Chapter 1

274 2 1
                                    

"Tara na Claire, pumunta na tayo sa cafeteria. Gutom na ako. Next week pa naman iyan pinapapasa ni Ms. Lavigne. Kaya halika na! " She's Betty, my best friend since elementary.

"Wait, I'm almost done. Cge na Betty mauna ka na at susunod nalang ako sa table natin sa cafeteria."

Matapos ang limang minuto ay natapos ko na ang ginagawa ko. Nagliligpit na ako ng gamit nang bigla akong may naramdamang kakaiba. Napatingin ako sa puno sa labas ng bintana sa side ng lamesa ko. Kanina pa tila may nagmamatyag sa akin. I don't know why but lately napapansin kong mukhang madalas na may pares ng mga matang nagmamatyag at sumusunod sa akin.

"Claire! May pinapahiya na naman ang grupo nila Jamaica sa cafeteria. You should see it." Nagmamadaling hinawakan ni Betty ang wrist ko at hinila ako palabas.

"Look at her! She looks like a damn trash in this school."

"Hahahahahah! Bagay lang yang juice na yan sa mukha mo. Or should I say baka mas mahal pa nga yan kaysa sa damit na suot mo."

"You don't deserve to study here, freak!"

Kilalang-kilala ko ang boses na iyan nila Jamaica at ng mga kasama niya. Palagi nalang nilang inaapi ang mga scholar na students ng school. Ako ang palaging kumukontra sa kanya. Even if she's the daughter of the owner of Forbes High, malaki pa rin ang impluwensya ng mga magulang ko sa pamilya nila. My parents are one of the most powerful people in this town of Ford. Kaya hindi niya ako basta-bastang kinakalaban.

"STOP THIS JAMAICA LORENZA FORBES!!! OR ELSE...."

"Or else what?! Huh?"

Ibinilin sa akin ni Daddy na palaging i-kontrol ang galit ko. That's why kapag nagagalit ako, i will pause for a moment at magbibilang hanggang 1-10.

"You're so damn annoying Claire. Masyado kang pakialamera, ayaw mo naman sigurong malaman ng lahat ang tinatago mong sekreto, Claire. I heard the conversation of our dad. Ampon ka lang ng mga magulang mo. Why don't you share your story to us? Masyado kang pakialamera!"

Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan tong bruha sa harapan ko. My emotions are slowly overcoming the remaining patience in my mind.

"Oops! It seems na hindi mo pala alam. Ohh ano Claire, natahimik kang bigla?! Wag ka kasing masyadong magpakasasa. Everything in your perfect damn life are just a lie."

Nawalan na ako ng control at puma-ibabaw ang galit ko.
---
Third Person POV

Nabasag bigla ang basong hawak-hawak ni Jamaica. Lahat ng ilaw sa cafeteria ay nabasag din. Tumingala at kalmadong tinignan ni Claire si Jamaica.

"And so? Anong pake mo kung ampon nga ako?!"

Tinutukan ni Claire ng masama si Jamaica.

"Ouch! My head, ahhhhhh......"

Napaupo sa sahig si Jamaica dahil sa matinding pagsakit ng ulo niya na tila ba unti-unti itong binibiyak. Patuloy pa ring nakatitig sa kanya si Claire na tila ba nawalan na rin ng control sa sarili niya.
Marami ng estudyanteng nanonood sa nangyari. Lahat sila ay nagulat at natakot sa mga nangyayari.
----
Claire POV

"CLAIRE!!!"
Mula sa likuran ay niyakap ako ni Betty.

"Tara na Claire, umalis na tayo rito." Hinawakan niya ang wrist ko at dali-daling umalis sa lugar na iyon. Sinakay ako ni Betty sa kotse ko at siya ang nagdrive nito pauwi sa bahay namin. Nanaig ang katahimikan sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa bahay. Dinala niya ako sa kwarto ko at doon kami nag-usap.

"Okey ka lang ba?"

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. I sigh and bit the lower part of my lip.

"Betty maniwala ka, hindi ko alam kung papaano nangyari yun. Basta ang alam ko lang galit na galit ako sa mga oras na yun. Pero hindi ko intensyong maging ganun." Naihilamos ko sa mukha ko ang dalawang palad ko.

"Claire, I'm always here for you. Kakampi mo ako. Oo natakot ako nung una dahil nabigla din ako ngunit mas nanaig ang friendship love natin eh. You're like a sister to me. No one wants that to happen. May kasalanan din si Jamaica sa nangyari."

Tuluyan ng nagsiagos ang mga luha sa aking mga mata. Nakayakap lang sa akin ang best friend ko habang hinihimas niya ang likod ko.

It's almost 6pm na nang iwan ako ni Betty. Nakahiga lang ako sa kwarto ko habang iniisip ang mga nangyari kanina sa cafeteria. Biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Hello Tita Ana, napatawag ho kayo?"
.
.
.
.
.
"ANO?!"

I froze. Halos hindi ako makagalaw sa nalaman ko. No!!! Hindi ito nangyayari. Sana panaginip lang ang lahat ng ito.

-----

Hi guys! Hope to know some of your comments or insights. Enjoy reading. 5 votes or 1 comment and I'll post the next update. Thank you.

Musterion Academy (A school full of mysteries) ~~on going~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon