Chapter Seven

56 5 7
                                    

       Maingay na sa loob ng Araneta Colesium ng pumasok sila Shavelle. Di pa man nagsisimula ang concert ay hiyawan at sigawan na ang maririnig mo sa mga taong nasa loob.

         "Grabe friendship! Di pa man din nagsisimula ang wild na ng mga tao dito!" si Yllah habang naglalakad sila papunta sa nakareserve na seat para sakanila.

        Maswerte sila at nasa frontrow sila. At nasa gitna sila ng frontrow kaya kitang-kita nila ang stage.

         "Ganda ng pwesto natin. Gitnang-gitna." masayang wika ni Adi ng makarating sila sa designated seats nila.

         "Kaya nga eh! Kitang-kita natin sila!" si Yllah na tila nawawala na naman sa sarili.

          "Oh baka umeksaherada ka na naman diyan mamaya ah!" si Adi ulit.

          "Ehr. Bakit ba? Minsan lang to noh! Pagbigyan niyo na ko." pairap na sambit ni Yllah.

        "Kayo talagang dalawa di na natapos kakaaway! Mamaya niyan magkatuluyan kayo ah?" pang-aasar ni Shavelle sa dalawang kaibigan.

        "Duh?! Over my dead beautiful and sexy body!" mataray pa ring sambit ni Yllah.

         "Asa ka naman noh!" patol naman ni Adi sa kaibigan.

        Naputol ang asaran ng magkakaibigan ng magsalita ang emcee na nagpasalamat sa mga sponsors at naghudyat na magsisismula na ang nasabing concert.

        Napuno na naman ng hiyawan at tilian ang nasabing concert hall. Hindi magkamayaw ang mga fans. Halos walang pakialam kung mawalan sila ng boses.

        Nakisabay na din si Yllah sa sigawan ng mga tao. Tanging iling naman ang nagawa ni Adi at Shavelle .

       Nakapagitna si Adi sa dalawang kaibigang babae.

       "Talagang pinagitnaan niyo ako eh noh?" si Adi na tila alam na ang mangyayare sa kanya mamaya.

        "Chill ka lang Adi, behave kame ni friendship promise!" si Yllah na nagtaas pa ng kanang kamay.

        "Behave niyo mukha niyo!" si Adi ulit.

        Muli ay nagsigawan na naman ang mga tao ng marinig nila ang intro ng kanta ng Westlife hudyat na lalabas na ito sa stage.

        "Wooooooooh!" malakas na sigaw ni Yllah na tumatayo pa.

         Pipigilan sana ni Adi si Yllah ngunit pinigilan din siya ni Shavelle.

         "Pabayaan mo na Adi, minsan lang naman ito eh." nakangiting sambit ni Shavelle sa kaibigan.

         "Para kasing baliw tong babaeng to eh!" naiiling na wika ni Adi.

        "Ok lang yan. Maggaganyan din ako mamaya." pabiro naman sagot ni Shavelle.

        Naputol ang pag-uusap ng dalawa ng lumabas mula sa ilalim ng stage sina Shane, Nicky, Mark, Brian at Kian upang simulan ang una nilang kanta para sa gabing iyon.

         "When you're looking like that .. That .. That .. That .. Yeah . Yeah .

         Muli ay umalingawngaw ang sigawan at hiyawan sa loob ng Araneta ng marinig at makita ang limang binata sa ibabaw ng entablado.

        Halos hindi na tumigil ang mga nakakabinging hiyawan ng mga oras na iyon.

        Halos magkanda paos paos na si Yllah sa kakasigaw lalo ng pangalan ni Nicky samantalang si Shavelle ay tahimik lang habang pinagmamasdan si Shane sa ibabaw ng entablado. Halos hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayare ito ngayon, na nakita na niya ang inaasam niyang makita noon pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love That Has Been .. Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon