Chapter 8

38 0 0
                                    

I wake up early the next morning. Sa sobrang pagod ko, hindi ko na pala nabisita ang night class. Bumangon na ako at nagulat akong bigla sa nakita ko.

I'm really sure na itinago ko lahat ng gamit ko sa cabinet na nasa gilid ng kama ko bago ako natulog. Inayos ko na iyon lahat. Each of us has our own place to put our things.

I checked my closet at nalaman kong sinira ang lock nito. All of my things are scattered on the floor. Lahat ng babaeng nasa kwarto ko ay nagtawanan. Yung iba, isa-isang pinagbabato ang mga damit ko sa akin. I saw Channel laughing like a demon as if she won over me again. Napupuno na talaga ako. I shut my eyes for a moment at nagsimula na akong magbilang upang mapakalma ang sarili ko.

"Claire, what happened in here? Are you okay?"

Hindi ko inaasahan ang biglaang pagpasok ni Glacia.

"I was about to check you at kamustahin ka, tapos dadatnan kitang ganito. WHO THE HELL DID THIS TO YOU?" Halos mangapoy na ang mata ni Glacia sa galit. Tinignan niya ng masama ang lahat ng babae sa loob ng kwarto.

"I said, WHO THE F*CK DID THIS TO HER?!!!"

Labis na nagulat ang lahat sa nasaksihan kay Glacia. Unang-una, masyadong makapangyarihan at mataas ang turing sa mga royalties sa school na ito, kaya kabigla-biglang makita siya na gumagala sa loob ng dormitory ng ordinary class. Ikalawa, hindi nila akalaing ganito magalit ang sweet and cheerful type na si Glacia. Maging ako ay nabigla sa inasta niya.

"Glacia I'm okay. Tara lumabas na tayo."

Inaya ko nang lumabas na kami bago pa sumabog ang galit namin sa kanila. I'm trying to calm down dahil ayoko nang mangyari pa ang nangyari sa pagitan namin ni Jamaica.

Pinagtitinginan ako nung ibang mga babae sa hallway. Doon ko lang naaalala na nakasuot pa pala ako ng damit pantulog.

"Come with me."

Hinawakan ni Glacia ang wrist ko at nagpunta na kami sa kabilang building, ang dormitory/mansion ng mga royalties sa night class. I can really say na special treatment talaga sila. After all, they are not like ordinary humans. They need more proper diligence and care.

Maaliwalas ang buong paligid.

"I know what you're thinking, couz. Akala mo parehas sa mga vampire movie na napapanood mo nu, yun bang creepy and dull ang buong place." She chuckled.

I'm glad that she already controlled her temper.

Pumasok na kami sa loob ng kwarto niya. It's really huge.

"You can use my bathroom. May extra unuse toothbrush pa ako diyan and undies. You can pick any dress you want in my closet." Masiglang wika niya.

"Pero hindi ba ako magsusuot ng uniform?"

"Okey, iba nga pala ang uniform niyo. Tatawag nalang ako ng maid, uutusan kong humanap ng ordinary class' na uniform."

"Salamat."

"Claire, I'm really sorry sa inasta ko kanina. I almost loose my temper. If you're not comfortable with the day class, pwede tayong magrequest na ipalipat ka sa night class. If those girls will make your life in here miserable, hindi ako magdadalawang isip na patulan sila. If they just know kung sino ang inaapi nila."

"No, it's okey. Kaya ko pa naman Glacia. At saka baka sa simula lang talaga to. Kung magpapalipat ako sa night class, masisira ang plano. And it would be more dangerous pag nalaman ng Black Society."

"Yes,you have a point. Ah basta! Malilintikan talaga sa akin yung mga babaeng yun sa susunod na gawin pa nila ulit yun sayo."

I smiled. I just realized na may pagkapareho pala kami ng ugali ni Glacia.

"Do you know in my old school, nobody dares na kalabanin ako?!" I beam.

"Talaga? Dapat lang nu. Eh ba't hinayaan mo lang sila kanina?"

"Because I had a bad memory of using my power to a mortal. Nawalan ako ng control dahil sa sobrang galit ko sa kanya. Kaya ayoko lang maulit uli."

"But if you know that you are right, don't hesitate to fight. Sige na, mag-ayos ka na couz. Ichecheck ko lang yung uniform mo."

Iniwan na niya ako sa kwarto. Naligo na ako at isinuot ko naman yung mga binigay sa akin ni Glacia.

"Buti nalang nagkasya sa iyo yung pinakuha Kong uniform. By the way, sabay nalang tayong pumunta sa dining hall."

"Glacia, you knew that I can't eat with you, right? Gusto mo bang mapansin ng students ang pagiging mag-pinsan natin ha?!"

"Kahit na. Sabay pa rin tayong pupunta sa dining hall. Ihahatid nalang muna kita kay Lee bago ako uupo sa Royalty's Table."

Gaya nga ng sinabi ni Glacia, nagsabay kaming nagpunta sa Dining Hall. Sinalubong naman kami agad ni Lee.

Napatingin ako sa table nila Glacia. And I caught him staring at me. Sigurado akong nagkita na kami noon.

Musterion Academy (A school full of mysteries) ~~on going~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon