(A.N.: Salamat nga pala sa nagbabasa sa new story kong ito. There would be a lot of twist na pwedeng mangyari sa story. Hope to support this until the end guys. Love you!)
~~~~~~~~~~"What?! You're just kidding right?" Halos manlaki ang mata ko sa nalaman ko.
"Nope. I can suck your blood any moment by now. Gusto mong patunayan ko sa iyo?"
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Bigla akong napahawak sa leeg ko. Paano ba naman, maniniwala ka ba agad nung sinabi niyang isa siyang bampira. Ano to, nakadrugs?! But dahil sa takot eh naniwala nalang ako.
"Nope, no need. So that explains why you can fly."
"Yes, I'm a vampire but not all can fly. Each of us has it's own special powers and abilities. Me, I can manipulate the wind. At huwag kang matakot, i can manage to control my thirst for blood."
"Ohhh, ganun ba? Lahat ba ng nakatira sa Arcane eh bampira?"
"No. Halos wala pa sa kalahati ng populasyon ng Arcane ang mga vampires na nakatira dito. Yung ibang mamamayan, ninuno lang nila ang may dugong bampira. Unfortunately, as the generation pass by, nahaluan na ito ng mga dugo ng tao kaya naging normal na sila. Mayroon din naman na hindi ordinaryong nilalang gaya na lang ng wolves, yokai at fairies."
"Eh Lee, what about in my case, wala naman akong kakilala na taga rito. At hindi naman ako wolf, fairy at mas lalong hindi ako yokai."
As what I've read, ang mga yokai ay ang mga nilalang na tila mukhang halimaw. They have that different kind of genes maaaring gaya nalang ni Medusa, Mojo Jojo at etc.
Hindi na nakasagot pa si Lee dahil biglang may kumatok sa pintuan niya. Pumunta siya sa pintuan at pinagbukas iyon.
Naiwan ako sa dining table niya. Pinagmasdan ko lang ang bahay niya. Napakalinis nito. Gawa din sa bricks ang bahay niya at ito'y may katamtamang laki lamang. May 1 pang palapag sa taas ng bahay. Naroon ang kwarto niya at ang CR. Mayroon ding isa pang bakanteng kwarto na pagmamay-ari ng Nanny niya bago ito namatay. Nasa ibaba naman ang sala at kusina.
At dahil sa nacurious ako, sinundan ko na si Lee sa pintuan. Nasa likod niya ako.
"Ahh ganoon po ba? Agad kaming bibisita sa palasyo."
"Sige, ingatan mo siya ha."
Umalis na ang lalaki na sa tingin ko'y kawal mula sa palasyo dahil na din sa suot niya.
"Anong sinabi niya?"
"Pinabibisita daw tayo ng mahal na hari at mahal na reyna. Gusto ka nilang makilala."
"Talaga? Makakapasok na ako sa palasyo."
"Sa ngayon, magpahinga ka muna at mag gagabi na. May dala ka bang mga damit?"
"Ah eh, oo meron akong dalang gamit. Eh saan ako matutulog?"
"Kung gusto mo sa tabi ko sa kama." At ngumiti siya ng nakakaloko.
"Ahh, ano, sa sala nalang ako matutulog. Tama! Sa sala nalang."
----
Matapos kong maligo at nakapagpalit ng damit pantulog, isang silk na night gown, ay nahiga na ako sa sofa sa sala. I feel uncomfortable. Naman! Napakagentleman talaga ng lalaking yun (sarcastic).Bumaba siya sa hagdan na nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang parte niya. Lantad na lantad ang 6 pack abs niya. His hair and body is still wet. He's almost naked. All in all, he's hot. Shettt!!! My precious eyes!
"Claire are you enjoying the view?"
Putek! Pahiya ako dun ah.
"Hindi nu, wag kang feeling. Ang liit nga ng katawan mo. Makatulog na nga lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/58661529-288-k970897.jpg)
BINABASA MO ANG
Musterion Academy (A school full of mysteries) ~~on going~~
FantasyIsang paaralan na halos pili lamang ang nabibigyang opportunidad na makapasok dito. Isang misteryosong paaralan na hindi mo aakalaing nag-eexist pala sa planetang ito. Tanging mga kakaibang nilalang lang din ang maaaring mag-aral dito upang mapanati...