Chapter Five

56 5 2
                                    

     "ARRRRGGHHHHHHH!" pasigaw na sabi ni Shavelle ng magising dahil sa tila isang magandang panaginip.

       Masakit na masakit ang kanyang ulo. Tila binibiyak ito.

       "Batang babae? Binatilyong naggangalang Shane? Pinsan? Tito? Tita? Sino sila? Totoo ba yun?" sunod-sunod na tanong niya sa sarili habang ipinipilig ang ulo sa magkabilang panig.

       Muli niyang inalala ang isang napakagandang panaginip. Ang mga karakter doon.

       Una niyang inaalala ang kanyang "pinsan, tito at tita."

      "May gosh! Hindi ko sila matandaan. Hindi ko sila kilala." iiling-iling na bulong niya sa sarili.

      Sumunod naman niyang inalala ay ang dalagita.

       "Ang mga mata niya, ang maliit nitong mukha at ang malalim nitong biloy sa kanang pisngi, hindi maipagkakailang ako nga ang batang babaeng yun sa aking panaginip." patuloy nito.

      "Panaginip lang ba yun? Bakit sa pakiwari ko ay totoo ang mga pangyayaring yun?" patuloy niyang sambit sa sarili at talagang naguguluhan na siya.

      At ang huli niyang inalala ay ang binatilyong itinatangi daw ng kanyang puso ayon sa kanyang panaginip.

       "Shane? Shane? Sino ka naman?" tila nababaliw na tanong niya pa rin sa sarili.

       Sa kakapaulit-ulit ng pangalan nito sa kanyang isipan ay tila may sariling isip ang kanyang ulo at kusa itong tumingala. At sa pagkakaktingala niyang iyon ay nakita niya ang malaking poster ni Shane na nakadikit sa ceiling ng  kanyang kwarto.

        "Oh my gosh!" tila nawindang na sambit niya sabay kuha ng malaking box na nasa ilalim ng side table niya.

       Isa-isa niyang inilabas ang laman ng box. Mga collection niya pala iyon ng pictures ni Shane simula nung bata pa ito na nakuha niya sa mga magazines at songhits. Inililabas niya ang isang picture na tila nasa 15-17 years old si Shane. At inalala ang mukha nung Shane sa kanyang panaginip.

       "My gosh! Si Shane nga ang nasa panaginip ko!" windang na bulong niya sa sarili.

       "Grabe! Ang lala na ng pagkahibang ko sayo Shane ah! Pati sa panaginip sumusulpot ka." naiiling at natatawang kausap niya sa poster ni Shane.

       Muli ay inalala niya ang kanyang panaginip. Panaginip na hindi lang isang beses na nangyare kundi dalawa na at magkadugtong pa.

        "Ok sige, andun si Shane. Nangyayare naman yun halos sa lahat ng tao na napapanaginipan nila yung mga kinahuhumalingan nila, pero sino naman yung isang family na andun? Na tinatawag kong tita, tito ay kuya? Tsaka bakit hindi parang hindi lang basta basta panaginip yun? Bakit  parang totoong pangyayare yun? Haaaaay.. Ewan! Sa sobrang excitement ko ata to sa concert nila. Wooh!" tila nababaliw pa rin na kausap niya sa sarili.

        Di na namalayan ni Shavelle na nakatulog na pala siya sa kakaiisip.

      <---------->

        KUALA LUMPUR, MALAYSIA.

        Isang araw matapos ang isang matagumpay na pagtatanghal dito ay napagkaisahan nina Mark, Nicky, Kian at sa pangunguna ng makulit at kengkoy na si Brian na iuloy na ang balak na pagpapaamin sa dinadala ng  kaibigan at kabandmate na si Shane.

       "How 'bout some clubbing guys?" kunwari'y tanong ni Brian sa mga kaibigan.

       Nagtinginan sila ngunit walang sagot mula kay Shane.

A Love That Has Been .. Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon