Chapter 15

12 2 0
                                    

Xander's Pov.

    Habang binabantayan ko si Ellie ay bigla nalang dumating si Akihiro.

"Bro... pwede ba tayo mag usap?" Bungad niya sakin saka umupo sa kabilang sofa.

"Tungkol saan?"

"Xander... kilalang kilala kita. Alam kong may problema ka na hindi sinasabi. Kahit gago ako, alam kong sira ulo ka."

Ngumisi ako sa sinabi ni Akihiro. Bahagyang tinignan ko siya at muling binaling yung tingin ko kay Ellie mula sa pagkakahimbing.

"Hindi ko alam pero natatakot ako."

"H-huh? Natatakot saan?"

"Natatakot ako... natatakot akong mawala si Ellie sakin. Gusto ko siya alagaan, Alagaan ng mas higit pa sa kung sino man. Im afraid to lose her."

"Then make the move bro, bago mahuli ang lahat..."

Tinignan ko lang siya habang nakangiti sakin. Tumayo siya at tinapik ako sa balikat. "You have to make it bro." Bulong niya saka humakbang na palabas.

"Then make the move bro, bago mahuli ang lahat..."

Dahan-dahan kong hinawakan yung kamay ni Ellie.

Pakiramdam ko nag kamali ako... nag kamali ako ng akala sa inyo ni Xion.

"Sorry..."

[Flashback...]

"Do you like her Xion?" Tanong ko sakanya kung saan tinignan niya ako. Halata sakanya na nagulat siya.

Napansin kong hindi siya naka sagot at nilagok yung bote ng alak, kung kaya't pakiramdam ko tama yung hinala ko sakanya. Hindi ko napigilang makaramdam ng galit. Tumiklop yung kamao ko na tila'y gustong-gusto ko ng dumapo ito sa mukha niya.

"W-what do you mean?." tanong niya habang napansin kong may papalapit na babae samin.

"Yung babaeng yun!"  Tinuro ko yung babaeng nakatayo sa harap namin. Malabo pero nakilala kong si Ellie yung nasa harap namin.

Tinignan ko si Dexter at nakatitig lang siya kay Ellie. Mas tumiklop yung kamao ko sa tindi ng galit ko sakanya. Tumayo ako para sana higitin si Xion at suntukin pero kumalma yung loob ko ng makita ko siyang lumuluha at sambitin yung pangalang "Kate..."

[End of Flashback.]

Nakahinga ako ng maluwag sa nangyari dahil...

Si Zhai pa rin talaga yung mahal niya...

"Sorry Ellie..."

--

Ellie's Pov.

Minulat ko yung mga mata ko. Nilibot ko ng tingin yung paligid at napatingin ako sa kamay ko habang hawak ni Xander.

Pinag masdan ko siya habang tulog. Siya siguro yung nag bantay sakin.

Gumalaw bigla yung kamay niya saka tinuon yung tingin sakin. Ngumiti siya at umayos ng upo.

"Good morning." Bati niya sakin at ngumiti lang ako sakanya.

"Kumusta? Ayos kana?" Mahinahong tanong niya at tumango lang ako sakanya.

"Ellie!!!"

Napalingon kaming dalawa sa dumating.

"Ellie!! Nag dala ako ng lugaw para kumain ka." wika ni Mariz  na agad lumapit sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NightCore☆Where stories live. Discover now