Tathia's POV
Tumakbo agad ako papuntang cr, ayaw kong makita nya ako, ayaw kong makita nya hindi parin ako nka move on sa nakaraan namin. Nung nakita ko siya bumalik lahat ng sakit na ipinadama nya sakin. Ang sakit-sakit talaga.
Wala na akong pakialam kung iniwan ko yung mga kaibigan ko sa canteen basta ayaw ko lang siyang makita.
Umiyak ng umiyak ako sa loob ng cr. Wala namang tao dito kasi class hours. Binuhos ko lahat ng hinanakit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko yung mga kaibigan ko. Naguguluhan ako ba't nandito ako sa bahay kaya nagtanong ako sa kanila.
"Uhmm guys ba't nandito tayo sa bahay. Wala akong masyadong maalala eh. Pwedeng mag flashback kayo? Sakit na rin kasi ng ulo ko." pakiusap ko sa kanila.
"Eh kasi Tat papunta tayong canteen, tumatawa ka pa nga nun eh kaso bigla ka nalang tumakbo hindi namin alam kung saan ka nagpunta at kung bakit ka tumakbo. Hinanap ka namin at nakita ka ni Gab sa cr." paliwanag ni Zeki.
Ah unti-unti ko ng naaalala ang mga nangyari. Si Ryder. Siya ang dahilan kung bakit ako tumakbo at umiyak. Siya nalng lagi yung dahilan ng pag-iyak ko.
"Naabutan ka namn sa cr girl na basa yung mukha at tulog. Guess nga nmin eh na umiyak ka." sabi ni Carl.
I smiled at them weakly. Ang sakit eh.
"Tat, if you dont mind, ano ba yung problema mo? Ba't bigla kang tumakbo at umiyak? Share ka naman dyan. Mas mabigat kapag inaako mo yung mga sakit na nararamdaman mo eh. Nandito naman kami para pakinggan at damayan ka sa lahat ng mga problema mo. Kaya nga friends tayo diba" sabi sakin ni Gab.
Sasabihin ko kaya sa kanila? Eh parang nakakahiya naman. Handa ko bang balikan lahat ng mga masakit na pangyayari? Pero alam ko naman na hindi ako nila pababayaan eh. Okay lang naman sigurong sabihin sa kanila tutal magkaibigan naman kami.
I breathe heavily bago simulan yung kwento ko.
"Ganito kasi yun. Once upon a time, umibig ako sa isang napaka-gwapong, napaka-mabait, napaka-gentleman na tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Parang nasa kanya na lahat eh. Inibig nya rin ako kaya nagka kami. Masayang-masaya kami nuon, para na nga kaming perfect couple eh. Our relationship lasted for 1 year and a half until such time I saw him kissing a girl, that devastated my whole damn world. Nung namalayan nya ang presensya ko tumigil sila sa paghahalikan nila. Natulala ako, para bang pinagbagsakan ako ng mundo. Yung lalaking pinakamamahal ko ay may kahilikang iba. Kumikirot yung puso ko. Ang sakit-sakit eh. Naghintay ako sa sasabihin nya na winasak talaga yung mundo ko." tumigil ako dahil bumabalik lahat ng sinasabi nya. Parang nag e-echo. Umiiyak na ako.
"Okay ka lang Tat?" alalang sabi ni Gab sakin. Nag nod lang ako at pinatuloy yung kwento ko.
"Tat, this is Azalea Nixon. My new girlfriend, I'm sorry we're over. Yan ang mga masasakit na salita na binitawan ni Ryder sakin. Bawat salitang binitiwan nya nuon ay parang karayom na tumutusok sa puso ko. Hindi ko akalain na ipagpapalit nya ako dun sa Azalea na yun. Iniwan nila ako dun, dumbfounded. Umiyak ako ng umiyak, nawalan ako ng gana sa buhay ko at nawalan ako ng direksyon sa buhay ko. Mabuti nalang nandyan yung pamilya ko para damayan ako. Hindi na ulit sya nagparamdam sakin mula nung iwan nya ako. Until such time i saw him sa canteen. Bumalik lahat ng sakit, para bang nag flashback. Wala akong ibang naisip kundi tumakbo bago nya pa ako makita, makitang umiyak. Kaya sorry guys naabala ko pa kayo. Sorry dahil iniwan ko kayo dun sa canteen. Dpat kasi nag celebrate tayo eh kundi di lang dumating yung mokong na yun. Panira ng moment." iyak-tawa kung sabi sa kanila.
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
Novela Juvenil"Hi" dalawang letra, isang pagbati kung ikaw ay may ka texts. Pero ang simpleng pagbati ay naging simula ng isang tunay, simple at hindi makakalimutang pag- iibig. Sa text... doon kami nagkakakilala at magtatapos At nang dahil sa text, naging mas...