Chapter 13

16 2 0
                                    

Mariz Pov.

   Sinubukan ko hindi tumingin kay Hero dahil nahihiya ako sa ginawa ko. "Hey... ano meron?" Tanong niya.

"Loko ka talaga! Bakit mo pa dinamay si Mariz sa kagaguhan mo?!" sigaw ni Xander sakanya.

Tinignan niya ko at nagtama yung mga mata namin pero agad ako umiwas.

"Bro, mga paparazzi lang yun na gumagawa lang ng mga kwento para manira"

"Gawan mo to ng paraan! Tanggalin mo yung pangalan ni mariz sa mga mata ng ibang tao!"

"Xander... uminom ka muna ng tubig" wika ni James saka inabutan siya nito.

"Si Ellie? Nasan sila ni Dex?" tanong niya pagkatapos lagukin yung tubig na binigay ni James.

"Nag message si Xion sakin, She's fine now at makakalabas na rin sila ng Hospital mamaya " wika ni James.

Nakahinga rin ako ng maluwag sa balita ni James.

"Mariz pwede ba kita makausap?" Napatingin ako kay Hero at lumakad lang siya agad. Tumayo ako para sundan siya.

Pinapasok niya ako sa kotse niya at tumuloy naman ako. Tinignan ko siya habang nakangiti.

"Sorry nga pal---." Naputol ako bigla sa pagsasalita.  'I miss you' bahagyang napa awang yung bibig ko sa sinabi niya habang bumilis yung kabog ng dibdib ko. Daig pa yung pag hampas ni James sa Drums niya.

"Hehe, ang hilig mo talaga mag biro Hero."

"Seryoso ako." nakaramdam na ko ng init sa mga pisngi ko habang sobrang lamig naman ng mga kamay ko.

Nakatitig lang siya sakin na parang maiiyak.

"Mais..."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya habang napatakip ako ng bibig ko sa gulat. Bumuhos nalang bigla yung mga luha ko. Mga luhang naipon dahil sa kaligayahan at sabik sakanya.

>FlashBack Childhood memories<

"Bakit hindi ka naglalaro?" tanong nung batang lalake sakin habang nakaupo lang ako at nagbabasa.

Tinignan ko lang siya habang nakangiti lang siya sa harap ko.

"Tara laro tayo" aya niya sakin habang naka lahad yung isang kamay niya. Hindi ko sana papansinin nang sabihin niya yung pangalan niya.

"Ako si Akihiro, Ikaw?" Tinignan ko uli siya habang nakangiti pa rin.

Namangha nalang ako sa liwanag nung mukha niya.

"Ayos lang kung nahihiya ka pang--"

"Mariz"  wika ko at agad niya kinuha yung kamay ko saka inalog ng ilang beses kaya hinigit ko agad.

"Sige mais! doon lang ako"

"Mariz!" sigaw ko dito pero parang hindi niya ata ako narinig.

-*-

Habang naglalakad ako pauwi ng bahay ay nakita ko yung mga salbaheng bata. Tinignan nila ako, sinubukan ko umiwas pero agad nila ko hinarang at hinawakan yung bag ko.

"Bitawan niyo ko!" sigaw ko sakanila pero tinawanan lang nila ako.

"Nasaan yung baon mo?!" tanong nung isang batang salbahe sakin.

"Wala na kong pera!"

"Kunin niyo yung bag!!" sigaw nung leader nilang mataba.

Agad nila kinuha yung backpack ko at binuhos yung lahat ng laman nito.

NightCore☆Where stories live. Discover now