When I see you again
It's been a long day, without you my friend, and I tell you all about it when I see you again.
Tugtog ito sa cellphone ko habang hinihingal akong tumatakbo sa park. Nayamot ako kaya pinatay ko ito.
Masyado akong busy sa trabaho kaya naisipan ko na magwalking na lang tuwing umaga, kasi di na ako makapagwork out tuwing hapon.
Nang makauwi ako, naaamoy ko yung cinnamon powder mula sa kusina. At nang silipin ko ito, nakita ko si Tita na katulong si Donna na magluto.
"Oh, hija. Nandito ka na pala. Malapit na ito matapos. Bumili kasi ng cinnamon powder itong si Donna, at naisipan naming ilagay sa favorite mo."
"Talaga po? French toast po ba yan?" Sinilip ko ito at nakitang iyon nga ang ginagawa nila.
"Of course, bes! Alam na alam ko namang mahilig ka dyan, so since pagod ka, naisipan ko na gawan ka namin nito." Sabay pacute ni Donna.
"Diba? Ang sweet namin. Hihi. Kailan kaya ako ipagluluto nitong si Donna?" May halong pang aasar na tono ni Yassi.
"Hay nako. Di na mahalaga kung kanino inilaan yang pagluluto. Basta nakain tayo." Biro ko kay Yassi.
After we ate our breakfast, naligo na ako at naunang umalis kay Donna papuntang clinic.
Pinagshift kasi siya ni doc na 2 hours late sa original time ng shift namin. Kasi masyado raw mapepressure si Donna sa trabaho, lalo na't first time palang nya.
As usual, maraming pasyente. Nung maglalunch na kami, di ko makasabay si Donna since late sya maglalunch kasi late ang shift nya. Kaya nagdecide na lang ako na kumain mag-isa.
Naglakad lakad ako ng may kalayuan para lang makakain ng Japanese food. Miss ko na kasi yun e, lalo na ang ramen at teriyaki. So I ordered chicken teriyaki ramen. Two of my favorite things. Haha. Sorry redundant.
Puno yung reestaurant kaya medyo nahirapan ako maghanap ng table. Ginala ko na halos ang buong restaurant hanggang sa nakakita ako ng table for two na iisa lang ang nakaupo.
Lalaki sya, nakabrush up ang buhok at nagbabasa ng Manga, di ko makita ang itsura nya since medyo nakatakip yung libro sa mukha nya, habang inuutay utay yung California Maki nya.
Wala akong pakialam kung di ko sya kilala, gutom na gutom na ako kaya kailangan ko na kumain.
"Uhm, do you mind if I share with you?" Tanong ko sa lalaki.
"No, not at all." Medyo husky yung voice nya.
Umupo na ako at nagpasalamat. Habang sya, uminom ng Japanese tea habang nagbabasa pa rin ng Manga.
Curiousity kills me, kaya di ko maiwasang tingnan sya habang nakain ako.
Ibinaba niya yung libro nya kaya tumungo kaagad ako at nagkukunwaring kumakain ng nori mula sa ramen ko.
"Nadine?" Dawhat? Ganto ba ako kasikat para makilala ng mga tao dito.
"Uhm, hello?" Teka nga. Kilala ko yang boses na yan a? Wag mo sabihing.....shet.
Tumunghay ako at confirmed. Si James nga. Hay nako. Kung minamalas ka nga naman o?
"O-oy!" Nagfake smile ako. Binitbit ko yung tray na kinakainan ko. At nagpaalam ako sa kanya na lilipat na lang ako ng ibang table.
"Hey, hey, there's no need for that." Pinigilan nya ako at pinaupo ulit ako. No choice. Urgh.
"Sigurado ka ba? Okay lang talaga. Pwede naman ako humanap ng ibang table." Pagpipilit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stuck (A JaDine FanFic Story)
FanfictionMatapos ng lahat ng nangyari sa kanila, inakala ni Nadine na nakalimutan na nya ang nararamdaman niya para kay James, pero sa isang iglap lang ay muling bumalik ang lahat ng kanyang nararamdaman para sa kanya. Paano? Alamin.