I rushed to the hospital. Nadatnan ko si Tita Ana, ang kapatid ni Dad, na nasa labas ng Emergency Room habang umiiyak.
"Tita Ana!"
Then, she hugged me and continuously sobs on my shoulder.
"Naaksidente sila Claire. Malubha ang kalagayan ng mommy at daddy mo. Sabi ng doctor there's only a little chance na maililigtas sila."
Tuluyan ng nagsiagos ang mga luha sa aking mga mata. Napaupo ako sa pinakamalapit na upuan sa akin at tuluyang nagmukmok. Even if totoo man ang narinig ko kay Jamaica, hindi ko pa rin magawang magalit kina mommy at daddy. Pinalaki nila ako ng maayos at puno ng pagmamahal. Kahit busy silang pareho sa pagpapatakbo ng mga kumpanya namin, hindi pa rin nila hinahayaang mawalan sila ng oras sa akin, ang nag-iisa nilang tinuring na anak. Napaisip akong bigla. May kinalaman kaya si Tita Ana tungkol dito?
Mula sa katabi kong upuan ay kinausap ko si Tita Ana.
"Tita, I know this is not the right time to ask this. Pero may alam ka ba tungkol sa pagkatao ko?"
Halatang natigilan si Tita Ana.
"Claire, pamangkin, sorry kung sa ganitong sitwasyon mo ito kailangang malaman at hindi rin namin to nasabi sa iyo ni Kuya Eric ng mas maaga pa lang. Claire, si Kuya Vince ang totoo mong ama."
Si Tito Vince, ang namatay na kapatid nila Daddy Eric at Tita Ana, 18 years ago dahil sa isang aksidente. Aakmang magsasalita pa sana ako nang biglang lumabas na ang doctor.
"Doc?!" Mangiyak-ngiyak na bungad ni Tita Ana.
"We did the best that we can to save them both, pero sorry Ma'am. Hindi nakayanan ng mga pasyente. Wala na sila." Malungkot na sabi ng doctor.
"Nooooo! Hindi totoo yan Doc, hindi!!!"
------
THIRD PERSON POVTumakbo palabas ng hospital si Claire. Bumuhos ang malakas na ulan. Nakakita siya ng parke mula sa di kalayuan. Pinuntahan niya iyon at naupo sa isang swing. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan habang malungkot naman na umiiyak si Claire.
-----
CLAIRE POV"WHY?! OF ALL THE PEOPLE, BAKIT AKO?"
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nilalamig na ang aking katawan dahil kanina pa ako nasa ilalim ng ulan habang nakaupo sa swing na ito. Ayoko munang umuwi. I was left alone with no home. Wala na si mommy at daddy. Wala na akong uuwian pa.
Naramdaman ko na naman ang pares ng mga matang kanina pa ako pinagmamasdan mula sa di kalayuan. Sa tingin ko nasa likod ito ng isang puno. Papunta na sana ako sa punong iyon habang tumatawid sa kalsada ng biglang......
*screeeeech*
Labis na napakabilis ng mga pangyayari. Napaupo at napapikit nalang ako dahil sa takot. Malamang katapusan na rin ito ng buhay ko. Ngunit isang lalake, humarang siya sa sasakyan na noo'y nawalan ng control at preno na babangga na sana sa akin. Tila sandaling huminto ang oras at ang pag-ikot ng mundo.
Dugdug......
Nang idilat ko ang mata ko matapos ang ilang segundo dahil sa pagtatakang buhay pa ako, hindi ko naaninag ang hitsura niya dahil sa fogs na nasa paligid dulot ng malakas na ulan. Ngunit ang pares ng matang iyon, alam na alam ko iyon dahil matagal na niya akong sinusundan. Agad din siyang nawalang parang isang bula.
Napatingin ako sa kotseng napahinto sa harapan ko. Napigilan niya ito? Seriously?! Anong uri ng nilalang siya? Nakita ko rin ang natuping unahang parte ng sasakyan.
"Miss, ayos ka lang ba? Halika dadalhin na kita sa hospital. Sorry miss."
Dinala ako ng ginang sa hospital na pinanggalingan ko kanina. Wala akong natamong ni katiting na galos o sugat mula sa aksidenteng yun.
"CLAIRE!"
Nag-aalalang lumapit sa akin si Tita Ana. Niyakap niya ako.
"Juskong bata ka! Buti nalang walang masamang nangyari sa iyo."
Iniuwi na ako ni Tita Ana sa bahay. Sinimulan na rin ang burol nila mommy at daddy. Sa mga oras na iyon, tanging si Betty at Tita Ana ang palaging nasa tabi ko. Nagtagal iyon ng 5 araw.
-----
Sabado....Ang huling pamamaalam ko sa mga taong tinuring kong tunay na magulang at nagpadama sa akin ng isang pamilyang puno ng pagmamahal. Ito ang araw ng libing nila mommy at daddy. Matapos nito ay kinausap ko si Betty.
"Betty, kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. Wala ng dahilan pa para manatili ako dito."
"Sigurado ka ba sa desisyon mong yan, Claire? Paano ang pag-aaral mo?"
"Matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Jamaica, hinding hindi na maibabalik ang lahat sa normal gaya ng dati Betty."
" Eh Claire paano naman ako?! Ganun nalang ba kadaling iwan ang bestfriend mo ha? Akala ko ba magkakampi tayo?"
"Betty, mahal na mahal kita. Kung ako lang, ayokong iwan ka. Pero Betty, kumplikado na ang sitwasyon ko sa lugar na ito. Marami nang nakakaalam na ampon ako. Idagdag mo pa yung huling nangyari sa school natin. Kailangan kong umalis Betty para hanapin ang sarili ko. Isa ka sa mga taong nagbibigay rason sa akin para mabuhay at lumaban. Ikaw na bestfriend ko ang tanging taong nakakaintindi sa akin at palaging nasa tabi ko para suportahan ang mga desisyon ko. Betty, hindi ka madaling iwan. Mabigat din para sa akin na gawin ang desisyon na ito."
Niyakap ako ng mahigpit ni Betty.
"Babalik ka naman diba? Magkikita pa tayo ulet Claire di ba?" umiiyak na tanong niya sa akin.
"Oo naman, babalikan kita."
" Eh saan ka pupunta?"
"Hindi ko din alam, Betty."
"Basta bes alagaan mo ang sarili mo ha."
Nagpaalam na din ako kay Tita Ana. Alam kong hindi magiging madali ang ginawa kong desisyon. Ngunit sa mga oras na ito, I really need to leave. Kung saan ang patutunguhan ko, ay walang kung sinong may nakakaalam.
BINABASA MO ANG
Musterion Academy (A school full of mysteries) ~~on going~~
FantasyIsang paaralan na halos pili lamang ang nabibigyang opportunidad na makapasok dito. Isang misteryosong paaralan na hindi mo aakalaing nag-eexist pala sa planetang ito. Tanging mga kakaibang nilalang lang din ang maaaring mag-aral dito upang mapanati...