Tathia's POV
Mabilis lumipas ang araw. Lunes na ngayon. Lunes as in Monday. Nini-nyerbos ako dahil ngayon na kami magpe-present. Sana naman maayos yung performance namin. Dugo't pawis pa naman yung binigay namin nung nag practice kami. Sayang naman kung mali-mali yung ipapakita namin sa klase. Basta kumakapit parin ako sa kasabihang "Pag may tiyaga, may nilaga"
Makaligo nga muna para di ako ma-late.
After 15 mins natapos rin ako. Pumili ako ng susuutin papuntang school, napag desisyunan ko na kasi na sa school nalang ako magsuot ng costume para di naman madumihan yun.
Mabilis akong bumaba dala yung bag ko para kumain ng breakfast. Sandwhich, egg and milk lang yung kinain ko. Nagmamadali talaga kasi ako eh. Pagkatapos kung kumain, nagpaalam na ako ni Mom.
Nagdrive ako papuntang school at salamat naman at hindi masyadong traffic. Nakarating ako dun na hindi late. Yayy!
Nang makarating ako sa classroom, sinalubong agad ako ng mga ga groupmates ko.
"Uy Tat! Bakit naka ganyan ka pa? Magbihis ka na nga." utos sakin ni Kate.
"Magbibihis na nga diba? Pwedeng mag-antay ka?" sabi ko sa kanila.
"Wag kanang magpatumpik-tumpik Tat. Papasok na si Sir in 30 mins. Kaya magbihis kana!" sabi ni Ivan.
Nagmadali agad akong pumunta sa CR. Medyo malayo pa naman yung cr sa room namin. Pero keri lang naman.
Nang makarating ako sa cr tumambad sakin ang pagmumukha ni Syca. Bwesit naman oh. Tinarayan nya lang ako at tinarayan ko lang sya para fair. Pumasok agad ako sa isang cubicle at nagmamadaling magbihis. Nang marinig ko mag salita si Syca.
"May mga tao talaga porket naka kaibigan ng mga astig eh mag-aastigan na rin. Eh ang bago-bago pa naman dito. Tingnan lang natin kung magtatagal ka dito. Akala mo naman kung sinong maganda." pangbwi-bwisit nya.
Lumabas ako ng cubicle para patulan sya. Aba'y hindi ako magpapatalo noh. Ang cheap-cheap nung mga sinasabi nya.
"Anyare sayo? Baliw ka na ba? Kinakausap mo yung sarili mo? Di ko alam tumatanggap pala yung school nato ng mga baliw na studyante?" asar ko sa kanya.
"Diba obvious na ikaw yung tinutukoy ko? Tsss. Bobo ka ba?" sagot nya.
"Ako pala yung tinutukoy mo? Eh sa pagkakaalam ko maganda ako, astig ako at pumapatol ako sa mga baliw na katulad mo kahit hindi astig yung mga kaibigan ko, magtatagal ako dito dahil matalino ako at di ako bobo katulad at higit sa lahat mas maganda ako sayo! Mas maganda pa mga yung pwet ko keysa sayo. Kaya pwede ba wag kang harang-harang sakin dahil may klase pa ako! Tabi walking virus" tingnan nyo yan lang yung sinabi ko pero umuusok na yung ilong nya parang pabrika. Hahahaha
Nagmamadali akong bumalik sa classroom and luckily wala pa si Sir. Pero naabutan ko yung mga classmate ko na nagpa-practice at aligaga pa. At kami, wala lang. Feel free. Parang walang performance. Sabi kasi ni Kate na hindi na kami magpa-practice dahil malapit ng magsimula yung performance, baka kasi makalimutan namin yung lyrics at steps. Mabuti ng relax para hindi ka masyadong ma nervous at no stress. Habang naghihintay kami, dumating si Sir. Ang hot nya ngayon ah. Hahaha joke lang naman.
"Good morning everyone. So as we all know you will be presenting your performance today. We all know that I moved the date and I guess you aren't prepared enough. But I trust you dear students, I know you'll give me a great performance. I have a prize to the group who will get the highest score, I'll tell you after yoy perform. Am I clear?" explain ni Sir sa amin. And we all say yes.
Inanounce samin ni Sir ang criteria para may guide kami.
"Okay. Now lets start. Kpop group, the floor is yours." sabi ni Sir.
~Kpop group performing~
Okay lang naman yung sayaw nila. Synchronized. Kinakabahan na ako sa kanila, first group palang yan ha. Pano na kaya yung Jpop. Maganda kaya ying sakanila. Natapos na yung performance ng Kpop at nagpalakpakan kami.
"Next is the Jpop" sabi ni Sir.
~Jpop performing
Maganda yung sakanila. Magaling silang kumanta. Natapos yung sakanila kaya ibig sabihin kami na.
"Go last group" sabi ni Sir.
"Be confident guys. Tayo lang ang magsi-sing and dance. Lamang na tayo dun. Good luck to us ang give your best" sabi ko para ma determinado naman sila.
Nag umpisa na kaming mag perform. Intro palang ng kanta naghiyawan na yung classmates namin. Charot diba parang nagko-concert lang kami. Hahaha pinapatawa ko nalng yung sarili ko dahil kinakabahan na talaga ako ng bongga. Nag-umpisa na kaming sumayaw kaya lumakas yung cheer nila. Ang ganda pala ng ganitong feeling, nakaka overwhelmed. Ang sayaaaa. Natapos na kaming sumayaw at puro palakpak at hiyawan yung narinig namin. Nag bow kami tas nag group hug.
"Ang galing natin! Bongga!" sabi ni Carl na tinawanan lang namin.
Pumunta si Sir sa harap at bumalik kami sa mga upuan namin.
"You have proved your worth class. Despite of the short time I gave you, you presented a great performance like you practiced it more than a week. But one group really stand out. So now, I'll announce your scores. Kpop 95, Jpop 97 and lastly Cpop you got 100. You've impressed so much. You did both, sing and dance. Congratulations." masayang sabi ni Sir.
Pagkarinig ng pagkarinig namin sa score namin nagsigawan kaagad kami! Woooohhh 100!!
"OMG guysss! Perfect tayoooo" sabi ni Kate at Gab.
"Oo nga. Ang galing natin. Bongga talaga." sabi ni Ivan
"See, sabi ko sa inyo eh trust and teamwork lang. Congrats satin." sabi ko sa kanila.
Biglang nagsalita sa Sir kaya natahimik ang buong klase.
"As I've said before you start your presentations, the group with the highest score will have a prize. So Cpop group, since you got the highest and perfect score, you are exempted to our quiz this morning. You can go out now and chill yourselves. Congrats again." sabi ni Sir. Ang saya naman oh! Exempted kami. Woot woot!! Grabe ganito pala yung feeling na yung pinagsikapan mo ay mag bubunga ng maganda. Yayy!
"Oh guys. Narinig nyo yun? Exempted tayo at pwede pa tayong lumabas ng classroom. Ayos makakapag-celebrate pa tayo!" masayang sabi ni Zeki
"Tara labas na tayo at magcelebrate! My treat!" sabi ko. Eh sa maraming pera akong nadala ngayon. Plano ko naman talagang manlibre sa kanila pag kami nanalo.
"Yeheyyy!" sabi nilang lahat.
Naglakad kami patungong canteen habang pinag-uusapan namin yung performance namin at yung sa ibang groups.
"Eh ang cheap nung ginawa ng Jpop eh. Hahaha joke lang. Pero maganda naman talaga yung sakanila mas maganda nga lang yung satin. Diba guys" biro ni Carl. Tung isang to oh! D maubusan ng biro. Kaya nagtawanan kaming lahat.
Nawala yung tawa ko nang makita ko ang pinaka-pamilyar na tao sa buhay ko. Ang dahilan kung bakit naging miserable ako at ang dahilan kung bakit takot na akong umibig.
"Ryder...?"
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
Teen Fiction"Hi" dalawang letra, isang pagbati kung ikaw ay may ka texts. Pero ang simpleng pagbati ay naging simula ng isang tunay, simple at hindi makakalimutang pag- iibig. Sa text... doon kami nagkakakilala at magtatapos At nang dahil sa text, naging mas...