The Truth
"Hay nako, Lex. Nakakainis yung teacher namin! Alam na exams kahapon hindi sumipot. Kukuha tuloy kami ngayon! Imbis na nagrerelax na ako at nakain, wala! Mag-aaral na naman ako. Psh." Inis na sabi ni Yassi.
"Hayaan mo na, para sa inyo din naman iyan e. Haha." Sagot ko kahit hindi ako nakatingin sa kanya dahil nagfocus ako dun sa phone ko, nagsscroll ako sa account ko dahil lunch break naman.
Nagulat ako doon sa nakita kong throwback picture na inedit noong kabatch ko nung Grade 8 ako. Nakacollage siya, puro pictures namin ni James. Napansin ito ni Yassi at napa-'omg'.
"Diba yan yung ex mo?" Pinatahimik ko siya, ang ingay-ingay e. Baka marinig pa kami nung ibang chismosang estudyante.
"Oo, pero matagal na yun." Iniscroll ko na ulit yung feed ko pero nakialam si Yassi at hinablot sakin upyung phone ko.
"Oh my god girl, umamin ka, mahal mo pa rin siya ano?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
Hinampas ko siya at kinuha yung phone ko sa kanya.
"Tumigil ka nga diyan!" Naglog out na lang ako, baka kung ano pang magawa ko sa cellphone ko kapag patuloy kong tiningnan yun.
"E ano ba kasing nangyari? Bakit kayo pinaghiwalay ng parents niyo?" Nagcross arms siya at para bang hinihintay yung sagot ko. Umirap ako sa kanya. Napakadaldal talaga nitong babaeng to.
"Sasabihin ko, pero umupo ka at makinig ka. Kung hindi tuturukan kita ng pampamanhid." Pagbabanta ko sa kanya.
"Sige na! Sige na! Sakay kita sa eroplano tas ipapadala kita sa Syria e." Pabulong niyang sabi.
"May sinasabi ka?" At tinutukan siya ng syringe.
"Wala, sabi ko magkwento ka na diba, bes?" Nagpacute siya at nagfake smile.
"Psh, osige, pero bago ang lahat, mangako ka muna na hinding hindi mo ipagkakalat?"
"Over my dead hot sexy body." Sabi niya habang nakahalumbaba.
"Ano ba yan, hindi sincere." Pagbibiro ko sa kanya.
"Andami mong echos! Sige na!" At biglang nagring yung school bell.
Napahinga ako ng maluwag, sa totoo lang hindi pa kasi ako handang umamin sa kanya kung ano ba ang talagang nangyari kung bakit kami naghiwalay. Masyado kasi siyang private, baka kapag sinabi ko sa kanya yung totoo, ikasira ko pa ito or worse. Mag-iba ang tingin niya sa akin.
Mahirap naman yun para sa akin syempre, yung kaibigan ko mawawala sakin? Ayoko na maramdaman yun. Sobrang hirap na ng panahon ngayon e.
I walked across the hall at pumunta na sa classroom ko, buti na lang at wala pa yung prof namin.
After 5 minutes, dumating na nga yung prof namin, walang dalang gamit. "Class, your dean has decided na-icancel muna ang klase niyo ngayon since kakatapos lang naman ng exams niyo. She wanted to tell all of you na magrelax muna. Okay?"
"Maam?" Nagtaas ng kamay yung kaklase ko.
"Yes, Mr. Rivero?"
"Lahat po ba ng college students? Cancelled ang klase?"
"Uhm, yes. So pack up, and you may now go."
Hay salamat. Buti naman at naisipan nila na pagpahingahin kami. Sobrang stressful naman kasi masyado yung ginagawa namin e. So 'yon, umuwi na lang ako. Kaso may natanggap akong text galing kay Yassi.
From: Yass
Bes, punta ka sa bahay. Sleepover tayo. No classes naman 'til tomorrow diba? :) See you! xx
BINABASA MO ANG
Stuck (A JaDine FanFic Story)
FanficMatapos ng lahat ng nangyari sa kanila, inakala ni Nadine na nakalimutan na nya ang nararamdaman niya para kay James, pero sa isang iglap lang ay muling bumalik ang lahat ng kanyang nararamdaman para sa kanya. Paano? Alamin.