Chapter 3

29 1 0
                                    

Chapter 3

Papasok na ako ng campus ng tawagin ako ni manong guard.

'Binalik ko sakanya pero pinapa bigay niya uli sayo'

'S-sige ho salamat po.' Kinuha ko nalang ito saka dumiretso sa klase. Agad naman ako nilapitan ni Mariz

'Okay ka lang El? ' mahinahong tanong niya.

'Okay lang ako bakit?' wika ko saka ngumiti sakanya.

'A-ano may nag hahanap raw sayo kanina...'

'Sino?'

'Hindi ko rin kasi siya nakita kasi sabi nila Fatima sobrang aga raw nung lalake kanina pero Ellie si destiny Man kaya yun??' wika nito habang kinikilig.

'Hay ewan. . . ko sayo riz'

'T-teka . . .ano nangyari diyan sa daliri mo?' Tanong bigla ni Mariz ng mapansin niya.

'S-Sa vase lang to na nabasag nung nilinis ko nabubog ako'

'Sure ka ?' tanong muli nito.

'Oo wag kana mag alala'

Habang nasa klase ay naalala ko yung binigay ni manong na papel kaya pasimpleng binuksan ko ito.

Hi!.. Just barrow it and
Takecare.. :)
-Ace

Hello! Sorry pero hindi ko na to matatanggap Maraming salamat nalang rin at yung bayad ko rin pala sayo kanina.
Thank you.
-Scarlet

Good morning!.. I have no choice?
pero thank you rin Miss... pupunta ako sa section mo before my first class...
See you later :)
-Ace

Hays.. before class pa talaga? hindi nga ako makagising ng umaga at pumasok dito. Bahagyang napangiti nalang ako.

Hello! Sorry kasi lagi akong late... hindi ako sanay pumasok ng umaga.
-Scarlet

'Ellie tara na mag lunch na tayo!' tawag bigla sakin ni mariz, hindi ko namalayan yung oras tumayo nalang ako saka sumunod sakanya.

'Riz... dadaan lang ako kay manong guard' wika ko dito.

'Aba... nakaka amoy ako ng kakaiba' wika nito saka siningkitan ako ng mga mata na tila'y nangingilatis.

'Haha tigilan mo nga ako Riz'

'Hmm.... namumula siya yieeee!! Oh siya mauuna na ako sa canteen para may upuan tayo' Panunukso nanaman niya sakin saka umalis na.

Napangiti nalang ako saka pumunta na kay manong guard.

'Eto po manong salamat po'

'Haha... napaka luma ng pag iibigan niyo rin ha.' wika bigla ni manong.

'Hala .. manong... ' ang echos mo po.

'Hahaha biro lang... sige na aabot ko nalang to sakanya'

'Sige po salamat' wika ko saka umalis na ako.

Destiny...

'hayy ewan.. '

--

Pag dating ko sa canteen ay nakita ko si Mariz na kumakain.

'Ellie nag message si Ms.Sierra may pinapahatid siya na mga kahon sa music room'

'Sige sige tapusin lang muna natin tong pagkain pero saan kukunin yung mga kahon?' tanong ko dito.

NightCore☆Where stories live. Discover now