".. akala ko mahal niya ko."
Tinapik ko yung balikat niya.
"Bibigay bigay ka ng panyo sakin eh ikaw naman pala tong iyakin. Ito kunin mo ulit, punas mo sa mukha mo." Sabay inabot ko yung panyo.
Tumawa sya. Halata namang peke.
"De, sige. Salamat na lang." Bakas talaga sa mukha niyang nasaktan siya ng sobra.
"Alam mo kung bakit ka niya iniwan?" Pagtatanong ko.
Tumingin siya sakin.
"Iniwan ka niya kase binigay mo na yung lahat. Ano pang silbi mo kung nakuha na niya yung lahat sayo? Diba?" Natigilan siya.
"Ganun naman kase dapat diba? Pag nagmahal ka kailangan mong ibigay ang lahat" sabi niya.
"Hindi ganun yun tanga. Tch. Kung ibibigay mo lahat, wala ng matitira sayo. Mahihirapan ka ng makabaon sa pag kahulog mo kase wala na eh. Nasa kanya na lahat. Tignan mo ikaw diba? Nasasaktan ka ng sobra kase lahat sayo nawala."
"Pero, mahal ko kasi talaga siya eh"
"Yang pagmamahal na yan? Akala mo yan yung bumubuhay sayo. Pero di mo alam, yan din yung papatay sayo."
"Hays, tangina naman. Wala kong ibang ginawa kundi mahalin siya. Sinentro ko buhay ko sakanya .."
"Ginawa mo siyang mundo mo, samantalang siya, nangibang planeta." Sabay tawa.
Narinig ko din siyang tumawa.
"Life is so unfair" sabi niya sabay bumuntong hininga.
"Makakalimutan mo din yan. Tiwala lang."
"Paano ba mag move on?"
"Sa totoo lang hindi ko din alam. Ang alam ko lang, ang pagmomove on di yan minamadali at lalong di yan madali . Process yan na kailangang step by step mong gagawin. Maaring matagal pero slowly but surely makakalimutan mo din yung feelings mo sa kanya. Darating yung point na magugulat ka na lang na sa pag gising mo hindi mo na siya mahal" sabi ko habang nakatingin sa labas ng bus.
"Wow, ang galing mo. Tama ka tama. Pero alam mo.." sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
" Ang galing mong pagpayo. Pero sa sarili mo hindi mo ma apply."
And it hit me. Tama nga siya, ang galing kong magsalita pero ako? Hindi ko kayang gawin lahat ng sinabe ko.
"Alam kong may problema ka din, sabihin mo baka kahit papano eh mabawasan yang sakit na nararamdaman mo."
Tumawa ako.
"Nako, wag na. Sige, baba na ko. Bye"
Sabay tayo.
"Teka lang, anong pangalan mo?"
"Ashley!" Bumaba nako ng bus.
Nakalimutan kong isoli yung panyo niya. Hayaan na nga.
Tinago ko sa bag ko yung panyo.
Hays, anong lugar to? Tumingin ako sa paligid.
Wala man lang signage tch.
Naglakad lakad ako.
"Buti na lang dala ko bag ko, may pera ako" i murmured.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, nakita ko yung Mall.
Ay, kala ko probinsya ditey.So, nasa Laguna na pala ko hahaha.
Habang nagstroll ako may nakita akong magsyota nag aaway ata.

BINABASA MO ANG
Hugot Ng Bitter
Random"Forever? Sus, walang ganyan! Kung ako sa inyo? Matutulog na lang ako." - Ashley Athene Gordon Tunghayan ang makwela, mahugot at puno ng katarayan at kabitteran na storya ng isang MAGANDANG BITTER.