Episode 1: Lost Memory

518 2 0
                                    


Makalipas ang limang taon nanirahan si sophie at lila sa maynila malayo sa baryong kinalakhan, naging ordinaryo ang pamumuhay, maraming nabago sa kanilang itsura,

Ang dating batang matapang na si sophie na palaging pinagtatanggol ang pinsan na si lila ay naging isang mahinhin na dalagita, naging sakitin ang pangangatawan , maganda, matalino at tahimik ,subalit kahit ganun pinipili sya ng kanilang school para maging muse dahil sa angkin nyang kagandahan , nasa kanya ang atensyon ng mga classmate nyang lalaki ng nagaaral sila sa high school ,si sophie ay 4th year high school na may mahabang alon alon na itim na buhok , may katamtamang pangangatawan ,maputi, may magandang mga mata at manipis na mga labi, mahilig syang magsuot ng ibat ibang bistida na nagpapalitaw ng kagandahan nya,malayung malayo sa itsura ni lila

Lumaki si lila na iba sa dating batang mahina at matatakutin, naging matapang sya,malakas ang loob, at kung kumilos ay tila isang lalaki, 3rd year high school na sya 16 years old ,may maikling hanggang balikat na unat na buhok na laging nakatali , may bangs na nakagilid sa mukha nya , morena, chinita at may payat na pangangatawan, hindi tulad ni sophie, hindi pansinin si lila sa school nila, ordinaryo lamang syang nahihilig sa sports na softball, mahilig syang magsuot ng t shirt at maluwag na pantalon , subalit kahit ganun masipag syang magaral at nahihilig sa pagpipinta,

Simula ng lumaki silang dalawa ipinanagako ni lila sa sarili na sya ang magtatanggol kay sophie at magaalalaga sa kanya, bilang pagtanaw ng utang na loob nya kay sophie, at dahil tinuturing nya itong isang kapatid,

ate sophie, kinukulit ka ba nito ni tosho? sabi ni lila habang nasa antique shop na pagmamayari ng nakaampon sa kanila na magasawa

Si tosho o tony ay classmate ni sophie at may crush sa kanya, makulit na laging kabiruan ni lila, may cute na mukha at maputi matangkad ito at mabait , may makapal na kilay at cute kung tumawa, palaging inaasar si lila,

sinabi ko na sayo lila kuya Tony ang itawag mo sakin kasi matanda ako sayo at magiging pinsan mo na ako " sabi ni tosyo ng lumapit at umakbay sa nagsusulat na si sophie,

Mabilis na inalis ni lila ang kamay ni tosyo sa pagkaabay kay sophie at galit na itinaboy ito

hoy sinabi ko na sayong wag mong hahawakan si ate sophie , di ba di ka nya type, ayoko sayo " sabi ni lila habang dinuduro si tosyo

aray bakit naman , gwapo naman ako ,masipag matalino bakit ayaw mo akong maging boyfriend ng ate mo" sabi ni tosyo habang nakahawak sa dibdib at nakayuko, muling lumapit kay sophie,

" EH kasi ayoko sa nunal mo yan oh " sabay tawa at turo ni lilah sa nunal ni tosho

ikaw anong kinalaman ng nunal ko sa feelings ko ha ," sabi ni tosho sabay habol at kilitii kay lila ,

Simula ng dumating sila sa lugar na yun naging magkakaibigan sila ni tosyo hanggang sa lumaki na sila,

tama na yan , baka dumating na sila imang " hehehe " tumatawang sabi ni sophie habang nakatingin sa kanila,

ito kasi si tosyo ate ang kulit sabi ni lilah, nang mabilis na tinulak si tosyo, nakatawa lamang si tosyo ,

Linggo ng araw na iyon walang pasok sila sophie at lila kaya sila muna ang nagbabantay ng shop, dumating na ang magasawang nakaampon sa kanila, nasa edad 50 pataas ang edad ng dalawa, ang lalaki ay puting puti na ang buhok na mahilig magpatawa at ka close nila lila si itang JOSE, samantalang ang imang NENA naman nila ay strikto ,at palaging inaaway ang itang nila, mabait ito kahit na palaging nakasimangot ang dalawang magasawa ay dalawang anak na nasa abroad , dahil sa dalawa na lamang sila ninais nilang magampon ng mga batang makakasama at ang napili nila ay ang dalawang magpinsan na si lila at sophie

MY FOREST VAMPIRE ZIRCOM [ COMPLETED] (season 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon