Chapter 2

12 3 0
                                    

Tathia's POV

*tok tok tok

" Stella! Gumising ka na! Tanghali na." urgghh sumisigaw na yung megaphone ko sa umaga. Ay tanghali na pala. Haha.

"Mommy naman eh! Kita mong tulog pa ako! Sarap na sarap ako sa tulog ko pero ginising mo naman ako." sabi ko kay mama.

"Aba! Tulog mantika ka talaga. Umayos ka na nga dyan para makakain kana dahil tanghali na. Maligo ka na rin dahil sumasangsang na ang amoy mo!" woh ha. Ang sakit mag salita ng mommy ko. Perfume naman yung sumasangsang na amoy eh.

"Opo maliligo na." sagot ko sa rap nya.

Tumalikod na si mommy at akmang matutulog ulit ako para ipagpatuloy ang masarap kong tulong nang...

" Hoy Stella Tathia Anderson! Isa! Babangon ka ba or kakaladkarin kita patungong banyo! Mamili ka lang!" Naku! Galit na talaga to. Tingnan nyo, tinawag yung buong pangalan ko. Ang sagwa.

"Papunta na nga diba mom!" sabi ko sa kanya.

Padabog akong pumasok sa banyo. Ang aga pa kaya para maligo. Maginaw pa yung tubig. 'ba naman to! Nagpapasalamat nga ako na walang pasok eh dahil malaya akong gawin ang gusto ko. Pwedeng matagal matulog at gumising, pwedeng maligo ng matagal at higit sa lahat pwedeng mag computer at maglaro ng COC kahit anong oras ko gusto. Pero KJ si mudra eh. Wala akong magawa. Ayoko rin namang magpakaladkad noh! Sayang yung makinis kong balat.

Pinaandar ko yung shower. Wooohhh. Ang lamiggg! Kaya ayaw ko talagang maligo ng maaga eh kahit tanghali na. Hindi kaya madaling maligo ng maginaw na tubig. Para nag ice bucket challenge ako.

Sinabunan ko lahat ng parte ko sa katawan. At nagbanlaw. Edi tapos na ako. Hindi man lang umabot ng 10 minutes yung ligo ko. Yan talaga kasi ako. Nagtapis ako ng tuwalya at lumabas sa cr. Pinatuyo ko muna yung sarili ko. Alangan naman mag suot ako ng damit ng basa ako. Utak naman noh.

Naglakad-lakad ako sa banyo nang maalala ko na mamimili ako ng gamit para sa darating na pasukan. Urgghh. Muntik ko ng makalimutan. Makapagbihis na nga para makapunta ako sa mall at mamili.

Binuksan ko yung walk-in closet ko. Ang sosyal. Haha.

Ano kayang susuotin ko? Mag dress kaya ako? Eh diba mall lng naman yung pupuntahan ko, hindi party. Mag t-shirt kaya ako at mag jeans? Masyado namang mainit ngayon. Baka pawisan yung hita ko. Haha. Ahhh! Mag blouse nalang ako na kulay blue at mag shorts. Ayos! Walang hassle at kumportable pa ako.

Pagkatapos kong magbihis, nagsuklay ako at naglagay ng pulbo sa mukha. Ayoko sa mga make-up na yan. I want to expose my natural beauty. At pangit kaya sa babae na punong-puno ng make-up, parang clown eh.

Lumabas na ako mula sa kwarto ko. Kakain muna ako bago pumunta s mall. Gutom na rin kasi ako eh. Mahirap na, baka himatayan ako sa mall. Haha grabe naman. Naglakad ako papunta sa mesa at nadatnan ko doon ang mom at kuya ko.

" Hay salamat naman at bumaba ka na. Naghintay kami sayo para sabay-sabay na tayong kumain." puna ni mom sakin.

Hindi ko nalang sya pinansin at umupo nalang ako.

"Good morning sissy. Looking good huh. San lakad mo? May date ka ba?" sabi ng kuya.

"Anong good sa morning kung yan ang itatanong mo sakin? Umagang-umaga nangbwi-bwiset ka. Pupunta lang ako sa mall para mamili ng school supplies para ngayong pasukan. At anong date? Sapakin kita dyan oh! Makikita mo talaga!" sabi ko sa kanya.

"Easy sis. Ba't ang aga mo? At kailan ka pa naging concern sa studies mo? Naninibago ako sayo ha. Ganyan ba ang epekto ng may inspiration?" ayaw talagang tumahimik ng mokong eh.

*pak! Sinapak ko.

"Aray!" daing nya

" Diba sabi ko sayo sasapakin kita pag hindi ka tumahimik. Youre wish is my command eh. At for your effin information, maaga akong pupunta dun kasi ayaw kong makipag siksikan sa maraming tao. At matagal na akong concern sa studies ko, hindi gaya mo! Dota lang yung inaatupag o kung hindi, maghahanap ng mga chiks! " sagot ko sa kanya.

"Eh sabi mo eh! Kumain ka na nga. Amazona mo rin noh kahit nasa hapag-kainan ka!" sabi nya

"Nawala yung gana ko! Gross yung pagmumukha! Ewwww!" sagot ko.

"Mom alis na ako. Nawala yung gana ko eh. Sa mall nalang siguro ako kakain." paalam ko kay mom

" Sige anak. Ingat!"

Umalis na ako. At pumunta sa garage. I'll drive my car. Ayokong mag commute.

Pinaandar ko ang kotse patungo sa mall.

Wala pang 30 mins ay nakarating ako doon. Ipi-nark ko muna yung kotse ko sa parking lot.

Pagkatapos kung i-park ay pumasok na ako sa mall. Ayos! Hindi masyadong siksikan yung mga tao. Pumunta agad ako sa school supplies section para makapambili na ako dahil gusto ko nang umuwi para makatulog ulit ako.

Kumuha ako ng basket at nag umpisang mamili. Notebook, ballpen, paper, folders, at bag lang ang binili ko. Senior high naman ako eh so hindi na masyadong marami ang kakailanganin kong gamit. Binayaran ko na sa cashier yung mga binili ko at binalot na.

Lumabas ako sa school supplies section at naglakad-lakad sa mall. Habang naglalakad ako, nadaanan ko ang National Bookstore. Hindi ako nag aksaya ng oras kaya pumasok ako at tumingin sa mga bagong publish na libro. Nakita ko dun ang "The Selection" , "Fifty Shades Series" at iba pang mga libro. Kumikinang talaga ang mga mata ko sa mga nakikita ko sa shelves.

Binili ko ang "The Selection". Ang alam ko kasi na maganda ang story nito. Binayaran ko na ang libro at lumabas ng NBS.

Naglakad-lakad ulit ako ng maka ramdam ako ng gutom. Patay! Kumukulo yung tyan ko. Haha. Naghanap ako ng makakainan. Tiningnan ko muna yung wallet ko kung may pera pa ba ako, mahirap na kakain ako ng walang pambayad. Haha. At fortunately meron pa akong pera.

Nakita ko ang McDo at doon nalang kumain since hindi naman masyadong mahal doon, at makakatipid pa ako. Masarap na, mura pa. Haha

Nang matapos akong kumain, napansin ko na marami palang nag char-char dito sa McDo. Hahayy. Walang forever noh. Haha. Hindi ko nalang pinansin at pumunta sa parking lot. Sumakay ako sa kotse at nag drive pauwi.

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon