Lumipad ng lumipad ang uwak sa buong magdamag , ilang bansa ang nadaanan , hanggang sa makarating sa isang bansa na may kulog at malakas na ulan , nasa bansang tawagin ay italy na may mga magaganda at malalaking gusali na tila sa sinauna , lumapag ang uwak sa isang mataas na gusali at pumasok sa isang magarang kwarto at dumapo sa tapat ng isang mataas na lampshade na nasa gilid ang kulungan ng uwak , habang pumasok mula sa labas ng kwarto ang tatlong lalaki na naka americana at ang nasa hulihan nila ay ang ama ni richar na si JERIMIAH FLOREY nakaputing amerecana sya na nakikipagusap sa isa sa mga lalaki na may katandaan isa rin itong bampira , naglalakbay ang ama nila upag makipagkasundo sa mga bampira na pinili na maging normal ang pamumuhay at hindi na muling pumatay ng mga tao , nagtatatag sila ng lihim na organisasyon na sumasalungat sa mga nakaugalian ng mga eldest vampire mula sa mga sanggol hanggang sa paglaki ng mga bampira, sinusubukan ng kanilang ama na makipagkasundo sa mga vampire slayer para matigil na ang patayan sa kanilang lahi ,
Sa paglalakbay ng kanyang ama marami na itong nakilalang mga pamilya at grupo ng mga bampirang namumuhay na mga parang tao at nagtatago sa mga eldest vampire, ang ilan sa kanila ay pinatay ang mga anak ,magulang at kapamilya dahil sa pagsaway sa mga tuntunin ng mga eldest vampire , na nagnais tumiwalag . pinapatibay nila ang pakikipagugnayan at negosyo para magkaroon sila ng sapat na kapangyarihan at lakas para labanan ang mga eldest vampire,at pigilan ang pagiging bampira ng ilang mga tao at pagpatay sa marami pa.
Nang makita ng uwak ang ama nila richar ay agad na lumipad at dumapo sa balikat nito ang uwak natuwa ang ama ni richar na inakalang magandang balita ang dala nito ,
Kamusta ka na , alaga nang aking anak , may mensahe ang anak kong si richar" sabi nito ng nakangiti na kinuha ang nakaikot na sulat na nakatali sa paanan ng uwak , iniwan na si Jerimiah ng mga kausap na mga lalaki habang nakangiti ito sa kanya ,at nagpaalam na rin sya sa mga ito ,
Umupo ang ama ni richar sa sofa na malapit sa bintana para basahin ang sulat ni richar , habang ang uwak ay lumipad papasok sa kulungan nito ,
Nagulat ang ama ni richar ng mabasa ang sulat , nakapaloob dito ang banta at ang planong pagalis nila richar sa bayan at paglipat , kilala ng ama nya si richar at alam nyang kaya nito ang alin mangproblema na magaganap sa pamilya nila , kaya alam nyang may masamang nangyayari kaya sumulat sa kanya ng ganoon ang kanyang pnganay na anak ,
agad na napatayo sa galit at takot ang ama ng malaman ang nangyari kaya agad nyang tinawag ang kanyang kanang kamay na si KOJI TAKANO isang Japanese half british na magaling sa samurai isa syang vampire slayer na katiwala at matalik na kaibigan ng ama ni richar mayroon syang mahabang buhok na hanggang balikat na maliliit ang terintas , isa itong tao subalit may kakayahan na maaaring ipangtapat sa mga magagaling na bampira , matagal na silang magkakilala ni Jerimiah simula ng mapangasawa nya si lucia carnation na ina ni richar , nagkakilala sila sa isang underground fighting competition kung saan , matira matibay ang labanan , iniligtas ni Jerimiah si koji na noon ay 15 anyos pa lamang na marami na ang napatay , subalit ngayon ay naging matalik na kaibigan at matapat na katiwala nya , lumipas ang ilang taon at naging malakas ito na pinili ni Jerimiah na maging tao lamang ito at hind imaging bampira,
Master anong problema ?"sabi ni koji ng makita si Jerimiah na tila nanghihina dahl sa nalamang balita
Maghanda ka koji babalik na tayo sa pilipinas , ang mga anak ko nasa panganib sila "sabi ng seryoso at tila kinakabahan na si Jerimiah
Subalit master, hindi kayo maaring bumalik agad , hindi pa natin nakakausap ang grupo ng mga Lionblack , hindi madali mahanap ang kanilang grupo kung aalis na tayo agad hindi na natin sila makikitang muli ," sabi ng nagaalala na si koji , alam nito ang nalalapit na digmaan mula sa mga eldest vampire at ng kanilang organisasyon ,kaya nagmamadali agad silang makahanap ng mga makakasama sa mangyayari ito ,
BINABASA MO ANG
MY FOREST VAMPIRE ZIRCOM [ COMPLETED] (season 2 )
Vampirerespect copyright protected /published 2015 Leave your comment Please vote and share thanks Nawala lahat ng alaala ko sa nangyari NooN ng bata kami ni Ate sophie pero it all change when this young man having a white hair appear His face reminds...