Chapter Two
"Good moring! Thank you for calling Forms Internationale! This is Shavelle, how may I help you?" masiglang pagbati ni Shavelle sa mga customers na tumatawag sa kanyang direct local o kahit pa sa local ng kanyang nga officemates tuwing may ginagawa ang mga ito.
Ganito halos ang kanyang ginagawa sa loob ng opisina sa loob ng halos dalawang taon niyang pagtatrabaho dito bilang isang Accountant. Ang una talaga niyang trabaho dito ay isang Sales Staff. Matapos ang unang kontrata niya dito ay nakuha niya ang pinakaaasam na posisyon. Ang totoo, masaya na siya kahit hindi na sana niya nakuha ng posisyon na iyon. Masaya na kasi siya sa naunang posisyon. Dahil doon ay nagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang iba't-ibang klase ng tao. Mga clients na nakakausap niya through phone o kahit pa sa personal. Madami din siyang kaibigan sa naturang trabaho dahil na rin sa kanyang angking kababaang loob.
Madalas din siyang mapuri ng mga bigboss dahil naman talagang pinagbubuti niya ang kanyang trabaho.
Mahal na mahal niya ang kanyang trabaho kahit pa may mas malalaking offer sa kanya sa mga private accounting firm.
"Shav, di ka pa magliligpit? Mag-uuwian na ah." ani ng kanyang officemate na si Janine.
"Hala! Quarter to 5pm na pala. Masyado kasi akong nalibang sa pagbabalance ng account ni Mr. Sy kaya di ko namalayan ang oras Ate Janine. Sige Ate, mauna na lang po kayo umuwi, tatapusin ko na lang 'to, ayoko na kasing balikan pa 'to bukas eh." sagot naman niya sa kausap.
"Sus! Ikaw talaga! Ayaw na ayaw na may naiiwang trabaho. O siya sige mauna na kami. Mag-ingat ka sa pag-uwe. Teka may sundo ka ba?" balik tanong ni Janine.
"Hmmm wala po Ate eh, nasa Cebu pa din siya until now." may bahid na lungkot na sagot naman niya.
"Ah, ganun ba? O sige na alis na kami at ng matapos ka na diyan sa ginagawa mo. Ingat ha?" si Janine.
"Sige Ate Janine, thanks! Kayo din po ingat, pakisabi nalang din kila Ate Bless." si Shavelle.
"Hayyyy.. Finally, natapos ko na din ito. Makakauwe na rin ako sa wakas!" sambit niya.
"Naku! 6:30 na pala! Pahirapan na namang makasakay nito. Friday pa naman ngayon." muling usal ni Shavelle at nagmamadali ng nagligpit ng kanyang mga gamit.
Pag labas niya ng naturang building ay nakita niya sa labas ang kanyang boyfriend na nag-aantay sa kanyang pag-uwi.
"Athan? A-ano'ng ginagawa mo dito? Sabi mo sa text message mo kanina ay bukas pa ang balik niyo?" sunod-sunod na tanong ni Shavelle kay Athan dala na rin ng pagkagulat na makita ito ngayon.
"Easy babe! Of course, gusto kitang surpresahin. At mukha namang umepekto di ba?" sagot ni Athan na nagpapacute pa at inabot ang bunbon ng rosas na kanyang dala.
"Eto ang pasalubong mo sakin galing Cebu? Eh madami din dito niyan eh!" pabirong sagot naman ni Shavelle ng abutin ang mga bulaklak na galing kay Athan.
"Andun pa po sa bahay, alangan namang dalhin ko pa dito? Halika na at baka maipit pa tayo sa traffic." sagot namn ni Athan..
At inalalayan na siya nitong makaangkas sa motorsiko ng binata.
Si Athan na kanyang boyfriend nang halos dalawang taon na ay classmate niya simula pa ng unang taon niya sa kolehiyo. Nung una ay magkaibigan lang sila. Pero pag tuntong nila sa ikatlong taon sa kolehiyo ay nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit sinagot niya lamang ito isang araw bago ang kanilang graduation. Nangako kasi siya sa sarili na magfofocus sa pag-aaral at saka na magboboyfriend. Halos lahat naman ng gusto ni Shavelle sa isang lalaki ay na kay Athan na. Mabait, mapagmahal, malambing, maaalalahanin at magaling kumanta. Plus factor na lang yung physical appearance nito.