K. I am her..

90 6 0
                                        

Jasmine's POV

"Sa panahon kasi ngayon, mas malandi na ang lalake kesa sa babae!"

"Ok! Cut! Next scene na tayo." Agad akong nilapitan ni Grapes, tsaka ako inakay pabalik sa tent ko.

Hanggang ngayon awkward parin kami. Kasi naman ako nagsuggest sakanya na ligawan ako, talagang inipit ko sya kaya siguro ginagawa nya toh. Napipilitan ata sya eh, kasi ang dalang nya lang akong kausap tapos wala pang binibigay na flower or chocolates tapos hindi man lang ako kinakantahan tsaka hindi man lang kami nagkukwentuhan kahit na sa iisang bahay lang kami. Ang gara eh, hindi ko feel.

Walang masyadong fans na nagaabang saakin dahil 3 am na in the morning. Wala rin nag pipicture kasi bawal baka maspoil yung bago kong movie. Pagpasok ko palang ng tent diretso CR na ako, yes may cr ang tent ko! Malaki toh eh tsaka ginastusan talaga nila dahil nga Apple of the eye ako. And I don't see any problem with that at all, thank you.

Napanood ko rin yung Miss U at nanalo tayo! Geez ang daming kaartihan tayo lang pala ang nagwin, gosh pero may reason yun kasi napanood ko sa isang video sa youtube yung mga contestants na tinataboy si Pia. Parang tayo rin ang tinaboy nila ah, so Mean.

Paglabas ko nakita ko agad si Grapes na nakaupo at hawak ang cellphone, nagtetext. Ngumingiti pa sya tapos nagtutwinkle yung eyes nya. And then bigla na lang kinurot ang puso ko. Naramdaman nyo ba yun? Makikita mo ang taong gusto mo na ngumingiti sa iba na hindi mo nakikita pagsayo. Gosh sakit ah.

"Sinong katext mo?" Mahinahon kong tanong na hindi inaalis ang tingin sakanya. Tumingin sya sakin tsaka nawala ang ngiti nya.

"Ah wala, si Kara lang." Tapos ngumiti ulit sya ng binanggit nya yung pangalan ni Kara. Oww sino yun?

"Kaibigan mo?" Nakatingin ulit sya sa cellphone nya at hindi pa rin ako pinapansin.

"Kaibigan mo?" Nilakasan ko ng konte yung boses ko. Shet, kapag ang tao hindi ka pinansin dahil nakatuon ang pansin nya sa isang tao, ibig sabihin mas.. mas gusto nya doon sa isang tao.

Sabi nila, isang tawag mo lang daw sa mahal mo at mahal ka,kahit mahina pa ang boses mo, naririnig ka nya kasi hindi nawawala ang pansin nya sayo. Para saakin totoo yun.

"GRAPES!" Napatawa si grapes tsaka tumingin sakin. "Bakit?" Parang wala lang nyang taong.

"Ang sabi ko, KAIBIGAN MO BA YAN?"

"Ahh, hindi kakakilala ko lang sakanya nung isang araw." Sabi nya pa tapos parang may inaalalang magandang nangyari, lalo naman akong nainis.

Bigla syang tumawa.

"Saya mo ah, tignan natin kung sagutin kita." Tsaka ako lumakad palayo.

"Bakit, nililigawan ba kita?"

Huwwhaat?

Napatigiil ako, tsaka tumingin sakanya. Ah sh*t ito ang mahirap.
Merong mga taong parang nililigawan ka, parati kang sinasamahan, parati kang pinapatawa, parati kayong kumakain ng sabay, papagalitan ka kapag may kasama kang iba, hahawakan kamay mo, ikikiss ka sa noo o sa cheeks tapos sya pa magbubuhat ng gamit mo pero sa huli, hindi ka pala nililigawan. Sadyang, gentleman lang. At mahirap yun kasi nag assume ka na dapat hindi kasi wala naman syang sinasabing gusto ka nya.

Meron ring mga tao na sinasabing gusto ka, o mahal at liligawan ka nya. Pero hindi pinapakita, sabi nya gusto ka nya, bakit parang hindi? Ang hirap leshe.

"Hindi joke lang syempre." Tsaka ulit sya humarap sa cellphone nya. At lalo akong nainis dun. Lalo akong nasaktan na para bang sinasabi nyang... mas gusto nyang kausap yung girl na yun kesa ako na kaharap nya lang. Shet, bulag ka?

Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon