Part 4

7 0 0
                                    

"SERIOUSLY?!"

"Yes A, kaya tara na." Sabay hinatak ako.

Hindi pwede, hindi talaga.

Namalayan ko na lang nasa parking lot na kami. May couple na naglalandian sa gilid. May hawak na teddy bear yung girl at chocolates. Mukhang monthsarry nila.

"Sus, sa simula lang yan sweet. After 1 month, 2 months or 3 wala na yan. Magsasawa din kayo. Pag nakuha na ng lalaki gusto nya ? Iiwan ka din nyan. Walang forever" i mumbled.

"Grabe, ang bitter mo." Biglang singit ni Trevor.

"Paki mo ba?"

"Malaki. Yung pagsasawa nasa tao naman yan eh. Kung mahal mo talaga yung isang tao. Hindi ka magsasawa sa kasweetan nyan. Hinding hindi ka magsasawa sa presence nyan kasi mahal mo." Sabi nya ng naka tingin sa mata ko.

I was dumbfounded. Pero di ako papatalo.

"Ganun ba? Pero dadating din yung time na mafefell out of love yung isang tao. Magsasawa at magsasawa din talaga. Ganun naman kayong mga lalaki diba? Mabilis magsawa. Pag nakuha na yung gusto, tapos na. Iiwan na lang agad yung babae. Hindi nyo kinokonsider yung feelings ng babae. Bigla nalang kayong mawawala ng parang bula."

Siya naman natahimik.

"Alam mo Ashley, nasa tao yan. Tandaan mo, nasa tao yan." Sabi nya sabay pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya at pinasakay ako.

Sobrang tahimik ng buong byahe papuntang bahay. Awkward kase.

Pagdating sa bahay, umakyat na lang ako sa kwarto ko. Space out. Lumilipad na naman kaluluwa ka out of nowhere. Inaalala lahat ng mga nangyari. Siya pa rin talaga, masakit man pero siya parin.

Bakit kaya ganon no? Minamahal natin yung mga taong walang ibang ginawa kundi saktan tayo.
Napaka unfair ng buhay.
Andaming tanong ang nasa isip ko na nagpupumilit lumabas upang mahanap ang kasagutan. Pero gugustuhin mo pa bang malaman ang kasagutan kung yung tanong palang eh sobrang sakit na?

"Bakit Trevor? Bakit?" At nakatulog na ko na may luha saking mga mata.

Hugot Ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon