A. Flirt Skills

333 19 1
                                    

Neo's POV

tinitigan ko ang mga mahal ko sa buhay. Para sakanila ang paglisan ko sa baranggay na ito. Kailangan ko magtrabaho para sakanila, para hindi na sila magutom. Ako na lang ang inaasahan nila. kahit third year lang ako. Iiwan ko ang bayang ito para makapagtrabaho sa Manila. kahit Janitor paapsukin ko magkapera lang at maipadala sakanila.
dito ako lumaki, dito ako nagkaisip, dito ko natutunang.... uminom ng alak. de joke lang.

sinukbit ko na ang tahi-tahing bag ko sa balikat ko at hinawakan ang isa pang maleta. Wwooh!! mahabang habang lakad din toh parating sa bus station! palakad na sana ako pero may humintong kalabaw sa harap ko at may hila-hilang upuan sa likod nito. ?__?

aalis na sana ako pero biglang may humarap sakin

"Bespren!! sakay ka na sakin! for sure baka maiwan ka ng bus mo bilis!!"

"talaga?" galak kong sabi.

"Iiwan kita bilis!" kaya dali dali akong pumunta sa upuan. ganon rin naman ang ginawa ni Carlos. ang bespren ko.

10 palang ng umaga kaya mainit init. buti na lang may dalang payong si Carlos. ang totoo 11:30 pa ang alis ko kaso malayo eh di na ko magcocommute sayang pera.

"Alis ka na talaga pre?" tanong sakin nito, tsk mamimiss ko kalokohan namin haha!

"Ou. gusto mo ba di na ko tumuloy?" tanong ko

"Ehhh paano yung pinabibili ko sayong pabango?" ay walanjo

"Ganyan tayo eh.." pagdadrama ko. binatukan nya naman ako kaya nagwrestling kami. bwisit mamimiss ko toh.

"Pwede bang buksan mo naman yang payong mo? tirik ng araw eh." sabi ko natatawa nyang binigay sakin ang payong. hoo! buti naman.
tinanggal ko yung lalagyan tsaka binuksan ito.

"HAHAHAAHHA!!!!" walang tigil ka tatawa si Carlos.

tss! paano kasi! yung payong transparent! aba hey Men!

binatukan ko nga pero sya tawa at tawa pa rin

"Bakit naman transparent?!" tanong ko. bwisit mangingitim ako!

"Pre! remembrance! yung kaitiman mo nakuha mo dito sa Baranggay Salamin ni Snow white!" yeah! ang gara ng pangalan ng baranggay namin noh? bakla kasi may ari nito pinalitan ng pangalan.

pati ako natatawa. minura ko nga.

pamaya-maya

"Pre.. baka naman mas mabilis akong maglakad kesa sa kalabaw mo?" nakakabwisit!! kanina pa ko iniinis neto ah!

"shhh moment naten toh." ay gago nagbabaklaan na naman

"Nyemas carlito! alas onse na! una na ko geh! ingat sana pag balik ko mas pumangit ka pa! Bwahahaha!" sabi ko habang tumatakbo dala ang mga bag ko.

pagsakay ko ng bus napabuga ako ng hangin! wooh! init shemay!

2 hours ago..

habang nanonood ako sa TV na first time ko lang. tawang tawa ako sa three stooges

"Shh! quiet I'm sleeping!!!" sabi ng katabi kong babae. aba? suplada. mukhang kasing edad ko lang.

"pshh natutulog daw eh nagsasalita naman." bulong ko

"hey! i heard that!" bigla na lang syang humarap sakin at dinuro ako.Aba? hey Men! maganda sya. pacute Neo,pacute

"hehehe g-good afternoon." sabi ko sabay ngiti. napatigil naman toh at umiwas ng tingin. kaso nakahoodie sya at nakasalamin. wow?

"nagdidisguise ka teh?" tanong ko inirapan naman ako neto

"bakla ka teh?" umiling ako. i smirk. magawa ko nga.

Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon