Chapter 8

18 1 0
                                    

Ellie's Pov.

'Hello po manong' bati ko kay manong guard saka may inabot na strawberry cake.

'Kumusta?"

'Ayos lang po ako pwedeng pabigay po kay Xander niyan?' wika ko sakanya.

'Aba't napaka sweet mo naman iha kay sir Lee'

'Thank you gift ko lang po yan sakanya'

'Asus.. mga kabataan nga naman ngayon iba na talaga kung mag ibigan' ang echos talaga ni manong amp.

'Manong naman.. mag kaibigan lang po kami'

'Naku... basta wag muna mag buntis ng maaga sobrang hirap ng buhay ngayon pero alam mo iha pwede na rin yan si sir.Lee kasi may sariling negosyo yan kaya hindi na gaano umaasa sa pamilya niya sobrang bait rin niyan.'

'Hala.. manong ang advance niyo po ha.. tsaka suportado po talaga kayo kay Xander haha'

'Hoho oo naman iha napaka bait kaya ng pamilya niyan.. '

'Ohsya.. sige po sa susunod nalang po uli tayo mag chikahan ... Salamat po at papasok na po ko.' paalam ko saka agad na ako bumalik ng Library.

--

Pag balik ko ng Library ay may ginagawa si Mariz kaya hindi ko nalang siya muna tinawag kaya dumiretso nalang ako sa inaayos ko kanina.

Dumaan pala ko kanina sa isang bakery kaya bumili na rin ako ng strawberry cake para kay Xander bilang pasasalamat ko sa pang lilibre niya nung isang gabi at nag sale rin naman kasi sila kaya napabili na rin ako.

*poka poka poka*

napatingin ako sa cellphone ng tumunog ito.

*Calling..*

Unknown..

Sinagot ko nalang agad kahit hindi ko alam kung sino to pero baka si Xander lang.

'Hello?' bungad ko agad sa tumawag.

(Goodmorning my kitty cat)

Huh? Napakunot bigla yung noo ko sakanya.

'Sino po to?'

(Ang gwapo mong amo) wika niya saka narinig ko yung pagtawa niya

(You don't remember?)

kainis... Ilang segundo rin ako na hindi sumagot sakanya.

'Ano kailangan mo?' Iritang tanong ko dito.

(Ikaw..)

'Sorry busy ako ha. Bye!' Tangkang papatayin ko sana nang napahinto nanaman ako sa sinabi niya.

(I'm not busy, so I can share your pictures.) 

'Wait!! No!! Ano ba kailangan mo?!'

(Ikaw...)

'Ano gagawin ko?'

(Bring my Caramel rock salt mocha and Red Velvet cake at my condo now.) 

Condo?.. susmaryusep... rapist ka lang eh!

(Hey... you still there?) 

'Oo.. sige pero mamaya nalang kasi may tinatapos pa ko tsaka mamaya pa yung duty ko.'

(I Said Now)

'Ang kulit rin ng lahi mo noh! sabi kong may ginagawa pa ko!!' sigaw ko dito.

(Ayoko ng pinag hihintay ako bye.)

NightCore☆Where stories live. Discover now