Matagal na akong nagbabasa nang Wattpad kaya pwede na akong tawaging Wattpad-addict pero bago pa nun ay naging hussler muna ako sa pagbabasa nang pocketbooks at mga English novels na amagin na sa school library namin. First year highschool pa lang ako ay addict na ako sa pocket book. Ubos ang allowance ko sa karerenta. Lagi akong napapagalitan nang librarian kasi late ko nang isauli yung mga librong hinihiram ko. Wala eh. Ninanamnam ko ang pagbabasa.
Siguro sa tagal ko nang nagbabasa ay marunong na akong pumili at humusga kung ano talaga yung mga stories na maganda talagang basahin. Hindi ka maboboring, macocornihan o kaya naman ay masasabihan na "Pambata naman ang storyang ito. Kainis. " Lipana ang mga stories na ganyan dito sa Wattpad. Gusto ko yung mga storyang nakakaantig nang damdamin, papaiyakin ka pero may nakakatawa din naman. Mahilig ako sa mga mystery, romance, humor, horror at fantasy. Isama na natin ang mga X-Rated na mga stories. Lol.
Ayaw ko nung ang mga bida ay below 18. Damn! Bata pa yan dude! Hindi pa yan nireregla!
Hindi pa yan tuli!
Wala pang alam sa buhay eh nanlalalaki na o nambababae na agad!
Hindi pa nga nakakapagtapos eh may love life na!
Tsk. Kaya madaming maagang lumalandi at nabubuntis sa panahong ito! Lol. Pero pwede na rin pag maganda yung flaw nung istorya at maganda ang pagkakagawa.
So much for an introduction. Wag niyo nang pansinin ang mga kalukahan ko sa buhay. Masyado lang akong paranoid dahil wala na akong mabasang matinong istorya sa panahong ito. Naglipana ang mga sobrang x-rated na mga storya na wala namang kwenta. Sex kung kani kanino pati ba naman sa teacher, kapatid, tatay, uncle at pati tubero! AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Pati mga english stories ay pinapatOs kuna dahil wala na talaga. Halos maduling ako sa pagbabasa at halos dumugo ang ilong ko na ang inilalabas ay sipon! Nabasa ko na ata lahat eh. Nang magagandang istorya. Makikita mo kasing maganda ang storya sa introduction pa lang eh. Pero depende iyon kung parang tanga ang mga tauhan nang kwento.
Ang mga ilalagay kong storya dito ay ang mga storyang sinulat nang mga favorite kong author na paulit ulit ko lang na binabasa at babasahin pa ulit at uulit ulitin ko pa hanggang sa magsawa ako at mabaliw. BOW!
~J-Dragon

BINABASA MO ANG
Magagandang Stories Sa Wattpad
RandomMagagandang Stories sa Wattpad na gawa nang mga magagaling at favorite kong mga Authors! Mabuhay!