Chapter 1

15 3 1
                                    

Tathia's POV

*beep*

Urghhh. Umagang-umaga may nag text. Hindi ko pa nga natatapos yung malapantasyang panaginip ko, eh mayroon nag sumira. Akalain mo, napanaginipan ko na princesa ako sa isang napakagandang palasyo, kaibigan ko raw lahat ng tao at pati mga halaman at hayop doon at ang pinaka magandang parte sa panaginip ko ay may dumating na lalaki at mala prinsipe ang kanyang dating at itsura, sakay ang kanyang kabayo. Nandon sa panaginip ko na lumuhod sya sa harapan ko at kinuha ang aking kamay at hinalikan nito. Tumayo siya at akmang hahalikan sana ako nung...

*beep beep*

Ayon umingay ang cellphone ko at hindi man lang kami nagkahalikan. Saklap.

Kinuha ko ang cp ko at tanaw ko pa sinag ng araw dahil hindi ko nasira ng maayos yung kurtina.

From: 0925*******
Hi

yan ang laman ng text. Yan lang! Unregistered number naman. Tssss. Akala ko pa naman sino ang nag text sa akin pero isang "hi" lang ang laman. Buhay nga naman. Ano bang ire-reply ko dito? Baka naman scheme lang to, alam nyo na talamak ang mga taong nanlilinlang at text pa ang ginagamit. Pero curious talaga ako kung sino to. Baka naman classmate or schoolmate ko lang to eh. Pinagkakasiyahan lang akong tripan. Pero pakiramdam ko ay parang iba eh. Meron talagang nagtutulak sakin para replyan si Stranger nato. Stranger nalang itawag natin sa kanya tutal hindi ko naman alam kung sino sya.

Replyan ko na nga lang. Wala naman sigurong mawawala eh kung replyan ko to eh. Kung sakali namang may masamang intensyon to, edi hindi ko na re- replyan or mag change ng number. Meron namang simcard na 10pesos dyan sa tabi-tabi eh. Oh walang problema.

To: 0925*******
Hello? May I know who you are?

Maka balik nga ng tulog. Baka mapanaginipan ko ulit yun. Haha. Hihiga na sana ako ng...

*beep beep

Ano ba naman yan!! Wrong timing palagi. May nag text na naman. Urghhh.

From: 0925*******
Hey! Its me! Zeki Franz Vargas. Youre "oh so called" bestfriend. Remember?

Teka? Si Franz?!!! Oh my! Yung bestfriend ko. Ba't nagbago yung number nito. At nag text pa ng "hi" ah. Sira talaga tong si Franz ehh.

To: 0925*******
Hoy bruha! Ikaw pala to? May nalalaman ka pang "hi"! Ano textmate lang! Phwee.

Harsh ng reply ko diba? Sanay naman yan eh. Bunganga kong walang preno at kung ano- ano nalang yung pinagsasabi.

From: 0925*******
Oo! Ako nga? Angal ka? Pasalmat ka nga eh na naglaan pa ako ng time para i text ka lang. I know I'm a thoughtful bestfriend. Haha. Save mo nalang number ko. Wag ng maarte.

Wow ha! Ang haba ng reply. Infairness. Tagalog na at hindi na mag dudugo yung ilong ko.

To: 0925*******
Oh sure! Sige tyl. Matutulog muna ako. Kita nlang tayo sa pasukan.

From: 0925*******
Okay. Yeah. Tyl

I-save ko nga ito. Baka mwala tong number nato. Sa bespren ko pa naman yun.

*Contact saved*

Ayan tapos na. Its time for me to sleep. Hihiga na sana ako, pero parang nawala yung antok ko eh. Ewan. Siguro science cam explain this. Wow ah! Kailan pa ako naging scholastic sa mga ganitong bagay. Haha

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Inaantok na hindi. Kaya napag-isipan ko munang bumangon mula sa pagkakahiga ko. Unat-unat. Ahhhh.

Good morning na talaga sa mga magagandang tao sa mundong 'to. Ano ba, binabati ko lang yung sarili ko nito. Haha.

Napansin ko lang kasi, sa hinaba haba ng sinabi ko. Hindi pa akong nagpapakilala. Saklap. So let's start this.

Im Tathia Stella Anderson. 16 years young and an upcoming senior high student in Velez Academy.

A prestigious school where students preferably study. Hindi naman talaga ako dyan mag-aaral eh kasi masyadong sosyal, punong-puno doon ang mga social climbers, spice girls, cassanovas and other type of people. Gusto ko lang simpleng skwelahan, okay lang kahit sa public school ako mag-aral, atleast may freedom ako, marami akong makakasalamuhang ibat-ibang tao at magkakaroon pa ako ng tunay na kaibigan na makikipagkaibigan sa akin hindi dahil sa mayaman ako. Sa private schools kasi, kung mayaman ka marami ka ngang kaibigan pero plastik naman, kinaibigan ka dahil marangya ka sa buhay. Pero kung scholar ka lang sa isang private school at hindi ka ka-level sa mga mayayamang tao, walang papansin sayo, binubully ka nga eh.

Kaya napilitan lang akong mag-aral don kasi nga utos ng parents ko. At dahil sa makalawa na ying pasukan, siguro ay mamimili muna ako ng mga gamit pang skwela mamaya.

Sa ngayon, matutulog muna ako dahil dinalaw na ako ng antok ko.

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon