Chapter 4

7 1 0
                                    


"Explain yourself Ms.Anderson" utos ng principal namin.

"Po?" tanong ko sa kanya

"Cant you see, its the first day of class pero may ginawa ka nang kalokohan. And its not just a minor offense of the school, its a DISRESPECT OF AUTHORITY!!" sermon ni Sir

"Eh Sir, sinunod ko lang po naman yung sinabi ni Ms. Witch eh. She told us to introduce ourselves shortly so yun ginawa ko, likas ho kaya akong masunurin. Pero nagalit sya dahil sa ginawa ko, kung tutuusin pa nga po eh, naging masunurin ako sa kanya dapat may plus points yun kahit first day of class pa lang." sabi ko kay Sir

"Nakung bata ka. Ganyan ka ba talaga umasta sa mga nakakatanda sayo? Kung ganon, you will be punish according to the disrespectful thing you've made. Mop the lobby of the entire building for the whole day. So it means, you cant attend a class for this day." sabi ulit ni Sir

"Cant attend a class ba kamo Sir? Yesssss!! Wooohhooo! Ayos. Gandang punishment naman. Di baleng mag mop ako ng lobby basta hindi lang umattend ng klase. Nice one sir. See yaahh. Bye!!" masiglang sabi ko kay sir sabay takbo palabas ng Principal's Office.

Yesss! Ang saya talaga! Isipin nyo yun, first day pa lang hindi na ako naka attend ng klase. Hanep lasang caramel oh! Sagot-sagutin ko kaya palagi si Witch. Hahaha

*Kriingg kriingg

Kung siniswerte nga naman oh. Recess na! My favorite subject. Silang dalawa ni lunch. Pasado ako palagi sa mga subjects na yan!

Naglakad ako patungong canteen. Dadamihan ko yung ooderin ko. Nakakagutom kaya yung ginawa ko at mag ma-mop pa ako ng lobby ng building.

"Ate isang siopao, siomai, macaroni salad, vegetable lumpia, at dalawang coke yung akin." sabi ko kay ateng tindera.

Nang matapos akong mag-order naghanap agad ako ng mauupuan. Nahagip ng mga mata ko yung vacant table at dali-dali akong pumunta doon. Linagay ko yung mga pagkain ko. Ayos, solo flight ang dating ko, walang manghihingi ng pagkain at payapa akong mabubusog.

Nagsimula na akong kumain. Nakita ko sa Zeki na papunta sa akin kaya binati ko siya.

"Hi bespren!" bati ko sa kanya.

"Hello Tat! Dami mo namang kinain. Napagod ka ba sa pagsagot sa gurang na gurong yun? Haha" sabi ni Zeki

"Oo noh! Umusok nga  yung ilong nya sa sinabi ko. Haha" sagot ko sa kanya.

"Anong nangyari sa Principal's Office? Nagalit rin ba si Sir sayo?" tanong nya

"Syempre! Sino namang hindi diba. Ayun, parusa ko ay ang mag mop sa mga lobby sa buong building. At hindi ako makakapasok ng klase. Yeyy!" masiglang sabi ko

"Ayos ka rin Tat noh! First day pa lang may kasalanan ka na. At masaya ka pa rin dahil ang hindi pagpasok sa klase yung parusa mo. Hahaha" sabi ni Zeki

"Haha ayos na ayos! Kakain ka ba?" tanong ko

"Hindi na. Pinuntahan lang kita dito para kumustahin ka. At parang okay ka naman kaya aalis na ako. Byee Tat!" paalam nya

"Sige bye! Ingat! Kita na lang tayo later!" paalam ko rin sa kanya

"Yeah! Bye" sabi ni Zeki

Nang matapos akong kumain, dumiretso ako sa janitor's room ang nanghiram ng mop at balde. Mabuti na yung maagang magsimula para maaga ring matapos.

Nag-umpisa akong mag-mop sa 1st floor. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Sino ba namang hindi na ang isang napakagandang ako ay nagmo-mop sa sahig nang naka dress at heels. Diba? Tssss. Pero wala akong pake. Kasalanan ko rin naman kung bakit naparusahan ako.

Nasa 3rd floor na ako ng building na syang huling palapag nito. May narinig ako nagtatakbuhan kaya napalingon ako. Lagooottt! Nadapa yung isang babae. Pumunta ako para tulungan sya para makatayo. At yung kasama naman nya ang busy sa pag-ayos ng gamit nya.

"Salamat" sabi nung babae na parang may lahing taga India.

"Okay lang" sagot ko

"Ako nga pala si Gabrielle Luzada" pagpakilala ng babaeng parang indian.

"Ako naman si Kate Plarisan." sabi nung kasama nya.

"Ako naman si Tathia Anderson. Nice meeting the two of you" sabi ko

"Wow. Sosyal ng family name mo te! Teka bakit nag ma-mop ka dyan ng ganyang suot. Hindi bagay sayo." sabi ni Gab

"Ah eto? Sinagot ko kasi yung adviser namin, si Ms. Witch. Kaya naparusahan ako ng ganito. Hahaha." sabi ko.

"Ah ikaw pala yun. Sorry hindi ka namin napansin. Nasa gilid kasi kami nung sinagot mo yung teacher natin. And magka-klase tayo." sabi ni Kate

"Ah oo nga ikaw pala yun. Ayos yung ginawa mo ah! Akalain mo sinagot mo yung witch na yun na kinatatakutan ng buong campus dahil napaka terror. Ikaw na talaga. Hahaha" sabi ni Gab

"Haha. Sanay na ako dun" sagot ko

"Ano friends?" alok nilang dalawa.

"Friends" sagot ko.

Hay salamat may bago na aking mga kaibigan.

Ahhhhhhhh!!

Hala sino yun! Napalingon kaming tatlo sa pinangalingan ng ingay na yun.

Naku. Mga beking studyante lang pala.

"Hoy Carl! Ang ingay mo naman!" saway n Kate sa kanila.

"Pake mo?" sabi ni Carl.

"Oh! Si Tathia bagong kaibigan natin at kaklase rin natin sya." pakilala ni Gab sakin.

"Hiiii! Im Carl Yu" sabi nung beki na intsik. Sayang chinito pa naman sya!

"Hello! Im Tathia but you can call me Tat." sabi ko

"Teka ikaw yung sumagot kay Mads?" tanong nung isang beki.

"Huh? Mads?" nagtatakang tanong ko.

"Oo. Si Mads. In short for Madison! Si Ms. Witch yung tinutukoy ko. Hanep yung ginawa mo te! Salute kami sayo. Kaw lang yung nkagawa nun ah! Try namin minsan. Hahaha. By the way, Ivan Tan sa umaga pero pag gabi pwedeng Ivanna at Vanessa!" sabi nya.

"hahaha" tawa ko.

"Nice meeting you" sabi ko.

*Kriiinnnggg! Kriiinnnggg!

"Hala. Tununog na yung bell." sabi Kate.

"Obvious naman!" sagot ni Ivan.

"Che!" sabi ni Kate

"Pasok muna kami Tat ah! Kita nalang tayo mamaya. Byeee!" paalam ni Gab

"Sige ingat kayo!" sabi ko

"Ooyy girl! Good luck sa pagma-mop ah! May future kang mag janitor. Hahaha. Bye!" hirit ni Carl.

"sira! Bye!" paalam ko.

Lumakad sila paalis. Haaay. Good luck for my stay here. Kahit na may naparusahan ako masaya parin ako dahil exempted ako sa klase at masaya rin ako na nakahanap ako ng mga kaibigan na kaklase ko pa! Ayos!

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon