H. The Kingdom

95 11 0
                                    

Neo's POV

Makalipas ang isang linggo, hindi na kami masyado nakakapag usap ni Jasmine. Hindi ko alam kung busy ba sya o nailang sya sakin dahil sinabihan ko sya ng magiging gf ko sya. Pero nakiride naman sya? Gabi-gabi na sya umuuwi simula ng 1 day inside the room ko, ang sabi nya may magaganap daw na gera eh ang naririinig ko ay pagsigaw at pag-iyak. Marami sila. Pero hindi ko narinig na nagsalita si Jasmine. Basta puro AYOKO HINDI AKO PAPAYAG at PERO KAILANGAN lang ang narinig ko at pag hagulgol ng babae. Simula rin nun hindi ko na nakits ang kuya ni Jasmine.

Minsan na lang ako pansinin ni Jasmine, hindi ko alam kung bakit. Pero tuwing iniiwasan nya ko para akong magnet na pilit lumalapit sakanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tapos feeling ko yung pagluluto ko sakanya at pagsunod sa mga utos nya, feeling ko hindi ko yun ginagawa dahil yaya nya ko pero ginagawa ko yun dahil iyon ang gusto nya. Aaahhh! Parati ko na rin syang hinihintay umuwi kahit na abutin pa sya ng umaga. Ugh

Andito ulit ako sa sofa para intayin sya. 9pm palang naman kaya inaliw ko na lang ang sarili ko. Naglaro ako sa cp pero lowbat kaya iba na lang. Nanuod na lang ako sa tv. Hindi ko naman alam kung paano ilipat tong channel. Basta news lang sya.

"Breaking news. Isang sikat na artista nakita sa bar na naglalasing. Sino nga kaya ito?"

Napakunot ang noo ko. Bigla akong kinabahan, si Jasmine ba ya? Kasi gabi gabi na syang umuuwi. Tapos tuwing titignan ko sya blank expression lang. Pinakita yung picture sa tv.

"Ahh! Akala ko si Jasmine. Lalaki pala." Napalabi na lang ako.

Hayy. Ano kayang dahilan nun? Baket parati syang gabi-gabi umuuwi?

Napatingin ako sa nagbukas ng pinto. Naapatayo ako ng makita kong si Jasmine iyon.

"Saan ka pumunta? Mag aalas dose na oh. Parati ka na lang umuuwi ng gabi eh diba tuwing weekends lang naman yung new show mo? May problema ka ba?" Nakatingin lang sya sakin na parang bored na bored.

"Wala kang pake." Tsaka ako nilagpasan. Napakunot ang noo ko. Sinundan ko sya ng tingin na papuntang hagdan.

"Kumain ka muna, baka malipasan ka ng gutom at sumakit yung tyan mo. Nagluto ako ng paborito mo." Pero patuloy parin sya sa paglakad.

"Huy ano ba?" Ang arte naman neto. Hinabol ko sya at hinawakan sa braso.

"Ano ba?! Pag hindi ako sumagot ibig sabihin lang non ayoko! Baket ba ang kulit mo? Can't you just understand?" Inis nyang baling sakin.

"Kumain ka na lang mu--"

"Baket ba ako ang inuutusan mo?! Sino ba ang amo satin? Ako diba?! Katulong lang kita okay? Sunudsunuran lang kita." Nanliliit mata nyang sabi.

Napakunot ang noo ko at napalitan ng inis ang nararamdaman ko.

"Parang nag-aalala lang naman eh!"

"Hoyy! Baket ka mag aalala eh katulong ka lang ha? Kamag anak ba kita? Ano ba kita? Katulong ka lang sa bahay na to. Makaasta ka ah. Sinuswelduhan kita para magtrabaho ng maayos. Kasama ba ang trabahong yan sa pag aalala mo?! "
Tsaka sya umakyat sa hagdan.

Sinundan ko na lang sya ng tingin. Nakakainis sya! Ang sarap sapukin kung hindi lang yan babae eh.

"Tss ang arte akala mo naman maganda. Ano ba kita? Henyeny--"


"MAGANDA TALAGA AKO!!!"

*****************

Kinabukasan.

"Oh, andito ka pa pala mahal na prinsesa ng kaartehan." Binulong ko lang syempre uung huli. Nakita ko kasi sya sa salas nanonood ng tv. Naiinis pa rin ako syempre sakanya sa kaartihan. Pabebe kasi -_-

"Malamang, nakikita mo naman siguro ako prinsipe ng kaplastikan" AGH!!

"Nakahanda na yung umagahan prinsesa ng kabatugan."

"Pakiulit yung sinabi mo prinsipe ng kayabangan."

"Ang sabi ko ready na ang umagahan prinsesa ng kabingihan." Tumalim ang titig nya sakin. Napangisi ako ng palihim. Haha akala mo papatalo ako no?

Pumunta na kami sa kusina. Mamaya na lang ako kakain tutal katulong lang naman ako ng prinsesang toh.

"Tawagin nyo na lang ako kapag kailangan nyo ako prinsesa ng katamaran."

"Hindi kita kailangan prinsipe ng kaitiman." ANO?!

"Ede aalis na ko sa Mansyong ito prinsesa ng kamalditahan"

"AAHHHH! HARI KA TALAGA NG KATANGAHAN!" Nabitawan nya ang kutsara at tinidor. Napapalatak ako!

"SALAMAT REYNA NG KAPANGITAN!!" Natatawa kong saad tsaka tumakbo papunta ng Garden at makaiwas sa sermon nya.

"HOY HARI KA MAKAKAPAG ARAL KA NA NGA PALA!!" Napatigil ako. ako mag aaral na? Hindi ko maiwasan mapangiti. Ibig sabihin makakapg tapos na ko at makakahanap ng magandang trabaho.maibabalita ko na rin kela inay na makakaahon na kami! Pangarap kasi sakin iyon ng aking mga magulang pero kulang ang pera namin pambili ng mga gamit.
Napalingon ako sa babaeng nakatayo sa pintuan.


"SALAMAT REYNA KOOOO!!"

Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon