Lumipas ang ilang oras, nagpatulong si sophie na paliguan ang kanyang ama sa ilog sa tabi ng bahay. nila tosyo at gamit ang dalang damit ni tosyo binihisan nila ang tatay nya subalit hindi pa gupit ang mahabang buhok nito , lumabas ang totoong anyo ng tatay ni sophie na si uncle vince , ganun parin ang mukha nya ang pinagkaibahan lamang ang malaking pinayat nito at ang pagkawala sa katinuan.
Nagkaroon ng ulan kaya minabuti na lamang nilang pumasok muna sa loob ng bahay at sumilong, gumawa ng ilawan si kaloy para may liwanag sa loob ng bahay, habang gamit naman ni tosyo ang dalang flashlight.
Nakatingin lamang si sophie sa tahimik na tatay nya na kinuha ang lumang manika at tinatawag itong sophie. Habang si lila ay nakatabi lamang kay sophie,
,kelangan na natin makabalik sa bahay , bago pa maggabi " bulong ni kaloy kay tosyo , habang si tosyo ay inaayos ang gamit nya,
Ahh pero pano si mang vicente, di natin sya pwedeng iwan dito"seryosong sabi ni tosyo kela yuki , habang naguusap sila ng gagawin si sophie naman at pinipilit tanungin ang ama sa mga nangyari dito.
Itay ,, di nyo po ba ako nakikilala, ako po ito si sophie , "sabi ni sophie sa ama na nakatingin lamang sa sirang manika ,tumingin ito kay sophie at dahan dahang hinawakan ang mukha nya, nagulat si lila at natakot nab aka saktan ang pinsan subalit nakangiti lamang si sophie at nakatingin sa ama,
Sophie, alam mo kamukha moa ng anak ko ..... maganda rin sya at maputi ,, " sabi ng tatay nya ng muling ipinaaing ang mukha sa manika, nang biglang kumidlat at nagulat ito at naitulak sila sophie at lila at nagtago ito sa gili ng cabinet,
Agad na pinuntahan sila nila tosyo, "okay lang ba kayo , " alalang tanong ni tosyo na agad hiinawakan si sophie
Oo okay lang kami, natakot si itay sa kidlat kaya naitulak kami " sabi ng nagaalalang sI sophie at agad na lumapit na naginginig na tatay nya nakaupo ito at yakap ang manika ,
Kapag tumila na ang ulan aalis na tayo agad, malapit na magdilim " di mapakaling sabi ni kaloy ng patingin tingin sa labas , naglakad ito papunta sa taas at pasilip silip sa labas ng paligid ng bahay na kung ano ang tinitingnan napansin iyon ni lila na agad sumunod kay kaloy,habang ang mga kaibigan kasama ang tyohin ay nasa baba.
Kaloy okay ka lang ba, kanina ko pa kasi napapansin na parang may kung ano sa labas ?takang tanong ni lila kay kaloy habang nakatingin ito sa labas mula sa bintan at kinakabahan.
Lila ,sabihan mo silang hindi na natin patitilain ang ulan ,kelangan na natin umalis "tarantang sabi ni kaloy
Hinarang sya ni lila," sandal;li lang kaloy ,delekado kapag naglakad tayo ng ganyan kalakas ang ulan baka madulas tayo sa gilid ng ilog dahil sa dulas ng lupa"
Hindi mo ko naiintindihan lila , mas delekado kapag inabot tayo ng dilim ditto " seryosong sabi ni kaloy ng hawakan sa braso si lila, takot ang mukha ni kaloy at nenerbyos. Naisip ni lila na maraming alam si kaloy sa nakaraan na hindi nya matandaan , kung ano man iyon sigurado syang kakaiba ito at puno ng misteryoso.
Kaloy sandali .... Sabihin mo sakin ... ano ba talaga ang nangyari satin noon, may alam k aba sa nangyari sa pamilya namin ni ate sophie." Seryosong sabi ni lila ng agad na pinigilan muli si kaloy na lumabas ng kwarto. Nakatitig sa kanya si kaloy na tila nagulat ng itanong iyon , " gusto mob a talaga malaman ang totoo lila, papano kung tulad ka rin nila na hindi manniwala dahil sa hindi mon a naalala ang totoo,"seryosong sabi ni kaloy ng nakatitig sa mukha ni lila ,
Gusto kong malaman ," sabi ni lila ng seryoso ang mukha at pursigido na making sa lahat ng sasabihin ni kaloy , dahil alam nyang sya ang makakabuo sa puzzle sa isipan nya , maging mahirap man ito tanggapin
BINABASA MO ANG
MY FOREST VAMPIRE ZIRCOM [ COMPLETED] (season 2 )
Vampirerespect copyright protected /published 2015 Leave your comment Please vote and share thanks Nawala lahat ng alaala ko sa nangyari NooN ng bata kami ni Ate sophie pero it all change when this young man having a white hair appear His face reminds...