Dear diary,
Kanina sa corridor, habang naglalakad ako nakita ko SIYA.
Kingina,kahit gago sya ang gwapo nya parin. Pero tangina nya pa rin.
Nabanggit ko na bang kingina nya? Ay kasama nya pala yung bago nya. Hindi nya naman sinabe sakin noon na gusto nya ng seafoods especially HIPON edi sana binigyan ko sya at sana kami parin. Pero ganun talaga walang forever. Magbrebreak din silaLove,
Athene ❤"Hays, kaurat naman. Tch" Bulong ko habang tinititigan ko yung diary ko. Antagal naman kase mag uwian eh.
"Uy bes! Nagsusulat ka na naman dyan ng kabitteran mo sa buhay!" Sabi ni Bryanna. Bestpempem ko hahaha char bestfriend ko.
"Ano bang paki mo? Gawa ka den." Sabi ko sabay irap.
"Aba aba, gumaganun na. Di porket maganda ka ganyan ka na."
"Inggit ka? Gaya ka. As if naman na gaganda ka pa?" hinead to toe ko nga.
"Alam mo kung di lang kita bestfriend sinapak na kitang hayop ka. Tara na nga! Kumain na tayo" Sabay hinatak nya ko papuntang canteen.
" Miss Athene!" Narinig kong tawag sakin. Paglingon ko... kingina may nabubuhay pa palang taong gento ka pangit? Wait what!? Tao nga ba?
"Miss Athene, pinasasabe nung daddy mo pumunta ka daw ng office niya. Ngayon na" tch, sino na naman ba papakilala nyan ni daddy. Badtrip.
"Bry, punta lang ako kay daddy." Sabe ko. Di ko na inantay na magsalita sya. Sinenyasan ko yung pangit na nerd kanina na sumama sakin.
"Pimpy, may kasama si daddy sa office nya?" Tanong ko sa nerd.
"Pimpy?" Tanong nya. Tangina daming tanong.
"Pimpy kase madami kang pimples! Bobo. May kasama ba si daddy?" Pag uulit ko.
"Ahhh, opo opo. Gwapo nga po eh"
"Oh talaga? May nagtanong? Dyan ka na nga leche."
Pagpasok ko ng office ni papa.
"Daddy, ano po ba iyon?" Irita kong tanong.
"Anak, meet Trevor Louis Stewart. Anak siya ng Tito Ben mo. Actually siya yung kalaro mo nung bata pa kayo if you still remember" Tuloy tuloy na sabi nya.
Trevor?
"A, Do you remember me?" Tanong ni trevor habang finaflash yung napakaganda nyang ngiti.
"Trevvvyyyyyyyyy!" Sabi ko sabay takbo at yakap sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/58665147-288-k600023.jpg)
BINABASA MO ANG
Hugot Ng Bitter
Altele"Forever? Sus, walang ganyan! Kung ako sa inyo? Matutulog na lang ako." - Ashley Athene Gordon Tunghayan ang makwela, mahugot at puno ng katarayan at kabitteran na storya ng isang MAGANDANG BITTER.