I was walking down the hallway. Nag-iisip pa rin ako kung sino ang pwedeng kong matanungan tungkol sa case ni Alexander. I just realize na hindi ako pwedeng magtanong kay Headmaster o sa aking 8 guardians. Dapat hindi nila malaman tong pinaplano ko because I know that they won't allow me. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan kung saan na ako dinala ng mga paa ko.
"Oh my! Saang parte na ba ito ng Musterion Academy? Matawagan na nga lang si Glacia."
*phone call*
"Glacia, please answer your phone."
Patuloy pa ring hindi sinasagot ni Glacia ang tawag ko. Kinakabahan na ako. Napahawak ako sa dibdib.
Unang beses ko itong nagpunta sa Night Class and worse hindi ko pa kasama ang kahit ni isa sa guardians ko.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Ni hindi ko na alam kung saan patungo ang daang tinatahak ko.
Naliligaw na talaga ako. Bukas na bukas magpapaturo nga ako kay Lee sa lahat ng lugar sa loob ng campus. This place is very huge.
Ang bilis ng pintig ng puso ko marahil ay dulot ng halong kaba at takot. But I have to be brave. Anytime maaari kong masalubong ang mga kakaibang creatures na nasa night class.
Mula sa hindi kalayuan, naaninag ko ang grupo ng mga lalaking may matitipunong katawan. Maingay silang nag-aasaran at nag-uusap. Well, kung susuriin sila, they look normal. Maihahalintulad ko sila sa mga hearththrob noon sa dati kong school. May isa pang bagong dating sa grupo. Mahaba ang kanyang buhok, and he looks cool. Nakasakay siya sa skateboard na dala niya. All in all, they look cool but again I have to trust no one. Malay ko bang mga yokai pala sila. Pero teka, gwapo ba ang mga yokai?
Agad akong nagtago. Curiosity kills. I have no choice na din kaya. Better to hear their conversation.
"Hey, our leader is here." Kantyaw ng isang lalaki.
Well, mukha silang astig. Yung bagong dating pala ang leader ng grupo.
"So what's our plan for tonight?" Tanong ng isa sa mga kasama niya.
"Dating gawi, humanap tayo ng mga mapapagtripan."
"Eh halos yata lahat ng kalokohan pinaggagawa na natin. Nakakasawa na tol."
"Then, let's find something new."
"Wait, have you heard Jake na nakakulong si Alexander?"
"Whoooow! Is it true? That's sounds interesting." He answered.
"Wala yung great rival mo ngayon."
"Idagdag mo pa na abala din yung mga bampirang guardians."
"Maybe, if you are just one of them abala ka na din ngayon."
"Why would I waste my time to protect that f*ckin* vampire princess in the prophecy?"
"Ang sabihin mo lang, hindi natuloy ang pagiging guardian mo, kahit pa parte ka Sana nila, because they don't like you. Kasi isa kang werewolf. And they are a group of vampires. You won't fit in bro."
Napatakip ako sa bibig ko. So he was supposedly one of my guardians. Pero bakit? Bakit hindi man lang siya tinanggap kahit pa na werewolf siya? Necessary ba talaga na vampires lang ang pwedeng maging guardians? I feel pity for him.
"Anong sinabi mo?! Gag* ka ha. "
Biglang nag-init yung ulo nung leader nila. Hinawakan niya sa collar yung lalaki. Nagmamakaawa naman itong humingi ng patawad sa kaniya.
"Sorry leader! Sorry na Jake. Ang sa akin lang mas nababagay ka sa grupong ito. Sa grupo ng mga werewolves gaya natin."
Halata namang kumalma na siya.
BINABASA MO ANG
Musterion Academy (A school full of mysteries) ~~on going~~
FantasyIsang paaralan na halos pili lamang ang nabibigyang opportunidad na makapasok dito. Isang misteryosong paaralan na hindi mo aakalaing nag-eexist pala sa planetang ito. Tanging mga kakaibang nilalang lang din ang maaaring mag-aral dito upang mapanati...