Chapter 3: The Truth

11 1 1
                                        

Tyler's Pov

Mag damag akong nagiisip kong pano ko sasabihin sa kanya. Pinagpraktisan ko din para naman medyo romantic. Wala lang, gusto ko lang hehe. Kinakabahan talaga ako.

Naisipan kong puntahan si angel sa bahay nila para sunduin. Sinabi ng mama niya maagang umalis papuntang skwelahan. May gagawin sigurong importante yun kaya napaaga. Busing tao yun eh. Pag-aaral lagi inaatupag. Simula pa nung mga bata palang kami, ganyan na yan siya. Sa aming apat siya yung napaka mahilig sa pag aaral.

Oo, apat kami mag kakaibigan noon. Nakakalungkot sabihin, pero namatay yung kaibigan namin. Dahil sa insedenteng di namin makalimutan. Kitang-kita pa naming tatlo ang masaklap na nangyari sa kaibigan namin. Parang nagkaroon nga kami ng masaklap na trauma nun. Kasi yung kakambal ko, iiyak na lang ng wala sa dahilan. At minsan napapaginipan niya pa yung pangyayari, malaki talaga epekto nun kay Tylene. Naaawa nga ako sa kapatid ko eh. Mabuti nga di 'ganun nangyari sa amin ni Angel, pero tindi ng iyak niya ng makita niya yun at sa burol ni Denise. Pero kahit ganun nakakayanan niyang labanan yun. Siya pa nga tumulong sa amin.

(Flashback)

"*hik* okay lang toh Tyler, Tylene *hik*" Sinasabi niya yan habang umiiyak. Sabi niya na okay lang pero hindi. Alam ko naman na sinasabi niya yan para di na kami malungkot.

"Waaaaaaa" Umiiyak na naman si Tylene.  Kawawa talaga mashado yung kapatid ko. T_T

"Wag kana *hik* umiyak Tylene *hik* tahan na." Pagtatahan ko sa kanya habang hinahimas-himas yung likod niya at punas ng mga luha sa mga mata ko.

"Alam niyo, hindi maganda na makikita tayo ni Denise na nagiiyakan tayo at nalulungkot. Malulungkot din si Denise niyan. Wag na tayong umiyak." Sabi niya. Kahit kailan talaga di niya kami pinapabayaan.

"Pano mo *hik* nasasabi yan? Di na niya tayo nakikita patay na siya huhuhuhu" - Tylene.

"Oo nga't patay na siya, pero di natin alam andiyan lang siya satin pinagmamasdan tayo. At alam kong di siya masaya na nakikita niyang tayong ganito. Naiintindihan mo bah ako Tylene?" Tama nga sinabi ni Angel. Di magandang nakikita kami ni Denise ng ganito.

"Tama si Angel, Tylene. Tahan kana, magagalit at malulungkot diyaan si Denise. Sige ka."

"Ha? Ganun bah? Sige sige di na ako iiyak." Binigyan niya kami ng weak smile. Na may namumuong luha pa sa mata niya.

"Basta, kahit wala na ang isa sa atin. Dapat buo padin tayo ha? Ipakita natin kay Denise na kahit wala na siya masaya padin tayo." Paglalakas loob niya. Kahit maluha-luha na yung mata niya habang sinasabi niya yun.

Siya palagi tumutulong sa amin kung nalulungkot kami, tinutulungan niya kaming sumaya kahit anong problema man yan. Bale, siya yung clown sa amin haha. Pero di naman siya mukang clown.

(End of flashback)

Kaya di mo masisisi kung bakit ka nagkaroon ng kaibigan katulad niya. Parang kapatid na nga turing namin sa kanya eh.

Sa sobrang day dreaming ko, di ko na napansin na amdito na pala ko sa tapat ng skwelahan namin. Medyo madimi-dami na ding mga estudyante ang nagsisipasukan. Tumunog na yung bell hudyat ito na magsisimula na ang klase. Nagmadali na din akong pumasok para di malate. Terror kasi yung professor namin.

Pagkapasok ko sa classroom namin. Nakita ko agad ang mala anghel na mukha ng kaibigan ko. Tumabi naman ako sa kanya at agad naman niya akong binati at ganun din ako sa kanya.

May napansin ako ngayon, tahimik ata siya? Di'ako sanay na ganito siya. Ng di ko na talaga mapigilan binasag ko na yung katahimikan." Bakit ang aga mo ata pumasok?".

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Wala ata siya sapag iisip. "Ha? W-wala lang, may inaasikaso pa kasi ako." Nauutal naman niyang sabi.

May hindi talaga tama eh, may problema kaya siya? Bakit di niya sabihin kung may problema siya? Baka makatulong pa ako." Okay ka lang bah?". Di ko alam kong bakit ganun na lang lumabas sa bibig ko. Di ko mapigilan di mag alala.

"Ha? O-oo, okay lang ako." Binigyan niya ako ng ngiti na tila hindi sincere para sa akin. "M-may dumi bah ako sa m-muhka? Bkit ganyan ka makatitig?"

Di ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya. Kaya umiwas agad ako ng tingin at sakto dumating na yung professor namin.

-----------------------------------------------------------------------

Angel's Pov

Bakit 'ba ako nauutal? Napabuntong hininga na lang ako.

"Class dissmiss." Sabi ng professor namin. Ganun na lang yun? Wala lang man akong na intindihan sa buong klase. Lutang na lutang talaga ang pag-iisip ko.

Di ko talaga hindi maisip yung tungkol sa sasabihin nila nanay at tatay. Naeexcite ako na kinakabahan, kasi parang may malalaman ako na hindi maganda. Wala lang, kutob ko lang yun. May lahi ata akong manghuhula eh. Tsk.

Lumabas ako sa agad sa classroom at pumunta sa canteen. Di naman ako bibili, kakain lang ako dun. May dala naman akong baon. Isang itlog at kunting kanin. Oo mahirap kami, pero di ko kinakahiya ito kasi sariling sikap namin ito. Di katulad sa iba na ninanakaw lang. Minsan nga nag-uulam lang kami ng asin. Kawawa nga mashado yung mga kapatid ko.

At tska, yun din dahilan kung bakit wala akong mashadong kaibigan dito sa school. Kasi daw, ayaw nila saakin kasi mahirap at mabaho daw ako. Kahit di naman ako mabaho. Kaya ginagawa ko na lang ngayon. Nagsisikap mag aral. Dahil darating ang panahon yayaman din ako sa sariling sikap ko.

Tahimik naman akong kumakain mag isa.

"Angel? Is that you? Bakit ka nag iisa? Asan si Tyler?" Naisip ko...
Hala?! Oo nga noh? Bkit ko 'ba siya di hinintay? Naku namn.

"Ha?? Ah ehh.."

"May problem bah angel?" Tanong niya. Di ko naman pwede munang sabihin. Dun na lang pag nalaman ko na.

"W-wala. Kain tayo." Napatingin naman siya sa pagkain ko. May problema 'ba dito?

"Sige sige ^___^." Yan gusto ko sa kanya! Di mapanglait. Kaya mahal na mahal ko toh eh.

Ningitian ko lang siya at tiningnan hanggang sa kumain na rin siya. I didnt expect , i could find a friend or should i say a bestfriend like her. Also her twin brother too , Tyler. They're both are special to me. Teka? Bakit ba ako english ng english? Ang pagkakaalam ko wala 'toh sa lahi naming mga Cruz. Nadadamay na tuloy ako sa english english ng kambal na 'toh. Haist!

----------------------------------------------------------------------

A/N: sorry guys, i need to cut it na. Kasi , sinadya ko lang talaga. Hihi
Peace yow *killer smile activated* (ノ^o^)ノ xD

#CutieBearyHot20

~Bear~







Meet Her BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon