Assuming
"Let me help you with that." Ani nya habang naririnig ko ang mga yabag ng paa niya. Here it goes.
Pumikit ako ng mariin at sinubukang tumayo.
"Thank you, young man." Ano? Tumingin ako sa direksyon na kinaroroonan nya, and he helped out that senior citizen.
"You're welcome. Just be careful on your way home. Okay?" At inakay niya ito palabas ng clinic.
Hays! Buti na lang at hindi nya ako napansing nagdagasa. Juice colored! Isang malaking himala to.
"Okay, Ms. Bartolome. You are hired." Rinig ko mula sa office ni Doc. Mysha Kuan, yung co-doctor ni Doc Lim.
"Haha, thank you very much!" Teka? Parang kilala ko yung tono ng boses ng babaeng to a? Parang Pinay ang punto.
Pagkalabas niya, iniluwa ang pinakamahinhin kong kaibigan.
"NADINEEEEEEEEEEE!" Irit ni Donna with matching talon sa kinatatayuan nya. At niyapos ako.
"Donna! Omygod!" At niyapos ko rin sya. Sabi sa inyo e, mahinhin sya. Muntik na nga magkaroon ng nakakabinging katahimikan e!
"Kamusta ka na?" Tanong nya pagkabitaw sa yapos sakin.
"Haha. Eto nurse rin katulad mo." Ngumiti ako. Namiss ko tong babaeng to.
"Really?! So magkatrabaho na tayo! Mygosh! Saan ka nakatira?"
"Uhm, sa Sembawang. Dun sa bahay ng tita ko, ikaw?"
"Eh, wala pa nga e. 1 week na nga ako doon sa hotel sa may Sentosa." May halong pagpaparinig yung tono nya.
"Haynako, Donnie. Kilala ko na yang mga salitain mo. Sige na, dun ka na tumira sa bahay namin ngayon."
"Yehey! Balita ko kasi kasama mo si Yassi don e. Right? Para kompleto na rin tayo!"
"Pero, hahati ka rin sa bayad sa gastusin ha?" Pambibiro ko sa kanya.
"Sure! Kung gusto niyo, ako pa ang chef nyo e?"
Magaling kasi magluto tong si Donna, akala ko nga sya ang mageHRM samin e. Di ko alam yung reason kung bakit nurse din ang kinuha nyang profession.
Nang makarating na kami sa bahay, nauna pang pumasok si Donnalyn. Grabe sya.
"YASSI!" Sigaw ni Donna. Syempre, di magpapahuli itong si Yassi.
"DONNALYN BARTOLOMEEEEEEEE! JUSMIYO! BAKIT NGAYON KA LANG?" Ano? Alam nyang pupunta to dito?
"Alam mo namang lagi akong nasa puso mo e! I miss you girl!" At sabay silang umirit at nagtatalon.
"Hoy mga bakla! Alam mo Yas, na pupunta sya dito?" Grabe lang nakakagulat na nakakainis. Kung ganito ba naman araw-araw ang kasama mo sa bahay, di ba maluluka ka?
"Uhm, oo. Hihi. Sabi nya kasi naghahanap daw sya ng mapag aapply-an na clinic. Sabi ko sa Raffles sa may Bedok. Kaya yun, sabi ko iapproach ka na makitira sa bahay natin." Nagpeace sign si Yassi.
"Ay. Wala na naman akong choice. Sige na. Sama sama na tayo." Biro ko sa kanila.
Habang nagkukwentuhan yung dalawa kong napakapeaceful na kaibigan, ako nagsscan sa news feed ko.
Then I saw his name again. Binilisan ko yung pagscroll, pero parang naging interesado ako sa post nya.
Picture ito na may nakalagay na quote.
"I really wanted to talk to you, I just don't want to be ignored." Natulala ako sa screen ng phone ko.
Nagising na lang ako ng hinablot nina Yassi yung phone ko.
BINABASA MO ANG
Stuck (A JaDine FanFic Story)
FanfictionMatapos ng lahat ng nangyari sa kanila, inakala ni Nadine na nakalimutan na nya ang nararamdaman niya para kay James, pero sa isang iglap lang ay muling bumalik ang lahat ng kanyang nararamdaman para sa kanya. Paano? Alamin.