Prologue
Si Shavelle ay isang simple, masayahin at isang mapagmahal na anak at kaibigan. Masasabing isa siyang tipikal na dalagang Pilipina na walang ibang hinahangad kundi ang ikabubuti ng kanyang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagpapakasubsob sa trabaho ay hindi maiaalis sa kanya ang pagkahilig at paghanga sa mga celebrity lalong lalo na sa larangan ng musika. Ang kanyang pinakapaborito at talaga namang hinahangaan at kinahuhumalingan niya ay ang isa sa pinakatanyag na boyband ngayon hindi lamang sa Europe at Asia kundi sa buong mundo, ang bandang kinabibilangan nina Shane Filan, Mark Feehily, Nicky Byrne, Kian Egan at Brian McFadden, ang Westlife. Isa sa kanyang ultimate dream ay ang makita sila ng personal lalong lalo ang kanyang 'Man of her dreams' na si Shane.
Ano'ng meron sa kanyang nakaraan ang maaaring mag-ugat sa hindi inaasahang pagsisimula ng isang bago at kakaibang makulay na yugto sa kanyang buhay?