SABADO. Nagising si Shavelle ng dahil sa isang panaginip. Napanaginipan niya ang gabing nag-usap sila ni Athan. Muli ay nakaramdan siya ng pangungulila. Halos tatlong linggo na nung huli silang nag-usap at wala pa rin siyang matatanggap na text message mula dito.
"Kamusta na kaya siya?" bulong niya sa sarili.
Isang tawag sa kanyang cellphone ang pumutol sa kanyang pag-iisip sa dating kasintahan.
"Hello friendship! Goodmorning! Nagising ba kita?" bungad ni Yllah sa kaibigan.
"No. Hindi naman. Kanina pa ako gising friendship. Bakit ang aga mo napatawag?" natatawang sagot niya dito.
"Kanina ka pa gising? Grabe excited ka sa concert friendship? Oh baka naman hindi ka na natulog?" tumatawang sagot naman ng kaibigan,
"Baliw ka talaga! Oo at excited ako para mamaya pero natulog ako no! Nag beauty rest nga ako kagabe eh!" pabirong sagot naman niya kay Yllah.
"Grabe talaga ang fighting spirit mo friendship! Hanga talaga ako! Wala ako ma say! Ikaw na talaga ang to the highest level ang fighting spirit!" eksaheradang sambit naman ni Yllah.
"Siraulo ka talaga! Di, ang totoo napanaginipan ko si Athan." wala sa sariling nasambit niya sa kaibigan.
"Oh what about him naman? Kelan pa pala kayo huling nagkita nun? Sorry friendship tagal na din pala natin di nagkausap. Masyado kasing busy sa opisina." hinging paumanhin ng kaibigan.
Matagal bago siya nakasagot. Hindi niya alam kung sasabihin na niya sa kaibigan ang nangyare na hiwalayan nila ni Athan.
"Ah.. A-ano friendship o-ok lang kame." pautal utal na sagot niya sa kaibigan.
"Parang hindi naman. Wait, pupuntahan kita diyan, naka leave ka naman ngayong araw di ba?" si Yllah.
"Osige ikaw bahala. Susunduin na lang ba tayo ni Adi?" muling tanong niya sa kaibigan.
"Ha? Ewan ko. Ano ba naging usapan niyo?" si Yllah.
"Wala pa eh. Sige I'll call him na lang later." si Shavelle.
"Osige friendship, magreready na ko dito tapos punta na ako diyan." si Yllah.
"Okie! Ingat friendship! Seeyah!" si Shavelle.
<---------->
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT.
Kasalukuyang bumababa ng eroplano ang mga miyembro ng pinakasikat na pop boyband sa buong mundo, walang iba kundi ang Westlife. Kasunod nila ang kanilang Tour Manager, mga staff at ang mga security. Hindi naman magkanda-ugaga ang mga fans na sumalubong sa kanilang pagdating.
"Woooh! The warm weather!" may ngiting sambit ni Shane.
"Yeahyeah! And look at the fans, they're screaming and shouting and going crazy as always!" natatawang sambit naman ni Brian.
"This is what I love here. The people are so amazing!" nakangiti ring sambit ni Mark.
"Yeah! The best crowd ever!" si Nicky.
"The best and the craziest!" natatawang sambit naman ni Kian.
Masayang kumakaway ang limang binata ng dumaan sila sa mga fans na naghihintay sa kanila. Di naman magkamayaw ang mga fans na naroroon para masilayan ang mga idolo.