Chapter 1

314 8 1
                                    

Unfocused

Nakatunganga ako sa cafeteria namin, habang hinahalo yung iced tea na inorder ko. Bakit ganon? Parang.....

"Hoy, Nadine!" Sigaw ni Yassi sa harap ko habang pinitik nya yung ilong ko para mabalik ako sa wisyo.

"Nakikinig ako. Ano ka ba?" Inirapan ko siya. Sumipsip ako ng kaunti sa iced tea.

"Alam mo? Napapansin ko, lagi ka na lang tulala this past few weeks. May problema ka ba?" Nagtataka nyang tanong sa akin. Napaisip rin ako sa sinabi nya, totoong nawawala ako sa sarili ko, ni hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Pero napansin ko na hindi ako masyadong nakikinig sa klase, medyo bumababa yung mga nakukuha kong score sa test at ang tahimik ko. Hindi ito natural sa akin.

"Ah, wala. Napapaisip lang ako tungkol sa prelims natin. Andami tuloy gawain." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Kilala kita, kaya pwede ba? Wag ka ng magsinungaling sakin." Sabi niya habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Wala sabi." Nagkunwari akong may hinahalungkwat sa gamit ko, kahit wala naman talaga.

"Sigurado ka?"

"Oo. Sige na, pumunta ka na sa klase mo." Tinaboy ko sya para makapag-isip na ako ng maayos. Bestfriend ko siya pero di kami magkaklase, magkaiba kasi ang course na kinuha namin. Culinary ang kinuha ni Yassi, habang ako, Nursing.

Hindi ko gusto yung course ko pero ito yung pinakuha sakin ng parents ko, kasi madali raw ako makakakuha ng trabaho, lalo na't nasa ibang bansa na yung tita kong nurse.

"Osya, sige ha. Pero pag may problema ka, call me." Nagbeso siya sakin bago umalis ng table. Hay salamat. Nakapag-isa na rin ako.

Ako nga pala si Nadine Alexis Lustre, 20 years old. Graduating na ako dito sa college na pinapasukan ko, gaya nga ng sabi ko kanina BSN ang course ko. Simple lang ang pamilya namin, pero may kaya naman sa buhay.

Si Yassi, yung bestfriend ko since Grade 9. Hindi kasi kami magkaklase noong Grade 7 at 8 dahil magkaiba kami ng school na pinapasukan noon. May isa pa kaming bestfriend, si Donnalyn, kaso nasa Tarlac sya. Doon kasi ang hometown nya, pero we still keep in touch.

Narinig ko yung bell at nagdesisyon na gumala muna sa buong campus, wala naman akong last period kasi lumuwas yung teacher namin. Ayoko pang umuwi, hindi ko alam kung bakit pero mas gusto ko ngayong makapag-isip muna. Tungkol sa, nararamdaman ko.

Umupo ako sa bench malapit sa Engineering building. Maganda kasi ang view doon, medyo kita yung sunset at kung gusto ko pa magsenti habang nakatayo, mayroong paragola doon.

Okay, so ganito kasi yun. I don't know how to start pero the summary of my tragic story? Forbidden love. Hay.

Ang naaalala ko, naaalala ko ay nagkakilala kami noong Grade 4 ako. Nagpapatutor ako sa Filipino at Math noon. Tapos bigla siyang sumulpot sa may shelves, parang may hinahanap syang information dun sa mga libro.

Hindi ko rin alam kung bakit, biglang bumilis yung tibok ng puso ko, bumagal yung mundo ko. Nagslow motion ang lahat. Nagising lang ako nung bigla siyang tumingin sakin with his eyebrows crossed.

Nanlaki ang mata ko, at tumingin na lang uli ako sa ginagawa ko. Nangangatal yung kamay ko sa habang sinusulat ko yung sagot sa assignment ko sa Math.

"Nadine, tapos ka na?" Tanong ng tutor ko.

"Ah.. Ano po kasi, bigla pong...." Nawawala talaga ako sa sarili ko dahil sa nangyari.

"May masakit ba sayo?"

"W-wala po. Nalimutan ko lang po kung paano po ulit ito gawin." Ngumiti ako at napatawa ng kaunti sa white lie na sinabi ko.

Lalong tumindig ang balahibo ko noong lumagpas siya sa table na sinusulatan ko at nagdire-diretso sa loob ng bahay.

Stuck (A JaDine FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon