Chapter 3

100 6 0
                                    

After

Sobrang bilis talaga ng panahon, parang dati nangangarap lang ako makagraduate, pero ngayon heto na. Aalis na nga ako papuntang ibang bansa e.

Pupuntahan ko na 'yung tita ko na nasa ibang bansa at doon ako titira kasama siya at syempre pati si Yassi.

"Nads, kahit alam kong magkasama tayong aalis. Nalulungkot pa rin ako." Ani Yassi habang nakahalumbaba.

"Bakit naman? Ayaw mo ba sa Singapore?"

"Hindi naman sa ayaw, e kasi nafifeel ko na magiging busy tayo parehas don gawa ng trabaho. Baka mawalan na tayo ng quality time for each other." Nagmake face sya na parang batang nag-iiyak.

"Sira ka talaga. Syempre gagawa at gagawa pa rin tayo ng oras para sa isa't isa. Hindi pwedeng hindi no!?" Kinuha ko na yung maleta ko para mailagay na sa sasakyan.

"Siya nga pala, bakit hindi ka sumunod sa mama mo sa Dubai?" Pagtataka ko ng makasakay na kami. Tinanong ko kasi si Yassi kung saan sya magtatrabaho, sabi niya sasama raw siya sakin.

"E, kapag kasama ko sila doon. Wala akong freedom. Pero kapag kasama kita, makakapagdecide ako para sa sarili ko."

"Bakit naman? Malaki ka na. Siguro naman enough reason na yun para pagdesisyonin ka para sa sarili mo diba?" Nagkibit balikat lang siya at sumandal sa balikat ko.

Ako ang kinakabahan para sa sarili ko e. Hindi ko kasama sina mama sa Singapore, baka mamaya kung anong isipin nilang ginagawa ko dun.

"Anak, mag-iingat ka doon ha? Always keep in touch with us. Kung saan ka man pumunta, magpaalam ka muna sa tita mo. Naintindihan?" Paalala sakin ni mommy.

"Yes po." Ngumiti ako sa kanya.

"Daddy. Mamimiss po kita." Niyapos ko si dad ng sobrang higpit.

Pero pag bitaw ko, nakasimangot siya.

"Wag ka muna magboboyfriend ha. Wala kami sa tabi mo. Wag na wag kang gagawa ng kabalastugan mo doon." Utos ni daddy sakin, hanggang ngayon siguro di pa rin niya nakakalimutan yung nangyari sakin nung High School ako.

"Tita, we have to go. Last call na po para dun sa flight namin. Don't worry po. Aalagaan ko po si Nadine." Sincere na sabi ni Yassi. If I know, siya pang aalagaan ko don.

"I can't believe na di pa rin makaget over yung daddy mo dun sa boyfriend thingy mo." Huminga ako ng malalim matapos ko ilagay yung baggage ko dun sa lalagyan.

"I mean, it's been like 6 years na nga ba? Hays. Parents." Pag-irap niya at naglagay agad ng blindfold sa mata.

Inalis ko ito para mainis siya.

"Wag mo nga muna ilagay yan! Di pa nga nagtetake-off yunh eroplano e. Tutulog ka na agad?" Pang-aasar ko.

"Ano ba? Sige na nga. Anyways." Ito na naman siya, magtatanong na naman siya tungkol sa nangyari samin nung ex ko.

"Hindi ako interesado."

"What the- come on. Kung talagang nakamove on ka na, dapat komportable kang pag-usapan siya. Bitter." Hinampas niya yung balikat ko.

"E, wala ako sa mood e. Saka isa pa, baka nasasamid na yun kasi lagi na lang natin pinag-usapan." Pagdadahilan ko lang yan. Ang totoo niyan.....

"Whatever, Naddie. Basta feeling ko love mo pa rin siya."

Ang kulit talaga nito. After ilang hours naglanda na rin yung sinasakyan namin plane sa airport. Pag-apak ko sa lupain ng bansang yon, nararamdaman ko na ang bagong hakbang sa buhay ko. This is it.

Stuck (A JaDine FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon