chapter 7

113 1 0
                                    

  1:48 AM 21/6/2015
ako nga pala si aluvia daily,
22 yrs old call center agent
ng isa sa mga high end na
company sa bansa ngayon..

ako na siguro yung taong
masuwerte at pinagpala ng
Diyos dahil sa laging
tumatama ang rest day ko
twing sunday at saturday..

twing weekends is always like
a party simula ng sinubukan
kong bumukod sa pamilya ko.

anu bang dahilan ko
kung bakit ako bumukod?
irritable kasi ako
sa mga payo ng aking
magulang..

sa nature pa lang ng
trabaho ko na call center
agent araw araw makaresib ka
ng mga reklamo sa subscribers..

suwerte na lang na pagkatapos
mo matulungan ang subscribers eh
maghahanap ng supervisor para
ikomenda ko dahil sa nagawa mong
tulong sa kanila..

pero madalas talaga ay reklamo
na kung sisihin kanila ay
parang gusto mo ng mabaon sa
kinauupuan mong adjustable chair..

minsan naisip ko na lang
sana adjustable chair na lang din ako
para kahit ganu kabigat o kagaan
ng pasanin kong pwet eh kinakaya ko..

kung iisipin napakasuwerte ko pa din
dahil sa dinami dami ng taong
walang trabaho ay meron akong
ginagawa sa buhay ko.

nakakagimik twing weekends
nakakapagpadala sa pamilya ko
nabibili ang gusto ko
nagagawa lahat ng layaw ko.

pero minsan hindi ko pa hawak ang
katiting kong sahod ay nauubos
na kaagad dahil binabudget ko na ito
sa aking checklist..

padala sa magulang
pambayad ng renta
pambudget sa susunod na cut off
tapos ang masaya sa lahat
ang reward mo para sa sarili mo..

ang luho mo sa buhay pag ikaw
ay single ang kumaen, kumanta
maggala magwindow-shopping
mangarap mag isa o kasama
ang mga taong masasabi mong kaibigan..

minsan pati kaibigan mo
magpapaubaya ka na lang
para lang sumaya sila
gagawin mo lahat para sa ikaliligaya nila..

pati na sa pagibig nagpapaubaya ako
pag gusto ko sya at di nmn ako gusto
hindi ko na pinipilit
ayaw ko kasi ng namimilit..

because i believe that love is unconditional
sabi nga ni tita katy perry..



Positive Insight (TagLish)Where stories live. Discover now