, then I tried to crack a joke.. again.

"Ohh~ Patilyaa you're breaking my heart! You're breaking my soul nananaaaaana... " kanta ko.


"Ohh patilyaa! You're breakin' my heart!" Nakisabay na rin sya

"Nanananananananaaaana!"

"Oh yeaahh~" tuluyan na kaming natawa.

" baby baby baby nooohh, baby baby baby ohh!" Tawa kami ng tawa habang kumakanta.
Huminto na nga ako sa pagkanta dahil tawa ako ng tawa! Sya patuloy pa rin!

Hala sige!

"Ang laswa sa pandinig ko." Natatawa kong sabi. Buti na lang traffic.

"Mahalin ko kaya ang traffic? Tutal lahat naman ng minamahal ko nawawala." Tinaasan ko sya ng kilay tsaka unti unting napangisi.

"Andito naman ako ah?" Biro ko. Syempre alam ko namang like pa lang nararamdaman nya sakin. Shems ang intense pala ng nangyari kanina.

"Ayaw kitang mahalin, baka mawala ka eh." Cool nyang sabi tsaka umayos sa pagkakaupo.

Lumaki yung ngisi ko pero unti unti ring nawala. Anong pipiliin mo Jasmine? Ang manatili ka pero hindi ka mahal? O ang mawala ka pero mahal ka?

Ay shemay tong utak ko. Ang OA ko na! GOSH!

"Sige maghugot time tayo! Ako mag aask ikaw sasagot!" Sabi ko. Syempre noh, di aako papatalo.

"Ihugot mo nga yung kama." I decided na pumunta kami sa lugar na madalas kong puntahan para magstargazing ng mag isa. Manonood kami ng Sunrise. Weird right? Ako nagdala sakanya imbis na sya. Ay basta! Pambawi na lang.



"Pwede kitang iwan kahit anong oras, pero lagi mong tatandaan na sayo ang balik ko at the end of the day."

"Psh! Nonsense! Oh sige para sayo ano ang pinakamasakit?" Curious lang ako syempre.



"Iwan ka ng taong mahal mo." Ano bang issue nito sa buhay?

"Ang lokohin ka ng taong mahal mo." Ako naman sumunod na nagsalita.


"Ang maging second option." Napalingon ako sa sinabi nya.


"Okay lang kahit second option, basta final choice." Nginisian ko sya tsaka inistop ang car ko.

"Kala ko ba uuwi na tayo?" Nagtataka syang sumunod saakin. Nakatingin lang ako sa langit. Di ko sya sinagot.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin din sya sa araw na hindi pa masyadong nakikita.

Tahimik lang kami habang nanonood. Walang dumadaang kotse kaya sobrang tahimik.

Nag isip ako ng mga bagay-bagay. Kagaya ng ano kaya ang buhay ko kung hindi ako artista? Siguro nag aaral pa rin ako sa public school. Siguro ako pa rin yung batang mataba at may braces. Natawa ako sa mga iniisip ko. Hindi yun alam ng mga tao dahil never ko pang sinabi ang Full name ko. Akala nyo Jasmine Fontereal noh? Pagnarinig mo ang pangalan ko parang ang yaman, ang perfect, ang sarap pakinggan. Pero malayo, malayong-malayo sa dati kong buhay. Naalala ko pa nga noon, muntik na akong magna----

Napatigil ako sa pag-iisip ng nagsalita sya. Ayan na pala ang Sunrise.

Ang ganda.














"Pero alam mo, ang pinakamasakit sa lahat ay yung makita mo ang mahal mo na may minamahal na iba." Pinakinggan ko na lang sya at hindi na nilingon pa.

******

Neo's POV

"The smile on your face, makes me know that you need me. There's a truth in your eyes saying you'll never leave me~~" kumakanga ako habang nagluluto ng breakfast. Hindi na kami natulog ni Jasmine at nagkwentuhan na lang. Nadoon sya sa kwarto nya nagbibihis ako naman tapos na. Kaya nagdecide akong magluto na.

"The touch of your hand says you'll catch me, whenever I fall"




"You say it twice, when you say nothing at all." Sabay kaming kumanta. Nakangiti kong nilagay yung pagkain sa plato. Narinig ko syang naghuhum.

"Hmmm~" lucky ata yung kinakanta nya.

"Lucky to have been, where I have been." Sabi na nga ba eh. Nilapag ko na sa mesa ang pagkain.

"Bestfriend mo ko?" Tinaas ko ang kilay ko. Tinignan nya ko tsaka unti unti kaming napangisi sa isa't isa.

"I love you too." Biro ko. Lumamlam yung mata nya tsaka umiling. Natatawa akong umupo sa upuan sa harap nya.




"Ay nahulog!" Tili nya ng mahulog ang kutsara.

"Nasalo ko." Nakangisi pa rin ako at nakatitig sakanya. Binigay ko yung kutsara pero di ko tuluyang binitawan. Hinatak nya, kaya sumama ako. Magkalapit tuloy yung mukha namin.

Kumalabog ang dibdib ko. Pero pinanatili ko pa ring nakangisi ang labi ko. Kahit na kabang kaba ako! Wooh! Wala lang. Ang sarap nya kasing asarin lalo na nakikita ko yung itsura nyang pulang pula.

"Wag kang magbiro ng ganyan. Di nakakatawa." Tsaka ako mahinhin na tinulak palayo. Suss, kinilig yan eh.



"Sino nagsabing nagbibiro ako?" Sumeryoso mukha ko. Napipikon na yan. Seryoso na eh.

"Baket? Mahal mo na ako?"

"Di ako nakasagot at nanatiling nakatingin sakanya.

"Ganyan kayong mga lalake, ang hilig nyong magsalita ng hindi nyo pinaninindigan." Nagpatuloy sya sa pagkain, nagpatuloybna rin ako.

"Ganyan naman kayong mga babae, sineseryoso ang joke." Nagkatinginan kami. Tsaka...




"Kaya sana joke mo na lang ako, para seryosohin mo ko."

Yung poker face nya napalitan ng ngisi, na naging tawa, na naging halakhak.

Napailing na lang ako na nakangiti habang pinagmamasdan sya. Kanina lang nakabusangot ngayon parang mahihimatay pa ata sa katatawa. Tapos pagnagsabi naman ako ng seryoso tinatawanan, pag naman nagsabi ako ng joke sineseryoso. SERIOUSLY? Ang gulo ng mga babae talaga.

Ang ganda netong babaeng toh. Pag naging akin yan wala ng kawala.

Jasmine's POV

Nahulog na ata ako. Kaya idinaan ko na lang sa tawa.

Bakit ako mahuhulog?! Di ko naman sya gusto ah?! Hindi nga ba?

Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon