Episode 13: THE LAST KRYSTAL VAMPIRE

33 2 3
                                    




Alas 12 na nang gabi ng makarating sila Sebastian sa mansion kung saan tumutuloy ang eldest vampire na si master vaz mateo ,,, pumasok sa malaking pintuan sila Sebastian habang kinakaladkad si zircom at nakakadena si tyro na parehas nanghihina at duguan , ... matagal na humilom ang sugat ni tyro dahil sa pilak na kadenang nakabaon at mahigpit na nakatali sa kanya .

Pumasok sila sa malawak na pasilyo na maraming mga bampira ang naroon galing sa ibat ibang bansa at makikidalo sa nalalapit na kabilugan ng buwan mga nakaitim at uhaw sa dugo at kaanib ng mga eldest vampire , habang kinakaladkad ni Sebastian si zircom hawak nya ito sa damit na napunit punit dahil sa mga nangyari dito , tumihimik at natigilan ang lahat ng makita ang kulay putting buhok at maging anyo nya nanghihina sya subalit pilit na minumulat ang mata at gigil na nais lumaban .

Nang may isang lalaking galing sa angkan ng eldest vampire ang sumigaw " sya ..... hindi bat isa syang krystal vampire !!!!! " sigaw ng lalaki na syang nagpatakot sa mga vampirang nasa loob ng mansion at nagingay silat pumalibot kay zircom ,habang mahigpit na hinahawakan sya ni Sebastian .

Lumayo kayo sa kanya !!!! ubos lakas na sigaw ni tyro habang hawak sya ng mga tauhan ni master vaz at pinipilit makawala sa pagkakagapos sa kanya

Totoo bang may natitira paring krystal vampire " malakas ng boses ni master vaz na syang mamgibabaw sa mga tao ,mula sa harap nila Sebastian ay nahawi ang maraming bampira at yumuko habang dumadaan ang eldest vampire na si master vaz kasunod ang ilang mga babae at lalaking galing sa kanyang angkan ,pagkakita ni Sebastian ay yumuko sya subalit si zircom ay matapang na nakatingn lamang dito at nakatayo lamang kaya hinawakan sya ni Sebastian sa balikat at pinilit na iluhod gayundin ang ginawa kay tyro .

"Nakakabilib , nakakamangha paanong ang isang kystal vampire ay nabuhay at naririto sa bansang ito hindi bat nakakatawang isipin na may isang natatanging kystal vampire ang naririto at nasa harap ko pa mismo pagkatapos ng mahabang panahon ng aking paghahanap ay ditto ko lamang matatagpuan sa maliit na bansang ito" sabi ni master vaz na lumapit kay zircom at nangingibabaw ang boses na tumatawa ng makita si zircom , lumapit sya dito at agad na inilapit sa mukha ni zircom ang kamay na may mahahabang kuko pilit iniwas ni zircom ang mukha subalit agad na hinawakan ito ni master vaz at agad na binasa ang nilalaman ng isip at alaala nya.pinipilit isara ni zircom ang kanyang isipan para hindi mapasok ni master vaz subalit malakas ito at napasigaw si zircom at agad dumugo ang ilong nya ng sinimulang halukatin ni master vaz at alamin ang kanyang pinagmulan 

Nakamulat ang mata ni master vaz habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo ni zircom , nakita nito ang simulang pagsilang kay zircom , mula sa mga kapatid at ang tungkol sa ina nyang si josephene bran at amang si jeremiah florey at maging ang sum...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakamulat ang mata ni master vaz habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo ni zircom , nakita nito ang simulang pagsilang kay zircom , mula sa mga kapatid at ang tungkol sa ina nyang si josephene bran at amang si jeremiah florey at maging ang sumpang binitiwan ni josephene " sa takdang panahon na maging ganap na ang iyong pagiging bampira ikaw ang katatakutan ng lahat ng ibang lahi dahil sa dugong dumadaloy sayo ang syang magtatapos sa kanilang buhay ,magiging makapangyarihan ka zircom at walang sino man ang makakapatay sa iyo !!! " ang mga huling salita ng ina ni zircom matapos mawalan ng hininga.

MY FOREST VAMPIRE ZIRCOM [ COMPLETED] (season 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon