Chapter 5

78 7 4
                                    

Tamang hinala

I woke up so late now. Kasi masyado akong late natulog kagabi, after naman kumain ni Yassi ay nagkuwentuhan muna kami.

I didn't tell her about what happen. Yung nagkita kami ni James.

Nagdesisyon ako na kalimutan ang nangyaring yon. Kasi once lang naman kami nagkita, so it's meaningless right?

"Girl! Ano ba at tulala ka na naman dyan? I think you need a psyhcologist." Biro sakin ni Yassi.

"Hindi no. Pagod lang ako." Umubob ako sa kama ko. Wala pa akong ginagawa pero pagod na pagod na ako.

Pagod na pagod na akong mag-isip ng mag-isip tungkol sa kanya. Bakit ba anlakas ng effect sakin nung nagkita kami?

Mahal ko pa ba sya? Hindi naman siguro.

"Hey, do you mind if I ask you something?" Nakakatense naman to e.

"Ano yon?"

"Pano naputol agad-agad ang communication niyo ni James?" Nababasa ko sa mga mata nya na gustong-gusto nyang malaman ang sagot.

"Urgh. Kailangan ko ba talagang sagutin yan?" Humiga ako ng ayos, placing my feet over my headboard.

"Bakit ba ang bitter mo?" Binato nya ako ng unan.

"Tingnan mo to, di ko pa nga nasasagot ang tanong nya. Tanong ulit ang ibibigay sakin." Pagbibiro ko. Hays. Sige na. I'll tell her.

"Osige na. Baka magtampo ka pa." Umupo ako ng maayos. I faced her.

"Diba, nalaman nga ng mga magulang namin yung nangyari samin? Eversince then, pinagbawalan akong makipag-usap sa kanya. Kasi my parents believed na masama ang mayroong obsessed sayo."

"Woah. Wait. Obsessed?! How come? Ano ba mga sinasabi sayo ni James?"

"Magkakaiba naman ang pagtingin natin sa buhay at sinasabi ng mga tao e. Well, he was always begging to talk to me and binabalaan niya ako na kapag di ako nakipag-usap sa kanya, he will kill himself."

"Ganda mo ha? So, ano nga? Straight to the point."

"For short, everytime he sends me a message. Di ko viniview or siniseen. I'll open his message when I see that he is offline."

"So? Nakaya mo?"

"Kinaya, bes. Kinaya is the right term."

Tumabi sakin si Yassi at naramdaman ko na may itatanong na naman sya.

"Feel ko naman na mahal mo pa sya e."

"Dati." Inirapan ko sya at nagkunwaring may ginagawa sa kuko ko.

"Okay fine. Dati. Pero sakin lang, pano mo nakayang iwasan sya kahit alam mo sa sarili mong hindi mo kaya?"

"Uhm, siguro sa takot na lang sa mga magulang ko at respeto sa sarili." Lumabas ako ng kwarto namin at kumuha ng tubig sa labas. Ayoko ng sagutin ang mga tanong nya.

"Uhhkay. Wala ba syang iniwang pangako sayo?"

Napatigil ako sa tanong nya. Sa totoo lang, meron.

"Bakit mo naman naisip yan?" Hinarap ko habang umiinom ng tubig.

"Wala. Syempre mahal ka nung tao, may ibibigay syang pangako sayo."

"Promises are meant to be broken naman. Saka dati lang nya siguro promise yun sakin."

She sat on the chair in our dining table. Para bang may nakahandang listahan tong babaeng to!? Alam na alam niya yung mga itatanong sakin.

"Pero umaasa kang gagawin pa nya rin yon diba? Kahit papano?"

"S-siguro. Kahit konti. Pero hindi ako naasa, confused lang kung gagawin niya or hindi. Matagal na panahon na rin ang lumipas e."

"Ah."

Nanahimik sa dining room. Umupo ako malapit sa kanya at nagbukas ng snacks.

"Pero alam mo? Dati, sa mga kaibigan ko na kaclose rin nya. Umaasa silang may second chance kami."

"Feel ko nga rin yan e. Yung tipo bang almost perfect na ata kayo? Swerte mo nga e. Nag eeffort sayo yung lalaki."

"Naisip ko rin yan, Yass. Pero diba, alam mo ba yung feeling na, forever na talaga to pero parang feeling ko may hahadlang pa rin."

Nakakainis talaga si Yassi. Dinaragdagan na naman ang isipin ko sa buhay. Ang plano ko is to live a life here at Singapore and to live happily.

"Haynako, sobrang dami naman kasi talaga ng kontrabida sa panahong yun."

Pinanliitan ko sya ng mata.

"So sinasabi mong antagonist sina mommy? Ha? Sira ka ba?"

Napatawa sya. "Hindi, I mean sa ganong aspect totoong kailangan mo silang sundin. Kasi nga magulang mo sila. What I mean is, kontrabida as in mistakes."

"Alam mo sana ganan ka na lang lagi katino, no? Ansarap mo kausap e." Tinawanan ko sya at sumubo ako nung snack.

"Pero hindi talaga ako naniniwalang hindi mo na sya mahal." Ngumibit ako.

"Hindi ko naman talaga sya kakalimutan kung hindi nya sinabi sakin na...."

"Na ano? Nakamove on na sya? Duh?! San ka naman nakakita ng magnanakaw na naamin diba!? Syempre palusot lang nya yun."

"Chill ka lang, sya na rin ang may sabing may nagugustuhan na sya ng mga panahong yun. Baka nga sila na ngayon nung babaeng yun e."

Umirit si Yassi ng sobrang lakas. Halos dumagundong sa buong room.

"Girl!? Di ako papayag nun! Pwede bang gumising ka sa reality!? Ha!? Malay mo pinipilit lang nya na gusto nya yun at talagang mahal ka pa rin nya? Malay mo denial lang sya!?" Galit na galit na pag eexplain nya.

"Hayaan mo na kasi. Tapos na yun. Saka isa pa, ako rin naman ang may kasalanan sa lahat e." Pag-amin ko sa kanya ng di tumitingin sa kanya.

"What do you mean?"

I looked at her ng may pabanta. "Alam mo, never mind okay?"

Umalis na ako para maiwasan na yung mga tanong nya. Sumigaw sya para pigilan ako pero nagbingi bingihan ako.

Kasi naman! Pag tinatanong ako about sa past ko, lagi ko na lang naiisip uli. Tss. Yassi talaga.

About that, bakit kami nagkita uli? May reason ba?

Sinampal-sampal ko yung sarili ko at tumingin sa salamin.

"Whoo. Hindi Nadine, walang kinalaman ang destiny sa pagkikita nyo."

Destiny? Yuck. Bat ko ba nasabi yon?

"Baka naman sinundan ka nya?" Nanlaki yung mata ko at sinabunutan ang sarili ko.

"Waaaah. Hindi hindi. Assumera mo naman Nadya! Nakakastress naman e!"

Lumipas ang 3 araw at hindi ulit kami nagkikita ni James. Lagi akong tumitingin sa entrance at inaabangan ko sya kung papasok ba sya sa clinic ko hindi.

Napapagkamalan na akong timang ni Doc e. Kakatingin doon.

Nung narinig kong bumukas yung entrance door, napatingin ako.

Nagbuntong hininga ako, akala ko siya na e. Teka, bakit mo ba sya hinihintay? Magtrabaho ka na nga.

"Thank you very much, doc." Ang gwapo naman nung boses nung lalaki, may puntong Australyano--- Wait. What!?

"No problem, Mr. Reid. Come again next time okay? Even though you don't have any complications in your body." Ani doc.

"Well, I'm probably just a health concious type of person. I gotta go, doc. See you."

Lumagpas sya sa kinatatayuan ko pero hindi ko sya tinitingnan. Tumalikod ako at naglakad ng mabilis, pero natisod ako at nailaglag ko yung mga gamit ko. Sht! Tanga mo Nadine!

"Let me help you with that." Rinig kong sabi nya habang naririnig ko rin yung mga yabag ng paa nya. Here it goes.

Stuck (A JaDine FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon