Chapter 9

25 1 0
                                    

Ellie's Pov.

*poka poka poka*

Nagising nalang ako bigla sa tumatawag kaya agad ko sinagot.

'Hello riz?'

(Ellie tuloy na ba ngayon?) Halata sa boses niya na kinakabahan siya.

'Riz.. kasama mo naman ako kaya ayos lang yan tsaka diba matagal mo nang gusto mapanuod sila ng harapan mismo at heto na yung pagkakataon malay natin maging kaibigan pa tayo nila.'

(Hm.. sige Ellie punta na ko diyan)

'Sige maliligo na ko punta ka nalang dito.'

(Sige bye)

*buzz*

From: Xander

Hi! :) Im on my way...

see you..<3

--

Hala.. may mga muta at uhog pa ko dahil kakagising ko lang rin dahil 12midnight na kami naka uwi ni Riz kagabi dahil hinintay ko pa siya. Agad na ko naligo at nag ayos.

Nag lagay ako ng konting powder sa mukha at nag lagay ako ng lipstick na regalo pa ni mariz sakin.

Parang wala namang pinag bago nag ka kulay lang yung labi ko haha.

Pagbaba ko ay nakita ko agad si mariz. Babaeng babae talaga tong besplen ko dahil naka casual dress siya na royal blue at may light na make up samantalang t-shirt na black at jeans lang ang suot ko na may print pang Manloloko ka talaga! By Pepeng malupet binili ko sa divisoria kasi mura xD.

Tinignan niya ko saka may kinuhang parang make up ata sa bag niya saka nilagyan ako bigla ng kung anong pang kulay pink sa pisngi.

'Perfect' wika niya saka ngumiti.

'Tara sa labas nalang tayo mag hintay' Aya ko sakanya saka nag paalam na kami kay mama.

'Sige ingat kayo' tugon lang ni mama.

Pagka baba namin ni mariz ay nag hihintay na pala si Xander.

'Hi! Ang gaganda niyo ngayon' bungad agad ni Xander samin na may ngiti sa mga labi.

'Haha ngayon lang?' Tanong ko na may halong biro.

'I-I mean ... mas gumanda pa' wika niya pero nginitian ko nalang siya.

'Thank you maliit na bagay haha' wika ni Mariz dito.

'Let's go?' Aya ni Xander kaya sumakay na kami sa kotse niya.

Nasa back seat lang kaming dalawa ni mariz at si Xander yung nag mamaneho.

'Xander may girlfriend kana?'

Napatingin ako bigla sa tanong ni mariz sa gitna ng katahimikan namin, bahagyang kinurot ko si mariz.

'Wala pa riz..'

'Talaga?'

'Yup... pero. .' napansin kong ngumiti siya ng bahagya saka tinuloy yung sasabihin niya. '..natagpuan ko na ata siya' sabay biglang nag tagpo yung mga mata namin sa may salamin ng driver seat.

Napayuko nalang ako bigla habang ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko habang bumilis bigla yung tibok ng puso ko at si mariz naman ay tinutusok tusok ako.

'Sino ba yun Xander? haha' tanong pa ni mariz sabay tumawa at tinitignan ako.

'W-well...m-malalaman niyo nalang nag hihintay pa kasi ko ng tamang oras hehe' wika niya.

NightCore☆Where stories live. Discover now