Chapter 3: hah? Bakit anong nangyari?
Benj's POV:
Mga 2 weeks pa lamang na MU kami ni sophie. Nawala agad,dahil sinabi sa akin ni Sophie na mahal talaga niya ang kaibigan ko na si Kyle. Pero kahit masakit tinanggap ko na lamang, dahil ayoko mawala ang pagkakaibigan namin ni Kyle at ayoko rin naman ipigpilitan ang sarili ko sa taong hindi rin ako type. Sayang lang ang gwapo ko sa kanya. Pero sayang din si Sophie maganda rin. Well marami pa naman diyang iba.
Sophie's POV:
Hayyysss.. Masama ba nasinabi ko lang yung totoo kay benj. Well pero parang ayos lang sa kanya at atleast sinabi kong yung totoo at hindi siya pinaasa, mahal ko naman talaga si Kyle ehh.. At alam kong ganun din siya sa akin.
"Baby? Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni kyle, pero bahagya akong nagulat.
"Oo naman. Saan tayo pupunta? sagot ko
"San mo ba gusto?...Sa simbahan para pakasalan na kita. " sabi ni kyle sa akin.
"Hayy nako loko ka talaga at corny pa!" Pero wag ka kinikilig rin naman ako. Hahaha.. Shhh!!! atin atin na lang yun. Hahah
"Wehh.. Aminin kinilig ka dun? " sabi niya sa akin
"Ewan ko sayo." Sabay lakad ko.
Kyle's POV:
Hi ako si Kyle Maquen. But you can call me Kyle or handsome.. Yabang eh noh? Totoo naman gwapo ako actually naka 24 gf na ako since elementary madami na nag aagawan sa akin di naman sa pagmamayabang. Pero masasabi ko lang makausap ko lang isang chicks mafa fall inlove sila agad sa akin o kaya kita pa lang nila. At lahat ng gusto ko nasusunod. At ni isa wala pang babae ang ayaw sa akin siyempre sa gwapo kong to at sweet kong toh.. At mala Daniel Padilla atah toh. Crush ng bayan. Hehe..
Like what I said makausap ko lang inlove na kaagad sa akin. Tulad nitong si Sophie, maganda at chicks pero parang hindi lamang siya ganun parang may something basta di ko maipaliwanag. Naging kami Sophie at pinili niya ako kesa sa kaibigan ko na si Benj. talaga ang barkada namin ay puro mga gwapings. Pero mas gwaping ako sa kanya siyempre. At ngayon magkasama kami at kumakain sa resto. Libre ko siyempre di lang ako gwapo mayaman pa, pero ang pinakamayan sa grupo namin ay si Benj madami silang resto at company. Well mas galante naman ako sa kanya.
Jane's POV:
Andito kami ngayon nina Jessica , Nika at Winnie sa mall. Hayy.. lakad dito gala doon.. Sukat ng damit tapos hahanap ng iba at hindi naman talaga bumibili. Trip lang namin boring sa mga house namin ehh.. Kaya gala mode kami. At habang naglalakad nakita ko si Sophie kasama...
"Uyy,, Jane di ba si Sophie yun?" Sabi ni Jessica sa akin.
"Oo nga noh? Sino yun kasama niya. OMG si kyle." Sabi naman ni winnie.
"Di ba MU sila ni Benj pero bakit kasama niya si Kyle ano kaya nangyari?" pagtataka naman ni Nika.
"Ewan ko. " sabi ko naman.
Halos nagtaka kaming lahat..
Hanggang sa pag dating ko sa bahay di ko pa rin maisip ang sagot.
"Ayos lang kaya si Benj?" Tanong ko sa sarili ko..
Pero hindi ko na muna inisip yun at may assignment pa akong sasagutan, kasi gusto matataas grades ko.
Kina umagahan...
(School)
Habang nakaupo ako, bigla na lang may bumulong sa akin.
"Good morning miss beautiful!"
At nagulat ako si .. .. si.....Benj.
"Ahhh.. Ehhh good morning din sayo" sabi ko sabay ngiti.
Di ko pa rin maiwasan mag isip na baka nahurt siya sa break up nila.. Ni...
"Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo?" Tanong sa akin ni benj.
"Aa.. Ako? Ayos lang ako." Sabi ko sabay ngiti.
"Ehh.. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan." pahabol ko.
" ohh.. Ayos naman ako. Ganda nga ng morning ko at maganda kaagad ang nakita ko " sabi niya sabay pout.
Ang cute niya talaga..
"Sus bolero ka talaga. Pero ok ka lang ba talaga?" Sabi ko. Pero deep inside kinikilig ako.
"Oo naman. Kung hindi ako okay dapat nasa ospital ako ngayon." Sabi niyang pa pilosopo.
"Ikaw sira ulo ka talaga." Sabi ko naman.
"Hindi ka ba nakulugnkot at nagagalit dahil wala na kayo ni Sophie?" Tanong ko sa kanya.
"Nalulungkot ng kaunti pero ayos lang atleast hindi ko pa talagang siyang minahal kung hindi baka hindi na ako pumasok dito, para maiwasan lang siya. " sabi niyang paseryoso
Kahit seryoso itsura niya ang gwapo pa rin niya.
"Ahh.. Buti naman at sorry to bring that back to you. Pero ano nga ba nangyari?" Tanong ko. Ng malungkot.
"Eehhh.. Kasi sabi ko magtanan na kami." Sabi niya.
At nagulat ako sa sabi niya. As in.
"Joke lang!! Hahahaahhahaha!!!!!! Nakakatawa itsura mo.. Haha. Sayang sana naivideo ko epic yun.hahahahahahahahah!!!!"
Sabi niya habang halos mamatay na siya sa kakatawa sa expression ko.
"Hhayyy.. Nakakainis ka. Niloloko mo ako ee.. Pero ano nga ba talaga ang nangyari?"
(Hayyy.. Mukhang talagang destiny ATAH sin benj at jane?)
BINABASA MO ANG
"Sino ba talaga?"
Teen FictionDesisyon, pag-ibig, kasiyahan, kalungkutan, pagsubok at pagsasakripisyo yan ang nararanasan natin sa pang-araw araw natin. This story will relate to each one of us teenager. Hope you enjoy it. :)