" Trevor"
Dinala ako ni Trevor sa likod ng Auditorium kung saan ginanap yung Battle of The Bands.
"Athene, sorry." Panimula nya.
" ... sorry kase iniwan kita. Sorry kase nasaktan kita. Sorry kase di ko natupad yung pangako ko. Sorry-" pinutol ko na yung sasabihin niya."Trevor, bakit ngayon pa? Tingin mo mababago pa nyang sorry mo na yan yung nararamdaman ko? Its too late Trevor for your shits. The damage has already been done. Wala ng kwenta yan." Akmang aalis nako pero pinigikan niya ko.
"Pero Athene, Mahal kita."
"Mahal mo ko? Bilang ano? Bestfriend? Salamat na lang. Pero di ko kailangan ng pagmamahal mo."
"Hindi Athene, Mahal kita ng higit pa sa lahat.
Natigilan ako. Mahal niya ko? Bakit ngayon pa?
"Trevor, ang unfair mo! Ngayon mo pa sasabihin yan kung kelan desidido na kong kalimutan ka! Kung kelan desidido nakong kalimutan tong lecheng nararamdaman ko para sayo?! Great! Sorry pero hindi mo na mababago tong desisyon ko. Masyado ng masakit Trevor yung ginawa mo. Tama na siguro yun."
"Pinapangako ko Ashley na hinding hindi na kita iiwan!"
"Pangako? Pangako na naman? Tangina naman Trevor, tingin mo maniniwala pako dyan? Dyan, dyan kayo magaling. Puro kayo pangako palagi namang napapako. Sorry to tell you this Trevor im so done with your shits."
"Second chance A. Second chance. Please?"
"Second chance? What the fuck! Hindi lahat ng tao deserve ang second chance. Nagawa mo nakong saktan noon. Kaya may posibilidad na saktan moko ulit ngayon. Sorry Trevor. Pero ayoko na talaga. Bye Trevor, bye bestfriend..."
"Athene..." narinig kong tawag niya. Hindi ko na siya nilingon pa. Kingina naman, leche tong luhang to. Bat pako umiiyak!? Tangina.
"Athene, nanalo kayo. Umakyat ka na sa stage kanina ka pa hinahanap" sabi nung lalaking naka salubong ko.
"Kingina, wala kong paki. pakisabe sila na lang. Lumayas la sa harap ko." Sabi ko dun sa lalaki at kumaripas siya ng takbo.
Di muna ako uuwi. Panigurado nandun si Trevor.
Lumabas ako ng school, sumakay ng bus. Kahit di ko alam kung saan to pupunta. Kailangan ko ng alone time. Kailangan kong mapag isa.
Pumwesto nako sa gilid. Di katagalan, may umupo sa tabi ko.
"Miss, yung eyeliner mo nagkalat na." sabi nung tumabi sakin.
"Ano bang paki mo?" tinarayan ko siya.
"Nagmamagandamg loob na nga eh. Mukha ka ng zombie, ikaw pa tong galit dyan?"
"Lumayas ka sa tabi ko."
"Bakit? Iyo ba to? Public to kaya wala kang karapatang paalisin ako"
Leche, pasalamat kang hayop kang damuho ka.
"Ito panyo! Punas mo dyan sa mukha mo."
Tinitigan ko yung panyo.
"Ang arte, malinis yan. Kunin mo na" sabay pinahid sa mukha ko.
No choice, sinimulan na nya eh. Kinuha ko na din at tinanggal yung eyeliner.
"Alam mo, kung ano mangyan pinagdadaan mo, malalagpasan mo din yan."
"Pakialamero ka, manahimik ka dyan. Kalalaki mong tao ang daldal mo."
"Ang ganda mo sana kaso ang taray mo. No thanks na lang."
"Baka may nag alok sayo?"
"Tch. Austin pangalan ko."
"May nagtanong?"
"Sinabe ko lang. Bahala ka nga dyan"
Tumahimik din siya. Pero maya maya, narinig kong humihikbi na sya.
Tangina, nagtinginan na yung tao sa palagid ko.
"Wala po akong ginawa dito" sabi ko. At tinignan si Austin.
"Bakit niya ba kase ako niloko? Bimigay ko naman na ang lahat? Ano pa bang kulang ko" sabi niya.
Broken sya? Hindi halata. Parang kanina lang ang daldal niya.
"Ang sakit sakit, akala ko mahal niya ko." Sabi niya pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/58665147-288-k600023.jpg)
BINABASA MO ANG
Hugot Ng Bitter
De Todo"Forever? Sus, walang ganyan! Kung ako sa inyo? Matutulog na lang ako." - Ashley Athene Gordon Tunghayan ang makwela, mahugot at puno ng katarayan at kabitteran na storya ng isang MAGANDANG BITTER.