Chapter 6

8 1 0
                                    

Tathia's POV

Sat! Sat! Sat! Saturday!! Its Saturday! Yayy. Ayos!! Walang pasok, tambay sa bahay, kain, tulog, ligo at kain na naman. Yan ang gagawin ko kadalasan pag walang pasok. Excited na talaga ako this day. First Saturday of the school year.

Ayoko ko pang bumangon. Tinatamad at inaantok pa ako. Kung pwede lang sana matulog ng buong araw. Pero di naman pwede eh. Magugutom ako,manghihina at baka ma deds pa. Hahaha joke lang.

Matutulog muna ako. Higa, pikit mata, at...

*Kriing kriing

Leche naman oh! Sino ba tong tumatawag! Gugulphin ko talaga.

Tiningnan ko yung caller I.D at nakita ko ang pangalan ni Zeki. Syempre sinagot ko kaagad.

"Hello" sabi ko

"San ka na?" tanong nya.

"Huh? Nasa bahay. Matutulog na ako. Mamaya ka na lang tumawag" sagot ko. Ibaba ko na sana yung phone ko nang nagsalita cya.

"Anong matutulog? Hindi mo ba alam na may practice tayo ngayon para sa CPOP natin. Umayos ka nga." sabi ni Zeki

Hala. Oo nga pala. May practice kami ngayon. Shetem te amo naman eh. Kung anong saya ko dahil sabado, ganun ding lungkot ko ng malamang may practice kami.

"Oo nga no. Cge papunta na ako girl. Wait lang" sabi ko

"Siguraduhin mo yan ah. Pag d ka dumating at nag tagal ka. Lagot ka sakin Tathia!" leksyon nya.

Binabaan ako ng phone? Wow ah! Galing ni bespren.

Naligo ako agad para makapunta na kila Zeki baka mag beast mood yun.

Lumabas na ako ng cr, completely dressed. Haha. Bumaba na ako para kumain.

"San lakad mo?" tanong ni Mom

"Kila Zeki po. Gagawa kami ng project eh." sagot ko.

"Talaga? Siguraduhin mong project yang inaatupag mo dahil pag nalaman kalokohan yan, malilintikin ka talaga sakin" sabi ni Mom . Patay bad mood cya. Red tide nya ba ngayon? Hayss

"Project nga po. Sige mom. Una na ako. Bye." paalam ko sakanya.

Palabas na ako ng bahay nang nag ring yung phone ko.

*ring* *ring* *ring*

Unknown number yung tumatawag. Sige sasagutin ko nalang.

"Hello" sabi ko.

"Tat, si Kate to. Ito na yung number ko. Tsaka nandito na kami lahat kela Zeki. Ikaw nlang yung hinihintay." ohhh si Kate pala.

"Hoy bilisan mo kaya! Linalamok na kami kakahintay sayo!" boses pa lang nya alam ko ng si Gab yun. Haayy

"Oo na nga. Papunta na ako. Try nyo kayang maghintay. Tsss" binabaan ko na sila ng telepono. Astig ko kumausap sa phone diba? Yan talaga pag friends mo yung kinakausap mo. Walang pakialaman.

Nagtaxi ako papunta kela Zeki, ayaw kung mag drive. Aksaya lng ng gaas. Mabuti nato, mabilis pang makarating. Wala pang 30 mins eh nandito na ako.

Pumasok ako kaagad sa bahay ni Zeki. Walang katok-katok diba. Haha

"Hey guys. Andito na ako!" masiglang sabi ko sa kanila.

"Salamat naman at dumating ka. Pumuti na yung buhok namin kakahintay sayo" che! Humirit pa si Ivan

"Hala grabe sya. Pumuti agad buhok mo? Kala ko pa naman puting-puti na yan dahil matanda na yang pag mumukha mo. Hahaha" asar ni Carl.

Nagtawanan kaming lahat. At dahil hindi mawawala ang kj sa isang pagkakaibigan, pinahinto kami ni Kate para makatapos kami agad.

"So pwede tayong mag chinese rock base sa mga research ko." sabi ni Kate.

"Hmmm. Pano kaya pag mag kumanta satin tas may sasayaw. Sure ko maganda yan." suggest ko sa kanila.

"Oo nga Tat. Marunong kaming kumanta ni Kate. Tas yung natira, kayo nalng yung sasayaw." pagsang-ayon ni Gab.

"Eh pano yan, hindi ako marunong sumayaw. Para akong nakalamon ng poste sa tigas ng katawan ko. Eh pagkembot nga lang di ko keri." reklamo ni Zeki.

"Eh sa likod ka nalang girl. Tabi kayo ni Ivan. Tas kami ni Tat sa unahan. Pak diba?" sabi ni Carl

"Sige payag ako!" pagsang-ayon Zeki.

Halos 6 hours din kaming nag practice para lang walang loop holes yung performance namin. Yung tipong kembot ko pa lang perfect na yung score namin. Pero syempre joke lang yun. Hahaha. Actually, nakakatamad mag practice pero thanks to Kate and Gab, sila yung nag encourage samin na mag practice alang-alang sa grades.

"Yess! Guys ang ganda nung presentation natin" puri ni Kate habang pinapanuod namin yung video ng performance namin. Yeah nag video kami para malaman at makita namin yung mga pagkakamali namin at kung pano kami nagpe-perform, kung maayos ba o hindi.

"Sige, pwede na ba tayong umalis? Pagod na rin kasi ako eh." sabi ko.

"Oo nga naman. Wag na kayong mag dinner dito utang na loob, bankrupt na ako." reklamo ni Zeki.

Paanong di ma bankrupt eh kada oras humihingi kami ng pagkain. Yung tipong "Zeki timpla kang juice", "Zeki pa deliver tayong pizza" , "Zeki may softdrinks ba kayo?" Sinong di maghihirap nyan. Hahaha

"Oo na. Umuwi na tayo tutal beyond perfect naman yung performance natin eh" sabi ni Kate.

"Hay salamat. Gora uuwi na oks!" sabi ni Carl.

Palabas na kami ng pinatigil kami ni Gab.

"Oh bakit Gab?" tanong ko.

"Eh kasi guys, nag post si Pres sa group natin. Sa monday na daw yung presentation." sabi nya habang pinakita samin yung post.

Attention guys! The presentation for MAPEH will be presented on Monday as announced by our MAPEH Teacher. Good luck to all of us. Thats all. Just keep yourself updated :)

-Ms. P

"Lagot! Anong gagawin natin? Are we that prepared? Kung sabagay naman, tapos na tayo." sabi ni Gab.

"As much as we trust everyone of us, we can make it. We will give them our best shot so we can get the highest score we deserve to have" sabi ko.

"Charot ka Tat! Naubusan ako ng dugo dun ah! Nosebleed! Parang nagka anemia ako dun ah!" asar bi Carl.

"Che! Tama naman yun ah! We just need to trust ourselves" sabi ko.

"Oo nga, I trust him but he broke it the moment he kissed that dickheaded Syca" hugot ni Kate.

"Hala! Hugot yun ah! Ako nga eh, nag trust ako pero naka buntis parin ako. Hahahaha" biro ni Ivan.

Tumawa kaming lahat. Eto talaga si Ivan, kung maka joke wagas! Pero wala paring tatalo kay Carl. Hahaha

"Sira! Umuwi na kayo. Mag gagabi na, baka dito pa kayo maghapunan. Wala na akong pera!" sita samin ni Zeki.

"Sige. Uwi na tayo. Salamat nga pala Zeki" sabi ni Gab

"Aba'y dapat lang na magpasalamat kayo noh! Sa lahat ng pasakit na binigay nyo sakin" sabi ni Zeki. Anyare sakanya? Nagse-senti? Eh ang yaman-yaman nya.

"Sige gora na kami. Byee" paalam ni Carl.

We all bid our goodbyes to her and parted ways.

A.N

Hi to my readers out there. :) Sorry for making you wait for my  updates. I just dont have time and internet connection to publish updates.  Dont worry I'm trying my best to make it up to all of you. Just keep on reading and voting because those are my inspiration for pursuing this story. :) Thank you so much guys!

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon